ENTRY #04

6.8K 237 35
                                    

ENTRY #04 - Mama

(FLASHBACK)

Nagmamadali na akong umalis para pumunta sa mansion nila Xander. Kailangan kong makausap si Sir Alex.

Kailangan kong magmakaawa sa kanya na huwag niyang alisin yung scholarship ko. I'll be graduating a few months from now kaya hindi ako pwedeng matanggal sa Panterine High ng ganon ganon lang.

Hindi ko pwedeng biguin ang mga pangarap sakin ni mama. Hindi pwede..

Wala na akong inaksayang oras. Nang makarating ako sa mansion ay sunod-sunod na katok at door bell na ang ginawa ko sa gate nila. I badly need to see Sir Alex.

"Sir Alex! Sir Alex!" Sigaw ko pa. I'm desperate.  Yes..

Maya-maya ay bumukas na yung gate at bumungad sakin si manang. Mabilis ko siyang hinawakan sa braso habang unti-unti na namang nagbabadya ang mga luha ko.

"Manang, nandyan po ba si Sir Alex? Kailangan ko po siyang makausap." Bakas sa mukha ko ang pagmamakaawa.

Hinawakan niya rin ang mga kamay kong nakahawak sa kanya at tiningnan niya ako ng may simpatya. "Pasensya kana, hija. Pero wala pa si sir dito eh. Hindi ko alam kung anong oras pa siya uuwi."

Tuluyan nang bumuwal ang mga luha ko. "M-manang... parang a-awa niyo na po. Kailangan ko po talaga siyang... m-makausap."

"Pasensya kana talaga, Isay, pero wala talaga si sir dito. Kung gusto mo bumalik ka nalang mamaya." Saka na siya tumalikod sakin at pumasok na sa loob.

Naiwan ako sa labas at nanghihinang napaupo. Sobrang nanghihina na ako. Pakiramdam ko hindi ko na kakayanin lahat.

Una, nagkasakit si mama. May kumalat na pictures naming dalawa ni Nate sa school. Nalaman ko na pinaglaruan at niloko lang ako ng taong pinamamahal ko. Tapos ngayon yung nag-iisang pag-asa namin ni mama na makaahon sa kahirapan mawawala pa.

Bakit ganito? Bakit ganito nalang yung kamalasang nangyayari sa buhay ko? Ano bang kasalanan ang nagawa ko para sakin mangyari 'to?

Matagal ako akong nanatiling nakaupo sa sahig hanggang sa mag-ring yung phone ko.

Biglang umahon ang kaba sa dibdib ko ng makita ko ang pangalan ni mama.

"Hello 'ma? Bakit po? A-Ayos lang po ba kayo?" Sunod-sunod at kinakabahan kong tanong sa kanya.

"A-anak..." napapaos na tawag niya sakin na lalong nagpakaba at nagpabuhos ng luha ko.

"M-ma.. ayos lang po ba kayo? Ano pong nangyayari sa inyo diyan?"

Narinig ko narin ang paghikbi niya sa kabilang linya. "Mahal na mahal kita, anak... pa-tawarin mo a-ako dahil hindi kita nabigyan... ng m-magandang buhay. P-patawad ... anak." Putol-putol na sabi niya. Halatang nahihirapan.

"Wag po kayong magsalita ng ganyan, mama! Mahal na mahal ko rin po kayo kaya please naman po, wag niyo naman akong takutin ng ganito!" Sabi ko habang patuloy parin sa pagdaloy ang mga luha ko.

"Hindi ko na kaya, anak.. Hirap na hirap na ako. Kaya palagi mong tatandaan ha? Mahal na mahal kita at hinding hindi kita pababayaan... paalam na anak. Mag-iingat ka palagi..."

Napatayo na talaga ako. Hindi ko narin napigilan ang malakas na paghikbi ko. "'Ma, wag naman po ganito. Wag mo akong iwan ma... 'ma! 'Mama!" Patuloy na sigaw ko, pero wala na akong narinig ni isang tugon kay mama. Napahagulgol na ako.

Iniwan narin ako ni mama. Wala na siya.

--

Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap. Nailibing na si mama pero pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari lahat. Parang kahapon lang nangyari lahat ng masasakit na bagay sa buhay ko.

The Ugly's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon