Bro 2

203 5 0
                                    

Baekhyun

"ito magiging kwarto mo." binuksan ni Chanyeol yung pinto para makita ko yung loob.

"tapat lang nito ang kwarto ko kung may kilangan ka kumatok ka na lang." tapos iniwan na nya ako at pumasok na sya sa loob ng kwarto nya. In fairness gwapo sya malaki nga lang ang tenga,para syang yoda..ahahahaha..

pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. mukhang stock ako sa kanya, pero pwede ng pag tyagaan gwapo naman sya. oh gosh Baek..future brother mo sya wag mong pagpantasyahan. oh!shut up mind, as if type ko naman sya. yuck! may taste akong tao nuh?!

Kinabukasan~

"Chanyeol" tawag ko mula sa labas ng kwarto nya. Kumatok na ko pero walang sumasagot. Pinihit ko ang doorknob, hindi ito nakalock kaya pumasok na ako.

Naks sa kwarto tindahan ba ito ng cap.Ang dami..makapagsukat nga baka pwede akong maghiram.hehe.

Papalapit na ako para kumuha ng isang sombrero.

"Anong ginagawa mo dito?"

"AY ELF!!!" gulat na bulalas ko at napatingin sa pinanggalingan ng malagong na boses.

Nakatapis lang ng tuwalya at shocks! Wet look ang elf.Eng het het nye nemen.hehehe.. Nakatingin sya sakin at nakakunot ang noo.

"oh gamitin mo muna."

Sinalo ko yung hinagis nya at tiningnan ito.

"towel? Ano gagawin ko dito?" taas kilay kung tanong sa kanya.

"punasan mo yung laway mo baka tumulo sa sahig. Kadiri!" sabi nya sakin habang nakasmirk.

"CHE!!!" binato ko sa pagmumukha nya yung towel na hinagis nya sakin. At nag walkout. As if naman na tutulo ang laway ko sa hot body mo bakit yummy ka ba kuya?!. Tsk! Bago pa ko nakalayo sa kwarto nya eh rinig na rinig ko yung tawa nya..masamid ka sana..Buset.

Bumaba na ako para kumain ng almusal. Papasuk na rin kasi ako sa school ng elf ngayong araw.

Habang kumakain ako naramdaman kong umupo sya sa upuan sa harapan ko at kumain na rin. Hindi ko na sya tiningnan.

"sasabay ka ba?" seryusong tanung nya sakin.

"oo" tipid kung sagot.

"tumayo ka na dyan baka malate tayo." tumayo na sya at umalis na.

Umalis na saya at agad naman ako sumunod.

Nakita ko syang nakasandal sa kotse na.

"bilis iiwanan kita." sabi nya at saka pumasok sa loob ng kotse.

binuksan ko yung pinto sa backseat "dito ka sa tabi ko umupo..baka mapagkamalan pa nilang driver mo ko..napakaswerte mo naman gwapo ng driver mo." kaya isinara ko yung pinto at pumunta sa unahan.

"ASA!nanaginip ka pa ata Chanyeol..or hndi mo pa alam..FYI Chanyeol hindi ka gwapo." saka ako umupo sa tabi nya at pabagsak kong isinara yung pinto ng kotse nya. ASAR!

Nagdrive na sya at walang umiimik samin. matingnan na nga lang yung mala dyosa kong face.

"waaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!"

bigla syang nagpreno at humarap sakin."bakit? anong nagyari?

"aray ah masakit." reklamo ko muntik na kasi kami mag face to face nung nasa unahan ng kinauupuan ko.

humarap ako sa kanya, mangiyak ngiyak na talaga ako sa sitwasyon ko. "medyo na fade na kasi yung eyeliner ko." ayan na papatak na yung luha ko.

"tsk!pwede kung hindi naman importante, wag ka magpanic ng ganun."

"anong hindi importante?!wow chanyeol between life and death situation yun. Mahalaga yun." sagot ko sakanya at saka kinuha ang eyeliner sa bag ko para magretouch.

"whatever?!" tapos pinaandar na nya ulit yung car.

Pero ang pesteng elf parang zigzag ang kalsada kung magdrive..hindi tuloy ako makapag lagay ng ayos. Ibinaba ko yung eyeliner ko and then mga ilang seconds lang umayos yung pag dridrive nya. naisip ko ulit mag lagay pero pazigzag na naman ang pagdridrive nya. PESTI!!nanandya itong elf na ito.

"hoy yoda!nanandya ka ba?!" asar na tanung ko saknya at sya tiningnan lang ako at nag taas ng kilay.

Tapos umayos na yung pag dridrive nya.."ayan ok yan ganyan lang matatapos na ako" bulong ko.

at ng final touch na lang achive ko na ang pag aeyeliner ko bigla syang limiko..i mean nag drifting sya.

"waahhhhhhhh...bwiset ka..nakita mo yung ginawa mo." asar na sar kong sabi sa kanya nung huminto na yung sinasakyan namin. napansin kong lumampas yung eyeliner ko..ang chaka.huhuhuhuhu..

"hahahahahahahahahaha..nakakatawa yung itsura mo." mamataymatay sya sa kakatawa.

"ARAY!" sigaw nya. binigyan ko kasi sya ng isang suntok..

"ayan bagay sayo!instant eyeliner yan sure ako dun.!bwesit!"bumaba na ako ng kotse at padabog kong isinara yung pinto nya. ASAR!

"Hoy san ka pupunta?" narinig kong sigaw nya.

"kung san malayo sayo." sigaw ko pabalik.

Siguro naman hindi ko sya classmate. naku sana lang talaga. maya ko na nga problemahin yan pupunta muna ako sa cr kilangan ayusin ko muna yung eyeliner ko.

Chanyeol

"bro." bati sakin ni uling este Kai nung makita nya akong naglalakad.

"bro, boyfriend mo ba yung bumaba sa kotse mo kanina?" tanung naman Kris.

"pshh,si Baekhyun yun kapatid ko." sagot ko sakanya.

"tigilan mo nga kami Chanyeol, wala kang kapatid baka nakakalimutan mo." paalala sakin ni Kai.

"alam ko, hindi ako makakalimutin tulad ni lay. magiging kapatid ko na sya pagkinasal si daddy sa mommy nya"

"ganun ba yun?" inosenteng tanung ni Kai.

"oo ganun yun. wag ka nang mangialam."

"Eh bro bat may black eye ka?" tanung ni Kris.

"gawa ng pesting Baekhyun na yun..nagbibiro lang naman ako eh."sabi ko sakanya at pumasok na kami sa loob ng room. pero nakabangga ko si Tao yung mukhang panda na classmate namin.

"aray, pwede ba tumingin ka sa dinadaanan mo." mataray na sabi nya sakin.

"hoy panda ikaw ang bumangga sakin at pwede ba pag dadaan ako pwede tumabi ka. laki mong harang jan tsk." sabi ko sakanya na may halong inis.

"stop it guys," awat ni kris samin.

"hi kris," malanding bati ni Tao kay kris.

"Hello." Cold na sagot naman ni baba.

"ang landi mo..bakla." bulong k kay Tao nung dumaan ako sa tabi nya.

"inggit ka lang!" sagot nya at saka umupo na sa upuaan nya at ganun din ako.

"whoo..Chanyeol ano nangyari jan sa mata mo?bat may black eye ka?" tanung ni Lay seatmate ko.

"nasuntok ni Baekhyun." natatawang sagot ni Kai.

"Baekhyun?Sino yun?" tanung ni Lay.

sasagutin ko na sana yung tanung nya ng biglang pumasok yung prof namin.

"good morning class, may bago kayong classmate sana eh pakitunguhan nyo sya ng mabuti." sabi ng bakla naming prof. "halika pasuk ka na."






BROther roManceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon