Entry #23 - Rescue
Sinipat ko ang mukha ko sa harap ng salamin matapos mag-apply ng light make-up. Hinubad ko na ang robang suot ko at pinasadahan muna ng tingin ang napili kong isuot na damit ngayon.
I wore a black halter dress partnered with a white stilettos and my white clutch bag as well.
Napangisi ako sa harap ng salamin ng mapagtantong para akong pupunta sa lamay dahil sa color combination ng suot ko. Well, it's not like I'll go on a date, right? Mabuti pa nga at naisipan ko pang mag ayos.
Kinuha ko ang phone ko at naghanda na umalis. Nagtipa ako ng message para kay Liam. I told him that he don't need to drive me tonight and he should take the day off since I'll be running a personal errands. I didn't even bother to wait for his reply. Duh. As if naman na mag reply pa 'yon.
I dialed Jacob's nunber while heading to my car. Ng makaupo na ako sa driver's seat ay saka palang sinagot ni Jacob ang tawag ko.
"Hi Jacob." Panimulang bati ko sa kanya before I transferred the call to my car's speaker saka ako nagmaneho palabas ng parking lot.
"I'll head to his condo, now. Don't worry about me. Wala pa naman akong balak gawin ngayon. I just want to check his condo if I'll have any evidence to indict him." Casual na sabi ko.
"Why do you need to go there, Xhy? You know it's dangerous, right?" aniya. Patuloy parin ang paalala sakin na delikado ang gagawin ko.
"No. I'll be okay, Jacob." Sabi ko at bahagyang sumulyap pa sa speaker ng kotse ko na akala mo nakikita ko ang kausap ko doon. "He can't harm me. I'll just need to gather information or evidence against him. You know what we knew right now won't be enough if we don't have any evidence about it. Don't worry I'll be careful and I'll be home early. Call you later. You know what to do in case, okay?" I assured him. Kahit kumakabog ang dibdib ko sa di malamang dahilan.
Tinapos ko na ang usapan namin ng makarating na ako sa parking ng condo ni Nathan. Pinagmasdan ko muna ng tingin ang sarili ko sa salamin ng kotse.
I held my necklace with a heart shaped pendant and a big stone in the middle. "I'll make sure to get information I needed to destroy you, Nathan Elisalde. Tonight." ani ko sa sarili habang naka titig sa repleksyon ko sa salamin.
I headed out of my car and gracefully walk towards the elevator. I typed a message for Nate that I'm already at the basement going upstairs.
Akmang itatago ko na ang phone ko ng bigla na naman itong tumunog. I saw Xander's name registered on the screen. I declined the call at pinindot na ang up button sa labas ng elevator. I opened my unread messages and most of them came from Xander while waiting for the elevator to open. Asking where am I and what I'm doing. Sunod sunod na messages pa ang dumating dahil ngayon lang din natapos ang usapan namin ni Jacob.
Xander:
Where are you? Why you're not answering my messages and why the hell your phone's busy? Who are you talking to?"
I rolled my eyes while reading his messages. So clingy. Akala mo naman jowa ko.
Pumasok na ako sa elevator ng bumukas na ito, sakto namang tumatawag ulit si Xander. Hindi ko na ito sinagot at hinayaan nalang. Wala rin namang signal dito sa loob. I put my phone on silent bago ibinalik sa bag ko. Baka makasira pa ang pangungulit ni Xander sa plano ko ngayon.
Tumunog ang elevator ng nasa tamang palapag na ako ng condo ni Nathan. I cannot help myself but to feel nervous. I'm acting brave but deep inside I'm terrified. I took a deep breath and gracefully walk towards Nathan's condo.
Medyo malayo palang at dinig ko na ang maingay na tawanan sa loob. Napa-kunot ako ng noo dahil akala ko nagkamali ako ng room number na pinuntahan pero nagulat ako ng lumabas si Nathan hawak ang phone niya at bakas pa ang ngisi sa mga labi. Lumaki lalo ang ngiti niya ng makita ako. I posed a fake smile at him hanggang sa makalapit na ako sa kanya.