ENTRY #19 - Bleeding
Paggising ko ay mukha na agad ni Xander ang bumungad sa paningin ko.
He's peacefully sleeping on a chair next to me. He's resting his head on my bed while holding my hand.
Dahan dahan akong bumangon sa pagkakahiga. Iginala ko ang paningin ko sa paligid.
The place were very unfamiliar. The couch, bed, curtains. Then saka lang nag-sink in sa akin na wala nga pala kami sa condo ko. Nasa Boracay nga pala kami and I just created a big scene last night.
Napapikit ako ng mariin at napahawak sa sintido ko dahil sa matinding pagkirot ng ulo ko.
Napabaling ako kay Xander na nasa tabi ko. What is he doing here, anyway? He's not yet included in my plans for now but why does he keep getting involved?
I tried to pull my hand slowly from his tight grip, pero kasabay noon ay ang paggalaw rin niya.
Iniangat niya ang kanyang ulo mula sa pagkakahiga bago natatarantang hinagilap ang mga mata ko.
My eyes met his weary eyes. He checked the other parts of my body to look if I still have bruises.
"How are you feeling, baby, hmm? C'mon tell me may masakit paba sayo? Do you need anything?" Sunod-sunod na tanong niya.
"I'm fine, Xander. There's no need to worry about." Matabang na sabi ko.
Well, that was partly true. I'm fine emotionally because my plan was a success but my body are still aching. My head, my ankle and some parts that I can't clearly determine where. But of course I won't let him know that.
Mabilis niya akong kinabig at niyakap ng mahigpit. I felt my body stiffened. Hindi agad ako nakahuma dahil sa ginawa niya.
"Thank God you're safe! What happened really, huh? C'mon tell me." He asked.
Nag iwas ako ng tingin sa kanya. I can't bear to look at him.
Everytime I look at his face it always reminds me about the past. Parang echo na nagpapaulit-ulit sa isip ko ang mga tanong kung bakit hindi ako ang pinili niya. Did he really hate me about the rumors before between me and Nathan? O maaaring tama ang sinabi ni Tanya. Na nagsawa lang siyang paglaruan ako. And that makes me hate him even more. But why is he acting this way again. Ano na naman ang gusto niya.
Iniwas ko ang sarili ko sa kanya. "Why are you here? Hindi ba nasabi sayo ni Molly na ayokong may ibang taong napasok sa kwarto ko without my permission? Thank you for bringing me here but you can go. Gusto ko munang magpahinga." Malamig na turan ko bago muling humiga patalikod sa kanya.
"Are you hungry? What do you want to eat?" Tanong niya na parang hindi man lang narinig ang sinabi ko.
"I told you to leave. I want to be alone!" Asik ko sa kanya habang nanatili paring nakatalikod.
Mahabang katahimikan muna ang nangyari bago ko naramdaman ang pag-alis niya. I heard him say that he will be back pero hindi ko parin siya pinansin.
Hindi pa man nagtatagal ang pag-alis niya ng may marinig akong katok sa pinto.
Bumalik naba ulit siya? Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na inayos ang buhok ko. Umahon ang excitement sa dibdib ko pero mabilis din iyong naglaho ng marinig ko ang tinig ni Molly mula sa labas.
I instructed her to come in.
She was holding a tray with lots of food in there. Mukhang kumpleto pa katulad ng sa food pyramid.
"Good morning po, ma'am! Kamusta na po ang pakiramdam niyo? Eto po may dala po akong food para sa inyo. Si kuyang pogi po ang nagprepare niyan! Alam niyo po, maam? Sobrang alalang-alala po siya. Sa inyo mula pa kagabi. Halos lahat po ng tao sinigawan niya lalo na nung nawalan po kayo ng malay at wala pa po yung mga doctor habang itinatakbo niya po kayo pabalik dito sa suite. Medyo napanatag lang po siya nung sabihin na ng mga doctor na stable na naman po ang lagay niyo at nag-faint lang po kayo dahil sa exhaustion." Tuloy tuloy na kwento niya kahit di ko naman tinatanong, tsss...
![](https://img.wattpad.com/cover/45924824-288-k112419.jpg)