Baekhyun
It's already 9pm pero wala pa si Elf. San na kaya nun hinatid si Luhan. Gutom na ako nakapagluto naman na ako kaya lang gusto ko sana sabay na kami kumain ni Elf.
"Hayyy" huminga ako ng malalim at humiga sa sofa. "maglalaro na lang ako habang hinihintay ko sya. Mamaya naman siguro nanjan na sya."
Tumingin ako sa orasan "11:00 nasan na kaya yun?" nag aalala na ako ititext ko na lang siguro.
To: ELF
Chanyeol, Asan ka na?
Tinitigan ko ung screen ng cellphone ko. Naghihntay ako ng reply pero wala.
"Hayst!asan na ba kasi yung malaking tenga na yun? Makakain na nga hindi ko na sya hihintayin gutom na talaga ako malamig na rin yung pagkain na niluto ko." tumayo na ako at nagtungo sa kusina. Ipinagtabi ko na lang ng pagkain si Chanyeol at inilagay sa microwave.
Nakakain at nahugasan ko na lang yung pinagkainan ko but still wala pa ring text galling sa kanya. At wala pa ring Chanyeol ang dumadating.
Bumalik ako sa sofa at nanuod na lang ng tv. Napagpasyahan ko na hintayin na lang sya. "Dadating na naman na siguro yun."
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. napatingin ako sa clock 6:00 am. Tumayo ako sa pagkakahiga ko. "Tsk! Dito pala ako sa sofa nakatulog." Chenick ko yung cellphone may isang text message. Baka reply ni Chanyeol. Binuksan ko yung text.
From: 8888
Nag-expired na ang iyong unli.
Buset! nag expect ako dun ah. Saka huehue hindi ko naiextend yung unli ko. Baka nanjan na si Chanyeol. Tumayo ako at umakyat sa kwarto nya.
Nung nasa tapat na ako ng kwarto nya kumatok ako pero walang sumasagot. Pinihit ko yung doorknob hindi ito nakalock kaya pumasok na ako.
"Chanyeol?" tawag ko nung bumungad ako sa pinto. Walang sumasagot kaya tuluyan na akong pumasok sa loob, baka nasa loob lang sya ng c.r.
"Elf?" naglakad ako patungo sa c.r pero nakabukas ito. Tumingin ako sa kama nya ang ayos nito. Lumapit ako at hinawakan. Malamig! So meaning hindi sya dito natulog.
Lumabas ako ng kwarto nya, at pumunta sa garahe pero wala din yung kotse nya.
"asan ba yung elf na yun?" denial ko yung number nya. Pero hindi ko macontact. I tried it for several times but still wala talaga. Kaya naisipan ko tawagan si Kai.
[hello baek bakit?] rinig ko na bagong gising lang sya base sa boses nya.
"hello kai magkasama ba kayo ni Chanyeol?"
[si Chanyeol? Hindi. Diba iisa lang naman kayo ng bahay bakit sakin mo hinahanap.]
"hindi kasi sya umuwi."
[ha!?] halatang halata sa kausap ko yung pagkabigla. [eh maaga sya nagpaalam samin kahapon sabi nya una sa sya.]
"Kai, hindi sya umuwi. Trinatry ko sya tawagan pero hindi sya sumasagot. Kai nag aalala na ako."
[don't worry baek uuwi rin yun. Text mo na lang "babe uwi ka na di na ako galit." hahaha]
"tumigil ka nga jan seryuso ako! Paki tawagan naman sila kris baka sya kasama nya ngayon."
[sige.]
Binaba ko na yung tawag at pumasok na sa loob ng bahay. Nagluto ako ng breakfast at kumain na. naligo at nagbihis na rin ako ayaw ko kasi malate. Natapos ko na lahat ng gagawin ko pero wala pa ring Chanyeol na dumadating.
"Asan na ba yun? May susi naman sya papasuk na ako magtataxi na lang ako."
Bumaba ako ng taxi at halos lahat nakatingin sakin. Bakit masama na ba magtaxi ngayon? Di ako nainform.
"I told you break na sila ni Chanyeol."-girl 1
"si Luhan na ata bagong boyfriend ni Chanyeol." –girl 2
"oo, nakita ko nga sila kagabi magkasama sa bar eh." –girl 1
"oh..kaya pala nakataxi na lang sya ngayon." –girl 3
"grabe ilang araw ko pa lang nakikitang magkasama yung dalawa pero break na sila kaagad at may kapalit na agad si Chanyeol ah." –girl 4
"hoy, ano ka ba baka sya ang nauna diba nga nilalandi nya si Sehun." – girl 5
"whoo..diba si Luhan may gusto kay Sehun tapos si Chanyeol naman kay baekhyun..oh mukhang may nagka ahasan sa eksenang ito." – girl 4
Yan yung mga naririnig ko habang naglalakad ako papasok ng classroom.
"girls kalma. Alamin muna ang boung story bago pag tsismisan.." biglang sumulpot si Chan at inakbayan yung dalawang babae.
"Kyaahhhh..si Chen.." sabay sabay na sigawan ng mga babae.
"hoy Chen!"
"Aray..aray ko Xiumin." Hinatak kasi ni xiumin yun tenga ni Chen.
"girls, una sa lahat magkapatid si Chanyeol at Baekhyun, pangalawa si Sehun ang lumalandi kay Baek, pangatlo hindi pa natin alam kung ano talaga ang nangyayari....at pang huli at higit sa lahat hindi maganda pag usapan ang isang tao lalo na kung hindi nyo naman sila kilala ng lubusan." Paliwanag ni Xiumin sa mga babae. "Lika na Baek."
Pumasok na kami sa room namin. Hinanap ng paningin ko si Chanyeol pero wala pa ito. Lunch break na pero wala pa ring Chanyeol at Luhan na nagpakita sa class.
"Baek tara kain na tayo." Yaya ni Suho.
"Sige Suho, Lay mauna na kayo sunod na lang ako. Try ko lang muna tawagan si Chanyeol."
"Sige una na kami ah." Lumabas na silang dalawa ng room.
"Baek hindi ka na maglalunch?" tanung sakin ni Xiumin nung dumaan sya sa may table ko.
"maya na tawagan ko lang muna si Chanyeol."
"sige una na ako naghihintay na sakin si Chen." Paalam nya sakin at tuluyan ng lumabas ng room
Nakita ko naman si Kai sa upuan nya na inaayus yung bag nya. Kaya nilapitan ko ito.
"kai, nacontact mo ba si Chanyeol?"
"hah? Si Chanyeol? Ahh oo nagtext sya..papasuk daw sya mamaya." Sagot nya sakin.
"ahh sige salamat."
"lika kain na tayo." Tumango ako bilang sagot at pumunta na kami sa canteen.
![](https://img.wattpad.com/cover/46683594-288-k192054.jpg)
BINABASA MO ANG
BROther roMance
Fanfiction"Mag kapatid nga tayo pero pano kung higit pa dito ang nararamdaman ko sayo. Mali ba yun? mali ba na mahalin kita ng higit pa sa kapatid?"