Chapter 27

708 25 5
                                    

Shoutout to Danielle :) I don't know your last name pero super appreciated yung fanmail mo :) hope you received my letter to you :)

***

paano nga ba natunaw si mr.frosty?

Lalay

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, hindi ko rin alam kung ano na gagawin ko. Tila natulala nalang ako eh hinuhubaran ko ng punda yung unan, nakatitig ako sa bintana, nakikita ko yung view ng city... Parang yung view sa rooftop sa school.

Yung pinupuntahan ko kapag malungkot ako, yung pinupuntahan ko para maglabas ng sama ng loob, yung pinupuntahan ko para makaiyak ng walang nangingielam saakin, yung lugar kung saan pinupuntahan ako ni Arkin.

Arkin...

Naaalala ko nanaman yung panaginip ko, mag ka dikit na ilong namin...

Ughh! Di ako matatapos nito kung puro daydream nalang ako kay Arkin! Nilagay ko na sa cart yung mga punda na madumi at sa ilalim nun may isa pang lalagyanan yung mga malilinis na punda ng unan at bed sheet nandun. Kumuha ako ng mga clean pair ng punda at bed sheet at binihisan yung bed, after ko magawa yun it dawned on me na last bed na pala yun na aayusin ko, tapos ko na OJT ko.

Gusto ko na pumunta sa lounge dahil nandoon yung phone ko, gusto ko tignan kung nag text si Arkin este kung may balita na si kuya kay papa.

Miss ko na si papa, hindi pa nga kami totally nakaka bond eh.

Iniwan ko na sa laundry room yung mga maduduming punda at bedsheet, iniwan ko narin yung cart doon. Pumunta na ako sa lounge, para mag out .

Pag punta ko doon, nag out na ako. Tapos pinapapunta ako sa accounting dahil yung sweldo ko daw. So after getting my salary, kinuha ko na lahat ng gamit ko from my locker and dinala doon sa room ko.

Walang text galing kay kuya, although may text galing kay Arkin.

I'll pick you up at exactly 10am :)

Nangiti ako, tapos bigla kong narealize na first date nga pala namin! Ano susuotin ko?! Bobonggahin ko ba ayos ko sa sarili ko?! Tumatakbo na ko ngayon sa kwarto binuksan yung closet naghanap ng damit. Chineck ko yung time 8:30am na, naku! Mamaya na to!

Tumakbo na ako sa banyo para maligo in-on ko na yung shower nilagyan ko na yung toothbrush ko ng toothpaste,nilagay ko na sa bibig ko yung toothbrush, naglagay narin ako ng shampoo sa hair ko. Jusko galawang ninja! Multi-tasking pa more!

After shampoo-ing and brushing my teeth. Nag sabon na ako ng buong katawan, scinrub ko ng mabuti katawan ko. All in all naging ninja ako for 6 minutes and 20 seconds, after maligo piga ng hair tuyo ng katawan, nag blower ng hair.

Nag apply lang ako ng pulbos, kung gusto nya ko wala naman siya pakielam dapat sa itsura ko diba?

And with that thought, naisip ko na. Hindi dapat ako mag damit ng maganda o mag ayos ng bongga para sa isang tao. Kaya yung sinuot ko na damit white crochet na off shoulder na top at beige na short, gold na sandals. Kinuha ko yung fringed na brown body bag ko nilagay ko wallet,phone,earphones,powerbank, at panyo .

Saktong pag tapos ko ayusin gamit tumunog yung doorbell. Kumakabog dibdib ko sa kaba, ano kaya mangyayari?

Paano nga ba natunaw si Mr. Frosty?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon