Bro 10

114 5 0
                                    

Baekhyun

Sinundan ko si Luhan nung nakita kong tumakbo sya palayo. Pero SHEHEET!ang bilis nya at hindi ko na nasundan pa sya, hindi ko tuloy alam ngayon kong nasan na sya.

"excuse me, may nakita ba kayong usang dumaan dito kanina?" tanung ko dun sa mga babaeng nakasalubong ko.

"Hah?Kuya hindi gubat to walang usa dito." Sabi nung isang babae,ahm pangalanan natin syang gurl no.1.

Takte!kinuya ako.Pigilan nyo ko sasabunutan ko to.

"Alam ko ate!ang ibig ko sabihin eh yung lalaking mukhang usa. Ganito sya katangkad (pinakita ko sa kanila kung gano kataas si luhan), medjo slim sya,cute sya mukhang babae, pero mas maganda ako."

"Ahh, si Luhan ata ng section A yung tinutukoy nya." Sabi nung isang babae.si gurl no.2 na lang sya since pareho naman sila hindi ko kilala.

"Correct!May tama ka! Yun nga. Nakita nyo ba sya?"

"oo, tumatakbo sya papuntang rooftop." sabi nung babaeng kinuya ako.

"sige salamat. Ahm, ate try mo mag blush on ng unti" sabi ko kay gurl no.2. humarap naman ako kay gurl no.1 " tapos ikaw medjo light lang na lipstick gamitin mo wag masyadong red mukha ka tuloy bitch! Sige byebye na." tapos umalis na ako. Hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko yung sinabi nila.

"kala ko gwapo, maganda pala.hahahaha" gurl no.1

"hahahaha..kala ko kuya ate pala." Gurl no.2

"nakakaluka tong mga to hindi man lang ako hinintay makalayo bago ako pag usapan." Pabulong kong sabi tapos umalis na rin ako. Saka ko na lang sila papangaralan, sa ngayon kilangan ko muna hanapin si Luhan baka kung ano maisipan gawin nun. Baka tumalon na yun...naku mababawasan ang magaganda dito sa earth.

Nagmadali ako pumunta sa rooftop. Infairness nakakapagod ah. Bakit ba naman kasi sa rooftop pa pumunta six floor pa man din tong building na to. Unting hakbang na lang Baek kaya mo yan. Huhuhu..self support na lang walang ibang magchecheer eh.

Whoo!nakarating din. Huminga muna ako ng malalim bago ko hinawakan yung doorknob ng pinto papunta sa rooftop. Wait!bakit parang kinakabahan ako....hindi ko maexplain pero parang may kung anong pumipigil sakin na buksan yung pinto.

Huminga ako ng malalim. "Baek kilangan mo buksan yan nandyan si Luhan." Bulong ko at binuksan na yung pinto.

Hindi ko pa nabubuksan ng maayos yung pinto pero napansin na agad ng mga mata ko na may dalawang tao.

Nakayakap si Luhan kay Chanyeol. Pano ko nakilala?nakita ko kasi yung tenga ni elf, kaya sure ako na si Chanyeol yun. Kahit medjo malayo at medjo nakatalikod sila.

Hindi ko maihakbang yung mga paa ko. Parang ang bigat bigat ng nararamdaman ko. SHIT!!ano ba?bakit ba parang ayaw mo lumapit ano ba problema mo Baek.

Papasuk na sana ako ng Makita ko na kumalas na sa pagkakayakap yung dalawa. Pinunasan ni elf yung pisnge ni Luhan. May sinabi sya kay Luhan pero hindi ko narinig at saka ito tumawa si luhan naman ganun din may pag hampas pa nga sa dibdib ni Chanyeol eh. "Ang Landi nyo!" bulong ko at saka umalis na lang.

Naglakad ako papalayo. Hindi ko alam kung san ako pupunta. Hanggang napunta ako sa may park. Huh? Nasa labas na ako ng school. Tsk!! Naisipan ko na lang umupo sa may swing magpapalipas lang ako ng badtrip.

"tsk!ano ba baek..grrrhhhh..ano ba nangyayari?bakit ganyan reaction mo sa nakita mo?ano nagseselos ka..kay Luhan..baliw hindi kayo talo nun..kay Chanyeol lalo nang hindi, kapatid mo yun..Grrrrrrh ano ba kasi tong nararamdaman ko naguguluhan ako." Ginulo ko yung buhok ko at napasabunot. Arggh hindi ko gets yung nararamdaman ko.

Napagpasyahan kong wag na lang pansinin yung nakita ko at yung nararamdaman ko baka nag over react lang ako. Kinuha ko yung ipod ko sa bag ko nakinig ako ng music habang dinuduyan ko ng konti yung swing na uniupuan ko.

Bzt..bzzt~

Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko. kinuha ko ito mula sa bulsa ko. tiningnan ko kung sino yung nagtext.

-

From: ELF

Baek, magtaxi ka na lang ah.

-- - -

Hah? Bakit? Sayang ang pera...pwede naman sa kanya na lang sumabay para tipid.

-- - -

To: ELF

Bakit pa?

- - - -

Naghintay ako ng reply nya. Pero takte lang. 10 minutes na nakalipas wala pa rin. Matatype na sana ako ng message sa kanya nung nagreply na sya.

- - - -

From: ELF

Hatid ko lang si Luhan. Kung gusto mo sumabay antayin mo na lang ako sa may gate ng XO U. balikan na lang kita.

- - - -

Tsk!wag na baka maghintay lang ako sa wala.


- - - -

To: ELF

Magtataxi na lang ako.

- - - -

From: ELF

K

- - - -

Na K-soned ako.. T.T kala ko magrereply sya na..'wag na hintayin mo na lang ako', o di kaya 'Gusto mo sama ka na lang?' huhu..kala ko lang pala.



BROther roManceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon