Chapter 1

61 1 2
                                    

After 15 years.....

Aira's POV
Ginigising ako ni Ate Diana. Halos sumakit ang likod ko sa kakalabit niya. Hinarap ko siya pero nakapikit ang mga mata ko.

"Uy Aya, gumising kana, maligo kana at magbihis dahil may pupuntahana tayo" sabi ni ate. "Oo na ate susunod na ako" hinintay ko siyang umalis sa kwarto ko. Bumangon na ako sa kama at nagsimulang maligo.

Tawag niya sa akin ay 'Aya' para bang yung letter 'r' sa name ko ay  napalitan ng 'y'. Ibang klase din si ate eh hahaha.

Tapos narin akong magbihis at mag-ayos sa sarili. Kinuha ko narin ang cellphone ko at mga kailangan at inilgay sa sling bag ko.

Bumaba na ako sa hagdan at nakita ko si Ate Diana at si..... Gabriel? Nanlaki ang mata ko. Bakit nga ba siya nandito.

Ningitian lang ako ni Ate at ganun din si Gabriel. Si Gabriel Torres ay aking First Boyfriend ng buhay ko. Niligawan niya ako ng 4 Months at mabuti naman ang mga ginagawa niya.

Hindi parin nagsisink in sa akin kung anong meron ngayon kung bakit andito si Gabriel. Bakit nga ba?

"Babe, Happy 13th Monthsary sa atin" tuwang tuwa siya sa sinabi niya. Oo nga pala Monthsary namin ngayon at naalala ko na magpupunta pala kami sa Mall at dun kami magdedate.

Nginitian ko siya. "Happy.. Monthsary din.. Babe" medyo kinabahan ako sa sasabihin ko eh parang may gagawin na hindi maganda. Hays..

Diana's POV
Ibang-iba na ngayon si Aira ang aking kapatid. Lalo siyang masaya ngayon hindi katulad noon. Kung naalala niyo noon na may boyfriend talaga siya kaso iniwan na siya at siguro pinagpalit siya.

Simula nung naaksidente siya ay nagkaroon siya ng amnesia. Tinago ko nalang ang katotohan sa mga nakaraan niya. Saka ko sasabihin ang totoo kapag handa na ako. Kung itatanung niyo kung paano ko nalaman na may Amnesia siya eto.

Flashback
Umalis si Aira ay sinundan ko siya kung saan siya magpunta. Nakita ko ang sasakyan niya na pagewang-gewang hanggang sa makabangga siya sa malaking puno.

Bago pa ako bumaba ay napansin kong may sasakyan din na tumigil pero bago pa bumaba ang nagdadrive neto ay inunahan ko siya. Alam kong si Veronica yun.

Dali-dali ko siyang dinala sa hospital at inilagay sa isang mahabang bed at dinala sa Emergency Room.

Maya-maya  ay nakita kong maraming nakasabit sa kanyang katawan at duguan ang kanyang noo. Chinecheck pa ng mga doctor ang kalagayan ng kapatid ko sa loob ng Emergency Room.

Alalang-alala ako sa kapatid ko baka tuluyan na siyang mawala sa buhay ko dahil siya nalang ang natitira sa buhay ko. Lumabas ang doctor at kinausap ako.

"Kaano ano mo ang pasyente?" "Kapatid ko po, kamusta po siya dok?" kinuha niya ang isang documents at binasa niya. "Actually she's ok but her brain was affected during the accident,kaya meron siyang Amnesia".

Parang nabiyak ang utak ko dun sa sinabi ni Dok. Paulit ulit yun pumapasok sa utak ko. "Wala na po bang ibang paraan para mabalik ang kanyang alaala?" kinakabahan na ako sa sasabihin niya.

"Meron, kailangan mong ipaalala ang lahat ng kanyang nakaraan pero walang gamot para sa sakit niya." Huminga nalang ako ng malalim "Maraming salamat ho dok" at umalis na siya.

Pumasok ako sa loob ng E.R kung saan nakahiga si Aira. Hinihimas ko ang buhok niya. "Bakit ka kasi naaksidente, bakit kailangan mong gawin yun para sa taong iniwan ka. Alam kong mahal mo siya ng sobra pero tama na Aira, kalimutan mo na siya".

Hindi ko hahayaan ang kapatid ko na magkita ulit sila ni Marcos at saktan ulit ang kanyang damdamin.
End of Flashback

Lahat ng 'yon ay masakit para sa kapatid ko kaya ngayong wala na siyang maalala ay kailangan na niyang magbago.

"Ate, kanina kapa nakatulala dyan, ok ka lang ba?" hindi ko na namalayan na kanina pa pala ako nakatulala. "Ok lang ako Aya, sige na magdate na kayo baka malate pa kayo ng uwi mamaya" at tumango nalang siya.

Pasensya kana Aira kung pinilit ko itago ang lahat ng nakaraan mo dahil ayokong nakikita kang nasasaktan at malaman na iniwan ka ni Marcos.

Marcos' POV
Its been a long years na hindi ako nakauwi sa Pilipinas. Namiss ko na sila Mom at Dad. Kamusta na kaya sila?

Andito ako ngayon sa Airport, hinihintay ang pagtawag sa Flight papuntang Pilipinas. Habang naghihintay ako ay nagtingin mo na ako sa FB ko.

Ang daming mga nagpopost ng pictures at mga quotes nila. Nahagip naman ng mata ko ang isang picture na nakasama ang lalake sa tabi niya.

Hindi ako nagkamali. Si Aira Manabat nga. Teka sinu yung kasama niyang lalake? Hindi kaya boyfriend niya? Hays bakit ba ako nag-aalala?

Oo nga pala, matagal na kaming break ni Aira simula nung sinabi ko sakanya na pupunta ako sa U.S para magcollege at makatapos at magtrabaho.

Alam kong masakit ang nararamdaman niya nokn dahil hindi manlang ako nakapunta sa 5th Anniversary namin. Sana mapatawad niya ako pagnakita kami ulit.

Nagsalita na ang nasa speaker na nakarating na ang eroplano papuntang Philippines. See you Aira. I still not forget your name and your faces to my mind. I Love You Aira.

~~~~~~~~☆☆☆☆☆☆☆~~~~~~~~
Ano kayang mangyayare pagnagkita ulit sila ni Aira? Maalala paba niya kaya si Marcos?

Abangan niyo guys ^^

The Lost MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon