His Mistress
Purple_Raindrops
May 6, 2013
Masaya pa ang pamilya ko nung wala pa siya. Tahimik. Walang problema. Pero, nung dumating siya, lahat ng yun nagbago! Ang masaya naming pamilya ay nasira. Nawalan ng oras ang asawa ko sa akin.. sa amin ng anak niya. Nakakalungkot isipin na mas mahalaga pa sa kanya ang babae niya kesa sa amin na pamilya niya. Bakit nangyari 'to sa amin? Bakit? Hindi naman eto ang pinangarap kong pamilya e. Anong klaseng pagsubok 'to? Makakaya ko ba ang lahat ng 'to? Paano kung hindi? Paano na lang ang mga anak ko? Paano ko makakayanan ang lahat? Mababawi ko pa ba ang asawa ko sa kanya? Sa kabit niya? Na walang ibang ginawa kundi sirain ang pamilyang matagal kong iningatan at minahal.
--
" Grabe, ang sakit! " napangiwi na lang ako sa ginawa kong pagsampal sa kanya. " Kahit ang mukha mo, matigas din pala. Ganun din ang puso mo! Nakaya ng konsensya mo na mang-agaw ng may asawa ng may asawa! Anong klase kang babae? Wala kang delikadesa! Para kang ipis na mahirap patayin! Akala mo ay paru paro kung lumipad! "
" Hoy! Hindi ko kasalanan kung magkagusto sa akin ang asawa mo! Eh laspag ka na! Gamit na gamit! Samantalang ako, sariwa kumpara sa'yo! Tandaan mo, etong ipis na 'to ang magpapabagsak sa'yo at sisira sa pamilyang matagal mo iningatan! Kaya dahan dahan ka lang ng pananalita! Kahit gaano pa kaganda ang paru paro na gaya mo, nasisira at nasisira pa rin ang pakpak nito lalo na kapag malakas na bagyo ang darating. Kuha mo? Kahit ano pa ang sabihin mo, nasa akin ngayon ang asawa mo. Akin lang si Oliver! Wala kang laban sa akin. Wala! Kung ako sa'yo, mahiya ka na sa ginagawa mo! Pinababa mo lang ang sarili mo! Pathetic! "
-- ang tapatan ng Original at Mistress. Sino ang mananalo? Abangan!
VOTE AND COMMENT!
-Lhian
