Luhan
"I like you too." Yan yung una kong narinig nung bumalik ako.
Parang huminto sa pag ikot ng mundo ko. parang ang bigat ng pakiramdam ko. 4 words, but it broke my heart. Unti unti kong naramdaman ang pagpatak ng luha ko. hindi ko kayang harapin sila at ngumiti kung deep inside nasasaktan ako. Tumakbo ako papalayo, hindi ko alam kung san, hindi ko alam kong bakit. Ang alam ko lang gusto ko lumayo, kasi nasasaktan ako.
"Bakit sya pa?pwede naman ako ah. Ang tagal kong nag hintay para sayo. Pero bakit kahit kelan hindi mo man lang ako pinagbigyan. Mahal kita eh...kahit masakit na." sigaw ko habang patuloy lang sa pagpatak ang luha ko. gusto ko iiyak na ito lahat baka sakaling pabawasa yung sakit.
"Ang ingay mo.Ano ba kasing pinaglalaban mo?" Isang boses ang narinig ko mula sa may likuran ko.
Lumingo ako at kaagad na niyakap yung taong nakita ko.
"tsk!ano nanaman ba problema mo bat ba nangyayakap ka?" tanung nya.
"please kahit 5 mins lang. hayaan mo muna ako gusto ko lang ilabas ng lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko ngayon." Mahinang sabi ko habang nakabaon sa dibdib nya yung mukha ko. hindi ko lang alam kung naintindihan pa nya yungmga sinabi ko. hindi na sya nagsalita at naramdaman ko na lang ang paghaplos nya sa likod ko na parang nagsasabing tahan na. Kaya umiyak na lang ako ng umiyak hanggang sa magsawa ako.
Kumalas na ako sa pakakayakap at tumingin sa kanya. Tiningnan nya ako at pinunasan yung luha ko gamit ang thumb nya.
"Ang pangit mo umiyak." Sabi nya at tinawanan ako.
"hoy Chanyeol maka panget ka ah. Bakit gwapo ka?" hinampas ko yung dibdib nya tapos tumawa na rin ako.
"gwapo ako. Tsk! Ginawa mo na ngang panyo yung uniform ko tapos sasabihan mo pa ako ng panget!ang sama mo."
"hmm..thank you."
Pinat nya lang yung ulo ko at saka ngumiti.
"Ano nga pala ginagawa mo dito?" tanung ko sa kanya. Lagi na lang kasi sya yung nakakakita saking umiiyak at lagi ding dito sa rooftop.
"natutulog. Dumating ka lang at nagsisigaw kaya ako nagising."
"ahh hehe ganun ba sorry, sige tulog ka na ulit tahimik na ako promise."
"aist. Nagising na ako eh, kwento mo na lang kung bakit ka nagdradrama kanina. So ano ba ipinaglalaban mo."
"si Sehu-"
"sabi na ng aba eh. Sya nanaman eh ang haba naman ng baba nya"
"teka kala ko ba magkwekwento ako..shatap ka na lang muna makinig ka, wag mo sapawan yung kagandahan ko. so back to my story si Sehun kasi narinig ko sabi nya kay baekhyun I Like you Too."
"whoo..I like you too..so meaning sinabihan sya ni Baek ng I like you..kasi may 'too' eh."
"I think so."
"ouch masakit nga. So ano na plano mo ngayon?"
"ewan, susuko?be happy kung san sya masaya."
"ang martir mo sa part na yun."
"para san pa ang paglaban kung yung taong pinaglalaban mo eh wala naman pakialam. Mas lalo ka lang masasaktan pag lalo mo pang pinatagal."
"you don't need to give up luhan. Kilangan mo lang ng rest. Pag ok ka na edi laban na ulit."
Tumango ako as an answer.
"wait nga upo muna tayo dun nangangalay na ako kanina pa tayo nakatayo may upuan naman."tinuro nya yung bench na malapit lang sa kinatatayuan namin ngayon.
"oo nga no? tanga nito ngayon lang sinagest!"
"eh nag iemote ka kanina eh alangan naman basagin ko."
"hayss..lika nga upo na tayo." I grab his wrist at hinila sya paunta dun sa upuan.
"yan mas ok..so tuloy mo na." sabi nya sakin.
"his my peterpan, yun ang tingin ko sa kanya. Kala ko as his tinkerbell masaya na ako. Na tingnan lang sya mula sa malayo,suportahan sya. Pero nung dumating yung guso nya maging Wendy. Nasaktan ako. Nagseselos ako. Hindi ko alam kung pano ko pa itatago lahat ng nararamdaman ko parang sasabog na ito." Tinuro ko yung dibdib ko at humarap sa kanya. Nakatitig lang sya sakin hindi ko alam kong na iintindihan ba nya yung mga sinasabi ko.
"hmmmm...did you try to tell him about your feelings?"
"no."
"YUN!" pasigaw nyang sabi. Yung tipong parang may light bulb na umilaw sa may ulunan nya. "pano nya malalaman na you love him kung hindi mo naman sasabihin sakanya?tzk!"
"eh natatakot ako it's a great risk pagginawa ko yun. Baka lalo nya akong dedmahin."
"Luhan, from the start you realize you love him its already a great risk. So bakit hindi mo pa sulitin yung risk na yun, sabihin mo sa kanya na mahal mo sya. Yes it's a risk pero diba mas maganda yung magtry ka at nalaman mo rin yung feelings nya toward you kesa dun sa basta ka na lang sumuko."
"hmmm." Tumango tango ako sa mga sinabi nya tama sya eh..big check yung sinabi nya. "Chanyeol, bat ang dami mo alam sa love? Nainlove ka na ba?"
"hindi pa."
"si Baekhyun, alam mo bagay kayo ang cute nyo nga tingnan pag nag aaway kayo eh."
"kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo Luhan, Kapatid ko yun."
"Hindi mo sya kapatid Chanyeol, hindi nga kayo blood related eh."
"kahit na. hindi ako maiinlove dun no?!" sabi nya sakin tapos napansin ko namumla yung tenga nya. So cute.
"hahahahahaha..wag ka magsalita ng ganyan. Hindi mo alam baka tumatiming lang si Cupid."
"NEVER!"
____________________________________________________________________________________
A/n: guys alam ko emote nanaman itong update na to..wala eh feeling BROKEN talaga ako..nakakabeast mode grabe. sa bawat line dun ko na lang inilalabas yung feeling ko....
A/n:Thank you so much len sa gift..napasaya ako nito promise..(daming cheese..yummy!)
BINABASA MO ANG
BROther roMance
Fanfiction"Mag kapatid nga tayo pero pano kung higit pa dito ang nararamdaman ko sayo. Mali ba yun? mali ba na mahalin kita ng higit pa sa kapatid?"