Marcos' POV
Natapos nadin ang usapan namin ng kliyente. Hinahanap-hanap ko si Aira kaso hindi pa bumabalik.Asan naba yung babaeng yun? NagCR lang tapos ang tagal? Bigla naman nagsalita ang kliyente ko.
"Hey Marcos, kilala ba niya yung babaeng nakasumbrero kanina na pumasok sa loob din ng CR?" Nagtataka naman ako sa sinabi niya.
"Sinung babae?" Ininom niya muna yung kape na nasa tasa at saka nagpatuloy sasabihin niya.
"I don't know pero kanina pa kasi siya tinitignan simula nung pumasok kayo dito".Nagkunot noo nalang ako sa sinabi niya. Sinung babae? Baka stalker yun ni Aira. Hays, sabagay, maganda kasi siya *_*
Matapos ang ilang minuto ay lumabas nadin si Aira. Hay sa wakas. Hindi kasi ako mapakali eh. Parang siya talaga si Aira noon.
Pramis, ramdam na ramdam ko. Kung siya nga talaga to, bakit parang hindi niya ako kilala? Baka nga siguro kinalimutan na niya ako ng tuluyan.
Umupo na siya sa tabi ko tahimik lang. Baka nga may PMS siya ngayon kaya ganyan siya. Hays.. hayaan ko muna siya na ganyan.
Inabutan ko naman siya ng kape. Nagorder pa kasi ako ng isa baka gusto pa niya. Kinuha naman niya yun at ininom. "Are you okay Aira?"
Napatingin naman siya sa akin. Nararamdaman ko yung panginginig niya sa kamay niya. "What are you afraid of Aira?"
Yumuko naman siya."Uhmm.. Mr Vince, we have to go, baka kasi napagod na tong Assistant ko. Its nice to meet you and Thank you for your cooperation with me" tumayo na ako at nakipagshakehands sa kanya.
Hinawakan ko na si Aira at hinila papasok sa kotse ko. "Aira, magsalita ka nga, ano bang nangyare sayo?" hindi parin siya nagsasalita.
Parang natatakot siya sa akin. "Wag kang matakot sa akin Aira, i'm your boss not a monster" napatingin naman siya sa akin na may lungkot.
"Kasi... yung babae kanina sa CR.." hindi niya maituloy ang salita nang pinaandar ko na ang kotse at pumunta kung saan-saan. Tinigil ko naman ang kotse ko.
Nandito kami sa isang beach kung saan maputi at walang tao ngayong araw. Pinagbuksan ko siya ng pinto at bumaba naman siya. Nagulat naman siya sa nakita niya.
"B-bakit tayo nandito?" Bago pa man siya magsalita ulit ay hinila ko siya sa isang cottage dun na nag-iisa lamang ito.
Sa Pamilyang Gamboa kasi itong lugar na ito pati narin ang cottage na ito. Maganda ang view dito dahil sa malinis at maaliwalas na tubig.
Andito parin ang gamit naming Gamboa dahil pinarequest ko kay Dad na dito nalang ilagay ang mga gamit incase na pumasyal kami ni Aira dito.
Aira's POV
Natakot ako kay ate kanina sa Cafe. Eto kasi nangyare guys.flashback
susuklayin ko na sana ang buhok ko nang makita ko ang babae na pumasok sa CR pero tumigil siya at tinignan niya ako.Nang makita ko siya ay laking gulat ko kung sinu siya. "Dito ka lang pala nagpunta Aya" wala namang ibang tatawag sa akin na 'Aya' eh kundi si... Ate Diana
Pano niya nalaman na nandito ako? "Pano ka nandito ate?" Nilagay ko ang suklay sa bag ko at lumapit sakanya. "Well, sinusundan kayo" kami? Sinusundan niya?
"Bakit mo kami sinusundan?" Bigla niyang tinaas ang kilay niya at nagcrossarmed."Ikaw munaang sumagot sa tanung ko, anong ginagawa mo dito?"
Huminga naman ako ng malalim at sinagot ang tanung niya. "Nandito kami para kausapin ang kliyente ni Sir Marcos". Bigla naman siyang nagulat sa akin.
"Aira, kailangan mong makinig sa akin" hinawakan naman niya ang kamay ko. Ramdam ko ang panginginig niya.
"Wag kang masyadong lumapit kay Marcos nayan. Wala nang pero-pero Aya, sundin mo nalang ako kung ayaw mong ipalayas kita sa bahay" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Huwag lapitan? Bakit? Anong dahilan kung bakit kailangan ko siyang layuan? Naramdaman ko nalang napadiin ang hawak niya sa akin.
"Sige na Aya, labas kana at baka hinihintay ka na ni Sr Marcos mo. Tandaan mo ang sinabi ko sayo. Wag ka masyadong malapit sa kanya". Nauna na siya lumabas.
Ako ngayon sa CR ay naiwang tulala at blangko ang isip ko. Maya-maya ay nag-ayos na ako ng buhok at lumabas na sa CR.
End of FlashbackYung sinabi ni Ate parang galit siya kay Marcos. Bakit naman kaya? Nang makababa na ako sa kotse ay agad kong nilibot ang tingin ko sa paligid.
Nasa isang beach kami ngayon ni Marcos. Tinanung ko siya "B-bakit tayo nandito?" imbes na magsasalita ulit ako ay hinila na niya ako papunta sa cottage ata yun.
Nang makapasok na kami ay namangha ako sa ganda. May iba na glass ang pintuan na pa-slide tapos dalawang kwarto at malaking higaan.
Yung bathroom ay malaki at may bath tub pa na may mga roses. Naamoy ko agad ang roses dun haha. Mayaman nga talaga si Marcos.
"Sa aming Gamboa itong bahay na ito. Kaya may mga gamit pa dito dahil akala ko makakasama ko pa yung taong mahal ko noon pero hindi na manfyayare yun"
Naguguluhan ako sa sinasabi niya. Para sa taong mahal niya pala ito? Ang swerte siguro nung taong yun na boyfriend niya si Marcos.
Ako, sapat na ako kay Gabriel dahil mahal ko naman talaga siya higit pa sa buhay ko. ^_^
Kung magkagusto man ako sa iba, mas pipiliin ko ang taong mahal ko dahil siya lang naman nagpasaya at nagmamahal sa akin ng buong-buo.
~~~~~~~☆☆☆☆☆☆☆☆~~~~~~~
Yung lugar na pinuntahan nila ay ang lugar kung saan dun sila nagcecelebrate ng Monthsary nila at pati narin 2nd Anniversary nila.Masuwerte ka talaga Aira kasi siya naman talaga ang Boyfriend mo noon pa. ^^ sana magbalik na lahat ng alaala mo..
Abangan ^^
BINABASA MO ANG
The Lost Memory
RomanceMinsan hindi na maalala ng taong mahal niya ang nakaraan sa kanila simula nang maaksidente pero kahit wala silang maalala na kahit ano ay nararamdaman nila ang sakit na hindi nila maitindihan. Naramdaman ang sakit dahil noon ay iniwan at nasaktan? r...