ENTRY #09

6.6K 199 18
                                    

ENTRY #09 - I miss you too

Maaga palang ay naghahanda na ako papunta sa opisina.  Well,  it's just a temporary office that my dad provided for me when he sent me here.

Then after that assigned work I have to do,  pwede na akong umalis dito at bumalik sa States. But of course,  kailangan ko munang ma-accomplish ang mga plano ko bago ako umalis dito sa Pilipinas.

Pagdating ko sa building ay naroon na ang mga empleyado na si Dad na mismo ang nag-hire bago palang ako bumalik dito sa Pilipinas. 

He already settles everything for my come back kahit na nasa States siya.  I didn't know how he did it,  but one thing is for sure.  My dad is very influential.  Kayang kaya niyang mag-run ng mga business kahit nasan man siya.  That's why it makes me confuse.  Why does he need to send me here if he can control everything by himself without coming back here. 

To teach me? 

Pabigat naba ako sa kanya masyado?  Am I being an excess baggage here?  For Pete's sake sobrang dami niyang pagkukulang sakin tapos ito pa ang gagawin niya? 

But anyway,  kailangan ko rin naman 'to para sa paghihiganti ko.

I immediately headed to the finance department pagpasok ko palang sa building, hindi ko na rin pinansin yung guard na bumati sakin pagkapasok ko.  Wala akong panahon makipagbatian sa kanila.  It's just a waste of time. 

Hinanap ko agad yung finance department head na si Jessica at pinasunod siya sa opisina ko. 

"Follow me to the office,  now. " bago ako nauna nang umakyat sa opisina ko. 

Mabilis na napatayo yung secretary ko sa labas ng office ng makita ako. "G-Good ma'am Xhyril." Bati niya.

I nod at tumigil muna ako sa harap niya. "Make me a cup of coffee. Less sugar,  more cream.  Got it?" I instructed.

Mabilis na tango naman ang isinagot niya sakin.  Akmang tatalikod na ako ng may maalala.  "And wait,  Mae.  Tell Jessica to just come inside, okay?"

"Yes po ma'am. N-Noted po." Medyo nag-aalangan na sagot niya.  She seems nervous again.  Akala mo naman sisinghalan ko siya any minute.

"Wala na po ba kayong iuutos ma'am?" She asked stupidly.

"Stop being stupid, Mae.  Kung meron pa edi sana sinabi ko na,  diba?  Anyway,  can you please improve your sense of fashion?  Nakakairita ka tignan e."

"P-po?" Nagtataka niyang tanong sakin.

"Look at yourself." I surveyed her from head to toe. 

Napayuko din siya sa sarili niya.  She's wearing a long sleeves polo top at lagpas tunod na palda.  Mukha siyang madre.  Plus,  an eyeglass.

"Bakit po... m-ma'am?  May mali po ba sa... suot at ayos ko?" Bakas ang kaba sa mukha niya.

I chuckled. "Why do you keep on asking me stupid questions, Mae? Can't you see yourself? Napaka-manang mo manamit!  Akala mo araw araw may misa dito sa opisina ko dahil para kang madre kung magsuot ng damit." I told her frankly.

"P-Pero ma'am...  dito po kasi ako kom.. portable." Halod mangiyak-ngiyak pa na katwiran niya.

"Yes.  Dyan ka nga komportable pero ang pangit.  Mukha kang tanga dyan.  I'm not saying this to offend nor to insult you.  I'm saying this kasi ito yung nakikita ko.  You're ugly. So take this advice.  Improve yourself.  You're better than that." Mahabang litanya ko bago nagtuloy na sa office ko at hindi na pinansin kung ano mang magiging reaksyon niya sa mga sinabi ko.

The Ugly's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon