Baekhyun
"NAKAKAINIS!!" Sigaw ko habang naglalakad papunta sa park na lagi kong tinatambayan pagwala si Chanyeol.
"MAGSAMA KAYO!!MGA BWISET!" Sigaw ko ulit at saka sinipa yung lata ng softdrinks na nakita ko.
"ARAY!" Narinig ko sa hindi kalayuan kung san napunta yung lata na sinipa ko.
Agad ko nilapitan yung lalaking natamaan ko "sorry sorry hindi ko sinasad--"
"SEHUN/BAEK"sabay naming sabi.
"naku sorry sehun ah.hindi ko sinasadya promise." Sabi ko habang tinitingnan yung likod ng ulo nya.
"haha..ok lang ako.anong ginagawa mo dito?" Tanung nya sakin and nagsmile sya ng medjo awkward.
Tumigil na ko sa pagtingin sa ulo nya. Nakakangawit eh antangkad!
"nakatira ako malapit lang dito." Naglakad na ako papunta sa swing. Naramdaman ko naman na sumunod sya sakin.
"so ikaw Sehun ano ginagawa mo dito?" Tanung ko sa kanya.
"pinasyal ko lang yung aso ko." Sagot nya saka umupo din sa swing na katabi ko.
"ang lungkot mo may problema ka ba?" Tanung nya sakin. Tumingin ako sa kanya "ha?"
"iba ka Kasi ngayon."
"anong iba?" Tanung ko sa kanya.
"Iba yung ngiti mo iba. May problema ka ba?"
"wala to naiinis lang ako" sagot ko sa kanya at saka yumuko.
"saan?"
"kay Chanyeol"
"bakit?nag away ba kayo?"
"hindi"
"so bakit nga?"
Hindi ko sya sinagot. Kasi sa totoo lang hindi ko din alam kung bakit ako naiinis sa kanya. Dahil ba magkausap sila ni Luhan, dahil lagi na lang si Luhan yung nabibigyan nya ng oras. Pero bakit? Ewan! Hindi ko alam!
"wag na lang natin pag usapan. Ahm asan yung aso mo?" Pag iiba ko ng subject. Ayaw ko kasi isipin baka magiging OA lang ako.
"ayun oh!" Tinuro nya sakin yung aso. "vivi!" Tawag nya at lumapit samin yung cute na aso.
"wow,ang cute mo!" Bumaba ako ng pagkakaupo sa swing at lumevel dun sa aso nya. "ang cute cute mo, anong pangalan nya?"
"vivi"
"bebe?"
"Vivi hindi bebe" Pagkokorek nya tapos saka sya tumawa ng tumawa.
Ansarap nya pagmasdan tumawa para syang bata. Pumapadyak yung mga paa nya, nakahawak sya sa tyan nya tapos yung mata nya mawawala na sa katatawa.
Bigla sya tumigil sa pagtawa. "bakit?"
Dun ko lang napansin na nakatitig na sya sakin. " wala, ang cute mo tingnan para kang bata."
"complement ba yun?" Painosente nyang tanung habang nagkakamot sa ulo nya.
"ou naman. Maybe now I know why luhan fall in love with you." Bigla nawala yung ngiti nya at tumingin sa malayo.
"eh ikaw panu ka mafafall sakin?" Tanung nya na ngayon ay nagpawala sa mga ngiti ko.
"sehun, kasi--"
"never mind leka lakad lakad tayo." Tumayo sya humakbang na papalayo agad naman Ako sumunod sa kanya kasama yung aso nya.
"ahm Baek did you know where's Luhan?"
"pati ba naman ikaw sya din ang hinahanap?"mahina Kong bulong.
"hindi sa ganun Baek pero Kasi nung kinausap nya ako Para atang nagpapaalam and nung tinanung ko Kay mommy lumipat na daw ng skul si Luhan" what bakit hindi ko alam yun.
"sigurado ka?" Nagtataka Kong tanung sa kanya.
"hindi ko alam." Sagot nya sakin.
"miss mo na ba sya?" pang aasar ko sa kanya.
"Di ah." Mabilis nyang sagot sakin.
"Sehun, can I ask you something?" seryuso syang tumingin sakin.
"If you are going to ask me if I can be your boyfriend then it's a Yes." ngiting ngiti nyang sagot sakin.
"sira ulo, di yun tatanung ko sayo."
"ouch." bigla syang napahinto sa paglalakad. Tumigil din ako para icheck kung ano nangyari sakanya.
"Oh bakit? Anung masakit?" nag aalala kong tanung sa kanya.
"yung puso ko."
"hah?leka dadalhin kita sa hospital." Hala may sakit sya sa puso, naku baka kung ano pang magyari dito.
"di ko kilangan ng hospital, pagmamahal mo lang sapat na." sabi nya habang titig na titig sa akin at ngiting ngiti.
"ARAY!masakit yun ah!" kahit mataas sya pinilit ko parin talagang abutin mabatukan lang sya.
"lukong to! Nag alala ako ah, kala ko kung ano ng nagyari sayo. Tsk! Nakakainis ka jan ka na nga!" iniwan ko sya sa kinatatayuan nya at naglakad na papalayo.
"Baek sandal." Patakbo syang humabol sakin at hinawakan nya yung braso ko at pinaharap sa kanya. Ang seryuso ng mukha nya hindi ko mabasa kung ano yung tumatakbo sa utak nya. Parang may magnet yung mga titig nya na parang hindi ka makakatakas sa mga ito.
"BaekHyun!" nagulat ako nung may biglang tumawag sa pangalan ko. LUmingon kami ni Sehun sa pinanggalingan nun.
"Chanyeol?" papalapit na sya sa kinatatayuan namin.
Hinawakan nya yung kabila kong braso. "Leka uwi na tayo." Sabi nya sakin pero nung tiningnan ko sya kay sehun sya nakatingin. Napatingin ako kay Sehun nung naramdaman kong mas humihigpit pa yung hawak nya sakin at nakita ko yung mga ngiti nyang parang ayaw nya magpatalo.
"Kayong dalwa. Bitaw!" utos ko sa kanila pero walang nakikinig at patuloy parin sila sa pagtititigan. "BITAW SABI EH!" binitawan nya ako ng sabay. pero ganun parin yung titigan nila. "bahala kayo dyang dalawa magtititigan kayo magdamag una na ako ah." sabi ko sa kanila sabay walk out.
BINABASA MO ANG
BROther roMance
Fanfiction"Mag kapatid nga tayo pero pano kung higit pa dito ang nararamdaman ko sayo. Mali ba yun? mali ba na mahalin kita ng higit pa sa kapatid?"