ENTRY #05 - The first meeting
Pinasadahan ko munang mabuti ang sarili ko sa harap ng salamin. Paulit ulit hanggang sa makuntento na 'ko.
For the first time after six long years, ngayon lang ako naghanda ng ganito. Talagang pinaghandaan ko 'to. Nasanay na ako na kahit anong itsura ko, confident ako na maganda ako.
But not this time. I should look the best. Gusto ko yung kapag nakita ako, lahat sila maaagaw ko ang atensyon ng walang kahirap hirap.
I wore a tight fitting red Channel dress. First time ko 'tong sinuot pero sa States ko pa 'to binili. Talagang ni-reserve ko 'to talaga para sa araw na 'to. And I partnered it with a black 6 inches stiletto shoes. I curled my hair and just put a light make -up on my face. Gusto kong makilala niya ako pag nagkita kami. I wanna see the looks on his face after seeing the new Xhyril Amarillo.
Nang makuntento na ako sa itsura ko ay kinuha ko na ang phone ko para tawagan yung private investigator ko. I need to know where's my enemies location.
He said Xander is in a coffee shop for a client meeting. Kaya nag-ready na ako para puntahan yung shop na yon.
Bago ako umalis ay pinasadahan ko muna ulit ng tingin ang sarili ko sa harap ng salamin saka na ako lumabas ng kwarto ko.
Two weeks na akong nandito sa Pilipinas pero ngayon palang ako lalabas ng bahay. I was so busy for the fast few days. Sa preparation ng construction ng new branch ng business ni dad at syempre para sa araw na 'to. Ayokong pumalpak. Ayokong masira ang mga plano ko kaya dapat ayusin ko 'to ng mabuti.
Naabutan ko pang mag-ayos ng living room si nanay Lucy pagbaba ko.
"Oh, hija! Napakaganda mo naman. May lakad kaba?"
"Oo nga po, ma'am! Siguro po may date kayo 'no? Ayieeee!" Biglang singit nung isang muchacha sa gilid ko. Siya muna ang binalingan ko.
"Wala kang pakialam, kaya wag kang sumabat diyan. Alis!" Pagtataray ko sa kanya na siyang ikinalaglag ng panga niya bago napapahiyang umalis. Inirapan ko nalang.
Ibinaling ko na ulit ang tingin ko kay nanay Lucy na napangiwi ngayon dahil sa gulat sa inasta ko. Hindi ko nalang pinansin.
"Opo, nay aalis ako. I have an important thing to do."
Tumango-tango siya. "Hindi kaba dito manananghalian?"
"Nope. Baka sa labas narin po. I gotta go."
"O siya sige. Mag-iingat ka."
Tumango lang ako at nilagpasan na siya. Yung kulay red na BMW ang napili kong dalhin na sasakyan. Syempre para match sa dress ko.
Wala pang ilang minuto ay nakarating na agad ako don sa coffee shop na sinabi ng private investigator ko. And luckily, hindi pa nga ako nakakababa sa sasakyan ko ay nakita ko na agad siya. Nakita ko na ang demonyong sumira ng buhay ko. Taong minahal ko ng totoo pero sinaktan at niloko lang ako. So, this time ako naman. You won't get away with this, Alexander Johnsen. Humanda ka.
Lumabas na ako ng kotse ko. Nakita ko naring medyo patapos narin yung meeting nila. Pinagmasdan ko muna siyang mabuti mula sa labas. Yung taong sobrang nanakit sakin. Taong nanloko at nagpa-mukhang tanga sakin. Taong minahal ko ng totoo pero niloko lang ako.
I gitted my teeth while clenching my fist so hard while staring at him from outside. Nasusuka akong makita siya. Sukang suka ako sa mukha niya.
Nag-ready na ako ng makita kong nakipagkamay na siya sa mga clients niya. Inayos ko na yung shades ko at naglakad na papunta sa entrance ng coffee shop ng makalabas na yung mga clients na kausap niya. Siya nalang ang natira doon. And he's smiling from ear to ear. Have closed a deal, huh? Hmmm... sorry dear but I'm gonna erase that kind of smile in your face soon.