ENTRY #01

10.4K 298 48
                                    

ENTRY #01 - The new her

"What the... Yuck!" Lahat ng kasama ko sa hapag ay gulat na napabaling sakin ng pabalya ko nalang inilapag ang tinidor ko sa ibabaw ng plato ko.

"What kind of food is this?! Ang pangit pangit ng lasa! Is this even a food?" Malakas na reklamo ko habang parang nandidiring nakatingin sa mga pagkain sa harap ko.

Nakita kong dahan dahan ibinaba ni mommy Leia yung kutsara niya at nahihiyang nagtungo ng ulo.

Si dad naman ay napatigil din sa pagkain at kunot-noong napabaling sakin, habang si April ay sandali lang nag-angat ng paningin bago nagpatuloy na ulit.

"Uhm... I'm sorry, hija. I'm the one who cooked our breakfast and... hindi ko alam na hindi pala ganon kaganda ang lasa." Nahihiyang apologize ni mommy.

"Tsss.. Hindi ka naman pala marunong, edi sana di ka nalang nakialam sa kitchen!"

"Xhyril!" Malakas na sigaw ni dad sa pangalan ko.

Bumaling ako sa kanya. Bakas na bakas sa mukha niya ang galit. "Why, dad? I'm just stating a fact here. Hindi naman talaga masarap e. Kaya dapat hinayaan niya nalang yung mga maids sa kitchen at hindi na siya nakisawsaw---"

"Watch your mouth, Xhyril! You're talking about your mother. 'Wag kang bastos! Ganyan ba kita pinalaki?" Nanggagalaiting saway sakin ni dad.

Nakita kong bahagyang hinila  ni mommy yung braso ni dad para pakalmahin. "Hon, it's okay..." I heard her say.

Honestly, mommy Leia is nice. Very nice actually. And I like her. But hell, I would never let her know.

"See? It's okay with her, dad, because it's true. And besides, she's not my mother. My mother died six years ago and no one can replace her. And more thing, what did you say?  Pinalaki? Kailan mo ako pinalaki? As far as I remember, baby palang ako, ni hindi pa nga ako pinapanganak ng iwan mo na kami ni mama. Kaya sige nga, sabihin mo. Kailan mo ako pinalaki?"

Nalaglag ang panga  niya. Ganon din si mommy at April. Hindi siguro nila ine-expect na magb-burst out ako ng ganon.

Hindi ko  na siya hinayaang sumagot. Padarag na akong tumayo at umalis na doon.

Saka lang yata sila nakahuma at bahagya ko pang narinig ang malakas  na tawag ni daddy sa pangalan ko.

"Xhyril! Come back here! I'm not yet done with you! Xhyril!"

Hindi ko na siya pinansin at nagmamadali na akong tumakbo paakyat sa kwarto ko.

This is the new me. This is the new Xhyril Amarillo Patterson. Maganda, high-class, mayaman, sikat , maldita at maganda ulit. XD

Is it my fault?

Kasalanan ko ba na maging ganito na ako? Of course not. This is not my fault. Sila ang may kasalanan nito.

Do you want to know how I end up like this? Well, saka ko na iku-kwento. Maghintay kayo!

Inabot ko na yung intercom dito sa loob ng kwarto ko. Connected 'to sa lahat ng mga maids kung sino man ang gusto kong tawagin sa kanila.

"Josie, Myrna and Eva. Go to my room, now!" I ordered bago ko pinatay ang intercom.

They are my favorite maids. Favorite utusan, alilain at pasunurin. Ewan ko ba, mga uto-uto kasi sila. Hindi sila pure Filipino.

Josie's half Filipino, half Japanese. Myrna's pure American, while Eva's half Chinese, half Indonesian. Iba iba nga ang language namin e. Pero dahil ako ang amo nila, kailangan nilang matutong magsalita ng tagalog para hindi ako yung nahihirapang mag-adjust sa kanila. Syempre naman 'no, ayokong pahirapan ang sarili ko para sa mga katulad nilang muchacha. At wala silang karapatang magreklamo kung ayaw nilang mawalan ng trabaho. Kaya ang ending, para narin akong nasa Pilipinas dahil lahat kami nagtatagalog.

The Ugly's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon