ENTRY #16

4.8K 116 24
                                    

ENTRY #16 - Ice Cream

Papalubog na ang araw ng lumabas kami ng mall.

After that incident happened in the boutique hindi na pinakawalan pa ni Xander ang kamay ko. I'm kinda pissed at him still pero naisip ko ma hindi niya naman kasalanan na malandi yung haliparot na sale's lady na 'yon. Tsssss.

Pagkatapos din ng nangyaring 'yon hindi na rin siya umalis sa tabi ko kahit anong boutique pa ang puntahan ko.  Syempre hindi parin naiiwasan na pagtinginan siya at pagpa-cutan ng mga babaeng mukhang paa pero wala nang nagtatangkang lumapit pa at lumandi sa kanya lalo na at alam naman nilang kasama ako ni Xander.

But surely I'm not jealous, okay? Ayoko lang nalalamangan pa ako. Tsss.

Marami parin akong nahuhuling panaka-nakang tumititig at nagkukumento sa ka-gwapuhan 'daw' nitong tukmol na 'to pero titigan ko lang sila ng masama at titiklop na sila agad.

Ilang pares din ng damit ang nabili ko ganon din si Xander.

Hindi na masama ang panahon gaano pero medyo makulimlim parin. But I think the weather for tomorrow will be good. At kung suswertihin  ay baka sa makalawa makabalik na kami sa Manila.

I still need to plan my revenge to Tanya. And wasting time is not applicable.

Tanya is my first prey. That b*tch will be the first in my list. My first target. Then Nathan's next. While Xander? Well, I already started. Siya ang pinaka-importante kasi siya ang sumira sa pagkatao ko.

Humilig ako sa balikat niya habang nagmamaneho siya. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko bago sumulyap sakin at ngumiti ng matamis.

"Are you sleepy?" Masuyong tanong niya.

Umiling ako. "No... I just wanna be close to you." Malambing din na tugon ko sa kanya bago ko sinuklian ang matamis niyang ngiti.

Halos umabot ang ngiti niya sa mga mata dahil sa sinabi ko.

Binitawan niya ang kamay ko at ipinulupot sa baywang ko. Then he pulled me closer to him even more. "I wish every moment were like this."

I smiled to myself. I don't know what's gotten into him to act like this. Hindi ko alam kung ano na naman ang plano niya sakin kaya ganito niya ako ituring. But one thing's for sure.. He cannot fool me again.

Naisipan kong dumaan na rin muna kami sa grocery store bago kami bumalik sa rest house. Bumili kami ng ilang ingredients na kakailanganin namin for pork menudo.  I told him that I like that for dinner. I also bought ingredients for leche flan as our dessert.

I miss baking sweets. Sa States kasi di ako masyadong nakakapag-bake dahil parating nandon si mommy sa kitchen. As if that's her territory I cannot invade.

I have nothing against her but I feel so awkward if I'll be nice to her. Lalo na sa harap ni daddy. Mom was very kind. At sa loob ng anim na taon natutunan ko na rin silang mahalin, as well as my sister April, of course. Kay dad lang medyo aloof ako. Actually wala namang kasalanan si mommy at April kung bakit kami napabayaan ni mama. At partly alam ko kasalanan din ni mama dahil itinago niya yung kalagayan niya kay dad. At syempre hindi lang naman si mama ang may kasalanan ng lahat, si dad din. Kasi pagkatapos ng nangyari sa kanila ni mama hindi niya man lang ito kinumusta man lang.

Mommy and April were out of the picture. Wala silang kasalanan. Hindi dapat ako magalit sa kanila. Actually I should be thankful. Kasi kahit na anak ako ni dad sa ibang babae tinanggap parin ako ni mommy na parang tunay niyang anak sa kabila ng masamang pakikitungo ko sa kanya.

I love her. I love them. But still, I feel like I'm betraying my own mother if I will be nice to them. Especially to mommy.

Nauuna akong maglakad kay Xander ng nasa loob na kami ng supermarket. He's pushing the cart while I'm the one who's picking the ingredients I need for our dinner and dessert.

The Ugly's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon