Gabriel's POV
Nandito ako ngayon sa Bulacan. Pinapunta lang kasi ako ni Mama dito para samahan ko daw ng ilang araw ang aking Papa.May sakit kasi siya. Brain Cancer. Si Mama kasi nagtatrabaho. Actually apat kaming lahat kaso wala si Kuya ngayon. Nasa Singapore kasi siya ngayon.
Almost 10 years na siya hindi na umuwi dito si kuya sa Pilipinas. He's an engineer doon. Pinapadala naman niya si Mama ng pera para ipagamot si Papa.
"Anak.." tinawag ako ni Papa. Lumapit naman ako sakanya at umupo sa gilid ng kama niya. "Bakit po Pa?" Nakita kong aabutin niya ang mukha ko kaya niyuko ko para maabot niya.
Nararamdaman ko ang sakit pagnakikita ko si Papa na nahihirapan siya ngayon sa Sakit niya. "Wag k-ka sanang magalit" sabi niya na parang nanghihina na.
"Pramis po Pa hindi po ako magagalit, ano po ba yun?" sinusubukan niyang tumayo sa kama at sumandal siya sa pader.
"Napanaginipan ko ang isang babae na nangangalan na Aira.." parang bigla akong nabuhusan ng malamig na tubig na may yelo sa sinabi ni Papa.
Anong kinalaman ni Papa kay Aira? Oo nga pala, pinakilala ko na si Aira kay papa nung sinagot na niya ako. Masaya siya na nakita niya ito pero nung matapos ko siyang makilala ay may sinabi siya noon.
" anak, sigurado kabang mahal mo siya at hindi mo siya kayang ibigay sa iba na meron nang may nagmamay-ari sa puso niya noon pa?"
"Oo naman po Papa, bakit po ba?" Hinawakan naman niya yung kaliwa kong balikat.
"Kasi anak... darating din ang araw na babalik din siya sa dati niya kahit nasaktan na siya noon pa" naguguluhan ako sa sinasabi ni Papa.
"Paano mo naman nalaman yun Papa? Manghuhula kaba?" Tumawa nalang siya. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"kasi kaya kong basahin ang Future niyo pero totoo yun anak na mangyayare yun at marami siyang pagsubok na mararanasan niya" huminga lang ako ng malalim.
" Kung mangyayare yun, hahayaan ko nalang siya na ibalik siya sa dati niyang mahal kung mahal pa niya yung taong yun" tumango nalamang siya bilang sagot.
"Pa, baka yang panaginip mo yung sinabi mo sa akin dati ha? Sabagay, gusto ko rin malaman kung ano yung sinabi mo sa akin noon eh" Tinignan lang niya ako sa mga mata at seryoso siya.
Ganyan si Papa kaseryoso pag-alam niyang seryoso ang gusto kong malaman sa isang bagay.
"Yung sinabi ko sayo noon, totoong totoo yun. Meron siyang mahal noon pa kaya lang nabasa ko sa past niya ay naaksidente siya. Alam mo na ata ang bagay nayun o hindi pa?"Sasagutin ko na sana ang tanung ni Papa kaso biglang dumating si Mama na may dalang pagkain. "Oh, mukhang may pinag-uusapan ata kayong importante, puwedeng makinig?" Ngumiti siya na nakakaasar sa amin ni Papa.
Si papa naman ngumiti ng malapad kay Mama. Umupo na si Mama sa tabi ko dito sa gilid ng kama ni Papa. "Siguro anak, kailangan mong tanggapin ang mga mangyayare sayo sa pagdating ng panahon".
Sana nga makaya ko at sana matanggap ko ang lahat kung ano man yung pagsubok na sinasabi ni Papa.
Aira's POV
"Anong gagawin natin dito sa lugar nato?" umupo naman si Marcos sa upuan at pinatong ang baso na may lamang juice."Dito muna tayo magstay in 4 days lang. Make sure na pinayagan ka ng mga parents mo" nagcross armed naman ako habang naglalakad papunta sa kusina.
kumuha naman ako ng Tinapay sa cabinet at yung palaman... Nutella.. Favorite ko kaya to ^^ "Actually sir, wala naman po akong parents. Yung ate ko lang ho nandyan." Napansin kong nasa may pintuan siya ng kusina na nakatayo.
At nakacross-armed pa siya. Problema neto? Boss ko ba talaga to o acting lang ang lahat na ito?
"I know. you know.." habang nagsasalita siya, lumapit siya sa akin at ako naman nakaharap sakanya. "You're just the same ng taong mahal ko noon, your faces, attitudes even your smile are all the same".
Napakaseryoso niya nung sinabi niya yun. Napakagwapo talaga ng boss kong to. Nakita ko lang siya sa Mall tapos ang bait niya pero may pagkacold at Masungit din siyang side.
"Don't look at me. Aira" hindi ko napansin na nakatulala na pala ako sakanya. Sheemmm!! Ang gwapo talaga niyang tignan pramis.
"Do you have anything to ask?" pinalibot-libot ko naman ang tingin ko sa paligid para hindi na ulit makatingin sa kanya.
Nakita ko ang isang glass na slide door na may swing na dalawa. "Doon po muna tayo sir" sabay turo dun sa lugar na sinasabi ko.
Agad naman kaming pumunta dun at naupo na agad. Nag-galaw galaw ako aking inuupuan at tahimik lang kami.
Hays, gusto ko na talagang itanung sakanya yung sinabi niya kanina sa akin.
Marcos' POV
Siya na ang unang bumasag sa katahimikan naming dalawa. "Uhmm sir, puwede niyo po bang idescribe sa akin o kaya bigyan ng info tungkol sa taong mahal niyo noon? Nacurious lang ako"Sabi niya habang nags-swing siya. "Well, she's so beautiful in my eyes, its like an angel fall here in earth ang she's so nice. Siya rin nagturo sa akin kung paano magmahal ng lubos. She also love me more than herself."
Nakatingin lang sa akin si Aira at naghihintay sa susunod kong sasabihin. "Noong mga panahong yun, unting-unti akong nahuhulog dahil sa kabaitan niya at sa maganda din niyang pag-uugali sa ibang tao. Iba siya sa ibang babae noon."
"Dati kasi lagi ko siyang inaasar na payatot, payat kasi siya noon laging konti ang kinakain niya lalo na sa lunch time. Habang tumatagal, nagiging close kami. We're just like a siblings who always there and always love each other. Nung naggrade 6 pa kami, sinagot na niya akobat ayun masaya ako."
"Sa tuwing nakikita kitang ngumiti, naalala ko siya. Yun kaai ang kahinaan ko sakanya ang kanyang mga ngiti." Huminga naman siya ng malalim.
"Grabe pala noh sir, buti pa kayo ang ganda ng story niyo sa isa't-isa. Kami ni Gabriel? Ayun parang wala lang sa amin yung relasyon para bang .. basta hindi ko maitindihan" napatawa nalang siya.
"I know he loves you but do you really love him?" Napatigil siya sa pags-swing. "I don't know sir" sabi niya habang nakayuko.
"Maybe... maybe its not"~~~~~~~☆☆☆☆☆☆☆~~~~~~~~~
Waaatt?? Hindi niya mahal si gabriel? Oh no, baka bumalik na ang alaala niya? Sana bumalik na para malaman na T^TAbangan ^^ ....
BINABASA MO ANG
The Lost Memory
RomanceMinsan hindi na maalala ng taong mahal niya ang nakaraan sa kanila simula nang maaksidente pero kahit wala silang maalala na kahit ano ay nararamdaman nila ang sakit na hindi nila maitindihan. Naramdaman ang sakit dahil noon ay iniwan at nasaktan? r...