Chapter 11

19 1 0
                                    

Marcos' POV
Pinahinto ko ang kotse sa isang Park kung saan dito kami nagpicnic ni Aira at naglalaro ng habo-habulan.

Kung naalala niyo guys yung flashback sa chapter 8 ata. Basta may flashback yun hahaha..

"We're here" sabi ko kay Aira. Nagulat pa siya sa pagtingin niya sa window. Kaya ako huminto dito dahil gusto kong subukan kong maalala ba niya.

Pinagbukas ko siya at bumaba. Tintignan niya ang mga paligid. Marami din nagbago dito sa lugar na ito. Ang dating mga garden dito na punong puno ng mga bulaklak ay napalitan ng mga vendors.

Ang dagat na maganda ay may mga basura na sa gilid pero hindi parin nawawala ang photobooth dito kung saan dun kami nagpipicture.

"Anong ginagawa natin dito?" Sabi niya habang pinagmamasdan niya ang paligid. Bigla naman siya lumakad papunta sa isang vendor na nagbebenta ng cotton candy.

"Gusto mong bumili niyan?" Tinignan naman niya ako at biglang namula nanaman. "A-ahh naku wag na, hindi naman ako bata eh" umiwas naman ako ng tingin.

"Hahaha nagbablush ka nanaman" hindi ko mapigilang tumawa dahil nagbablush siya. Tumakbo naman siya nang bigla siyang nadapa.

Tumigil naman ako sa pagtawa at tumakbo kay Aira na nadapa. Sinubukan ko siyang tulungang tumayo pero inaalis niya ang kamay ko.

"Wag mo na akong tulungan,kaya ko na to" nakatayo naman siya pero nakita ko ang sugat sa tuhod niya. Buti nalang may dala akong 5 band aid. "Umupo muna tayo dun".

Tinuro ko naman ang isang bench at umupo kami dun. "Lalagayan kita ng band-aid para hindi magdugo yan" tumayo ako at lumuhod sakanya.

Nilagyan ko ng band-aid at tinignan ko siya. Nakatingin din siya sa akin. Ningitian ko naman siya pero umiwas naman siya ng tingin. Mahilig talagang umiwas ng tingin to.

Umupo naman ako sa tabi niya. "Ano bang gagawin natin dito?" Tanung naman niya. Huminga naman ako ng malalim. "Kasi gusto ko lang ulit makita tong lugar na ito" nakatingin lang siya na parang hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Kasi.. Namimiss ko lang yung taong mahal ko. Ang tagal kong nawala dito. Paano kasi hiniwalayan ko siya dahil pupunta ako sa U.S, wala na akong nabalitaan sakanya kung nasaan na siya" tinignan ko naman siya.

Tahimik lang siya at nakatingin din sa akin. "Siguro hindi na niya ako maalala dahil sa tagal kong nawala at hindi nagpakita sa kanya." bigla naman siya nakatingin sa malayo.

"Bakit mo kasi siya iniwan? Sana kinausap mo manlang siya ng maayos noon para hindi siya nag-aalala. Siguro nga hindi ka na niya maalala dahil meron na siyang iba" nagulat naman ako sa sinabi niya.

Aira's POV
Kaya pala dinala niya ako dito dahil gusto niyang maalala muli ang taong mahal niya.

Hiniwalayan niya ang taong mahal niya para sa ibang bansa. Siguro nasaktan ang taong mahal niya sa ginawa niya.

Nakatingin lang siya sa malayo. "Kung alam niyang nandito ako siguro maalala niya ulit ako" nakapout siya. Ang cute niyang tignan hahaha..

Tinignan ko ang relo ko 3:30pm na. "Sr, malalate na po tayo, baka naiinip na po sa kakahintay ang kliyente ninyo" napatingin naman siya sa akin.

"Uhmm Aira, please stop calling me Sr Marcos, just call me Marcos nalang. Pang pormal kasi eh" bigla siyang natawa. Hala? Baliw?

"Gusto mo ng cotton candy?" Bigla naman akong naexcite. Gustong gusto ko kasi makatikim ng cotton candy eh ^^

Tumango naman ako at binilhan niya ako. Lumapit naman siya sa akin at inabot ang nakabalot na cotton candy na pink with blue.

Waaahhh!! Sarap neto. Parang bata lang ang peg eh hahaha.. dumiretso na kami sumakay sa kotse. Kinakain ko ang Cotton candy habang nasa biyahe.

Natatawa naman si Sr Marcos ay este Marcos pala. Hindi ko nalang siya pinansin basta nag-eenjoy akong kumain dito.

Naubos na ang cotton candy ko. Maya-maya ay inaantok na ako. Inidlip ko naman ang mata ko. Nakita ko si Marcos na nakatayo sa harapan ko.

Unti-unti siyang lumalapit at bigla niya akong.... hinalikan O.o naramdaman ko ang init ng labi niya.

Nagising nalang ako bigla. Nakita ko na wala si Marcos sa driver seat niya. Saan naman kaya nagpunta yun?

Tinignan ko naman sa bintana. Umuulan pa naman. Teka? Bakit napanaginipan ko siya? Hinalikan niya ako? No, its just the dream.

Bumukas naman ng pinto at pumasok si Marcos. Basang-basa ang damit niya pati buhok. "Sorry kung umalis ako. Natutulog kapa kasi eh" bigla niyang hinubad ang damit niyang polo.

Shett, may 6 abs siya at kitang kita ang mga muscles sa braso niya. Tumingin naman siya sa akin habang pinipunas ang katawan niya.

"Oh baka matunaw ka sa tingin sa katawan ko ha" nagsmirk lang siya at nagsuot na ng t-shirt niyang blue. Umiwas nalang ako ng tingin.

Lumalakas ang ulan. Mukhang magbabaha sa pupuntahan namin. Sana makaabot kami ng safe kahit umuulan.

Pinaandar na ulit ang kotse at pumunta na sa kliyente niya.






~~~~~~~☆☆☆☆☆☆☆~~~~~~~~~
Akala ko pa naman maalala na niya. Hindi pa pala. Urgghhh sayang naman hahaha. Nakaka

The Lost MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon