ENTRY #14

5.5K 130 19
                                    

ENTRY #14 - Left

"Yes? Hello, Jacob? Bakit ka napatawag? May balita naba sa mga pinapa- investigate ko?" Tanong ko ng sagutin ko ang tawag ni Jacob.

He's my private investigator. And also a dear friend of mine. We've been friends for almost 6years now. Nakilala ko siya sa Gensan noong umuwi ako doon para sa libing ni mama. Anak siya ng kaibigan ni mama doon. Sila ang nag-aruga sakin nung mga panahong nasa Gensan ako at nagluluksa sa pagkawala ni mama, kasabay pa ng mga nangyare sakin sa Maynila noon. Kaya malaki rin ang utang na loob ko sa kanila.

"Yeah. I already have information about Tanya Lee."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tiningala muna ang hagdan patungo sa second floor bago lumapit sa may bintana. Malakas parin ang ulan sa labas at sumasayaw rin ang mga puno sa lakas ng ihip ng hangin. Mukang may bagyo pa yata.

"Really? Where is she? Where is the location of that b*tch, Jacob?" Pinigilan ko ang aking sarili sa pag-uumalpas ng galit sa aking sistema.

"She's a model and she's in Boracay right now for a competition. Actually this is not just a simple competition because it is actually the biggest for her. Kapag nanalo siya roon ay magiging regularly na model na siya ng isa sa mga pinakasikat na clothing line hindi lamang dito sa Pilipinas ganon din sa iba pang mga bansa." He explained.

"Why? Why does she need to stick in that kind of modelling career? I mean, hindi ba dapat sa company nila siya nagtatrabaho? It doesn't make sense at all. Dapat ang inalam mo kung anong company meron sila hindi yung modeling career niya lang, Jacob. She ruined my life. Ruining just her nonsense career won't be enough for me." Matalim na sabi ko.

I want her ruined. Completely ruined like how they did to me. I want her crawling back to me begging for my forgiveness.

"That's not just a simple modeling competition for her, Xhyril. That's her biggest break. That's her last resort. The company that her parents own was bankrupt 3 years ago. Nalulong sa sugal ang mommy at daddy niya kaya napabayaan ang kompanya nila. Tanya Lee as the only daughter was given all her luxury in life. Kaya dahil sa pagwawaldas ng pera ng parents niya sa pagsusugal kasabay ng mga luho ni Tanya kaya unti-unting lumubog ang kompanya nila. The investors pulled out their shares at naiwan sa kanila ang lahat ng pagkakautang kaya wala silang choice kundi ipangbayad ang nalulugi nang kompanya."

I put my left thumb finger on my lower lip while thinking about what he just said. I guess karma helped me a bit while I'm away,huh.

"So what happened to her parents now?"

"Hindi natanggap ng dad niya ang nangyari sa kompanya nila. Nalulong ito sa bisyo. Drugs and alcohol. That's why her mom separated with him. Her father is in rehab now while her mom runs a small and dry clean business on her own. And Tanya Lee that used to live in luxury can't accept that they don't have money now. So she run away from home. She went to different clubs. Went out with different men for money. Kahit DOM pinapatulan niya para sa mga luho niya. She joined different kinds of modelling competitions also. And now, she's living in a condo unit in Makati that her boyfriend got for her. But despite of having a boyfriend, she still continue seeing different men from different clubs or even her colleagues in modeling." Mahabang paliwanag ni Jacob.

"So you're saying... na kahit may boyfriend na siya sumasama padin siya sa ibat ibang lalake? Right? And--" naputol ang sasabihin ko ng may kung anong bagay ang kumalabog mula sa taas. Kasabay ng sunod sunod na pahisteryang tawag sakin ni Xander.

"Isay? Isay where are you? Isay!" Malalakas at pahisteryang tawag ni Xander sakin pero mababakas padin ang panghihina sa boses niya.

Hanggang sa may narinig na naman akong kumalabog mula sa taas.

The Ugly's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon