Bro 4

150 5 0
                                    

Baekhyun

Tapos na ang klase kaya ito na kami ngayon sa practise room ng dance group ng School namin. Niyaya kasi ako nila Suho papanuorin daw namn yung Boyfriend nya at yung mga kagroup nila.

"Baby." bati ni Lay nung makita kami na pumasok sa room at sinalubong ng yakap si Suho. Naks may poreber, ang tamis. hahaha.

"pawis na pawis na ang baby ko." pinunasan ni Suho ang mukha ni Lay ng towel na galing sa bag nya.

"ang sweet nila no?" bulog naman ni Chen? kay Xiumin. oo Chen nga ata yun yung natatandaan ko na sabi ni Xiumin. "kaw kaya kilan ka magiging ganyan sakin?"

"naks, simpleng landi Chen." puna ni Luhan.

"inggit ka Luhan, wait tatawagin ko si Sehun." may halong pang aasar na sabi ni Chen.

" hoy ano ka ba para kang sira," pagproprotesta ni Luhan pero hindi sya pinakinggan ni Chen.

"sehun" tawag nya at lumapit samin ni Sehun.

"bakit?" cold na tanung nya.

"hi Sehun." nahihiyang bati ni Luhan sakanya.

"hi" balik ni Sehun at saka tumingin sakin.

"Ahm Sehun si Baekhyun nga pala bago naming classmate." pakilala ni Luhan sakin kay Sehun.

"hi" tipid kong bati sakanya.

"hi i'm Oh Sehun. but you can call me Sehun." then nilahad nya yung kamay nya para makipagkamay sakin.

"I'm Byun Baekhyun, Baekhyun na lang." pakilala ko at saka nakipagkamay sa kanya.

"nice to meet you Baek." nakangiting sabi nya. Tapos binitawan nya na yung kamay ko.

"ouch, aray,masakit, it hurts you know..." narinig kong pang aasar ni Chen kay luhan.

makakatikim pa sana si Chen ng sapak mula kay Luhan pero ayun swerte tinawag na sila ni Lay para magpractise na ulit.

In fairness ang galing nila kaya pala sila ang pride ng school na ito.

~ring ring ring~

"hello"

"Baekhyun san ka na kanina pa ako naghihintay dito sa parking lot. iiwan kita."

"oo, ito na elf papunta na ako dyan"

"5 minutes baek pagwala ka pa dito iiwan kita." sabi ni Elf at saka inend yung call.


"guys uwi na ako. iiwan na daw ako ni elf. hindi ko pa man di kabisa yung daan pabalik ng haus next time na lang ulit ah." paalam ko sakanila.

"ok ingat ka kay Chanyeol." sabi nila sakin.

Palabas na ako ng Pinto at nakita kong ngumiti sakin si Sehun kaya nag smile back na lang ako.


"tagal mo. san ka galing?" tanung ni Chanyeol nung nakita nya ako.

"sa practise room pinanuod namin sila Lay." sagot ko at pumasuk na sa loob ng kotse.

"next time iiwan na talaga kita. kanina pa ako naghihintay dito" reklamo nya.

"kalma!lalong lumalaki yung tenga mo pagnagagalit ka." pabiro kong sabi sa kanya.

"seryuso ako Baek. kung lalandi ka dapat sinabi mo sakin agad para hindi na ako naghintay dito."

"oo na..soooooorry pooooo." inistart na nya yung car at saka nag drive na.


"tumawag sakin si Daddy mawawala daw sila ng 1 month." out of the blue na sabi nya.

"1 month balik ang tagal naman nun?"

"ganun talaga, maikli pa nga yun eh minsan 6 months or years pa nga bago bumalik si Daddy."

"hindi mo sya namimiss?" tanung ko sa kanya para kasing hindi sya affected na matagal nawawala yung daddy nya si mommy kasi hindi sya ganun minsan pag matatagalan sya sinasama nya na lang ako.

"hindi sanayan lang yan Baek soon masasanay ka rin. Part ka na rin ng family and sure ako na pati si tita Margo bihira na lang din yun makakauwi sa bahay at bihira mo na rin sya makakasama."

"nandito na tayo, baba ka na at magpalit ng damit ako na bahala sa dinner natin" sabi nya sakin. wow bakit parang bumait sya ng slight.

Hindi na ako sumagot ant tumango na lang para hindi na kami mag away baka kasi kami pa magsimula ng world war 3 pag sumagot ako. kaya sinunod ko na alng yung mga sinabi nya.


"Baek, handa na yung dinner bumaba ka na dito." sigaw nya mula sa baba.

"oo nandyan na."

"wow, marunong ka pala magluto." ang sasarap ng nakahanda sa mesa grabe. diet break muna tayo ah.

"kilangan yun Baek wala ka naman kasing ibang aasahan kundi ang sarili mo eh. Lika kain ka na"

"salamat." kumain na ako at nilasap bawat pagkain na nakahanda sa mesa grabe ang sarap promise.

"Ako na maghuhugas." sabi ko sakanya.

"marunong ka ba?" tanung nya.

"oo naman ako pa ba sisiw yan no." mayabang kong sabi sa kanya.

"bahala ka, basta wag kang magtitira ng hugasin ah. lahat hugasan mo, banlawan mong mabuti." Bilin nya bago sya umakyat sa kwarto nya.


"Done." tiningnan ko kung may natira pa akong hugasin. "mukhang tapos na ako dito." umakyat na ako.

"Chanyeol." tawag ko mula sa labas ng kwarto nya manghihiram kasi ako ng book para sa assignment namin.

Nakailang tawag ako pero walang sumasagot kaya pumasok na lang ako hindi din naman kasi nakalock yung pinto nya.

"Kaya naman pala hindi sumasagot tulog na at may headphone pa." nilapitan ko sya at nakita yung mga nakakalat na notebook at scratch paper sa tabi at sa sahig. kinuha ko yung isa sa notebook nya at napansing mali lahat n sagot nya sa homework namin. Tsk!babagsak itong lalaking ito eh. Tiningnan ko sya at tulog na tulog na talaga sya.

Inipon ko lahat ng notebook at kalat sa kwarto nya.Naisip kong ako na lang gagawa ng mga assignment sya. Mabait naman kasi ako. Hahaha.


"kunti na lang tapos na lahat." bulong ko habang sinusulat yung last sentence ng essay sa notebook ni Chanyeol. "TAPOS NA." tuwang tuwa akong pinagmasdan yung sinulat ko.

Tumayo na ako sa study table ko at kinuha lahat ng notebook ni Chanyeol ibabalik ko na ito bago pa sya magising.

Pumasok ako sa kwarto nya at nakita kong tulog na tulog pa rin ang elf. Inilapag ko yung mga notebook nya sa study table nya. Pero bago ako lumabas eh napatingin ako sa kanya.

"mukha kang anghel pag tulog pero pag gising ka ang sunget mo?. o sadyang mabait ka naman talaga, pero hindi bully ka nga eh nakita ko kanina. o sadyang may pinaghuhugutan lang lahat ng kasungitan mo kaya ka ganyan. Dahil ba ito sa daddy mo Chanyeol, Napansin ko kanina oo sinasabi mong sanay ka na pero nakikita ko sa mga mata mo na malungkot ka pa rin. siguro ganyan ka kasi lagi kang nag iisa. Di bale Chanyeol nandito naman ako eh simula ngayon sasamahan na kita." pabulong kong sabi sakanya at saka inayos yung kumot.

"good night Chanyeol." pinatay ko na yung ilaw at lumabas na ako ng kwarto nya.









BROther roManceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon