Chapter 12

17 1 0
                                    

Diana's POV
Kung minamalas nga naman. Kasama na ngayon ni Marcos si Aira. Oo nga pala dahil assistant siya neto.

Sinabi na sa akin yun ni Aira nung natanggap na siya sa trabaho. Lalo akong naiinis sa kanila. Kung nagtataka kayo kung bakit ako naiinis kay Marcos.

Eto yun.

Flashback
(February 14,1989)
It was a valentines day. Lahat ng mga kaklase ko may mga partner at ako wala. Nganga lang. Umupo nalang ako sa upuan at maghintay kung sinu magyaya na gusto akong kapartner.

I was in 4th year college before. Yung kapatid ko naman nasa 1st year college palang.

Naghintay ako ng 30minutes, still wala parin nagyaya sakin na gusto akong ipartner. Nakaupo parin ako at nanonood sa mga sumasayaw sa gitna.

Maya-maya ay may lalakeng tumayo sa harapan ko. Inangat ko naman ang tingin ko sakanya. Nagulat ako kung sinu siya.

Si Marcos Gamboa. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti at inilahad ang kamay niya sa akin.
"Tara sayaw tayo". Hindi ako makatayo sa inuupuan ko.

Ang gwapo kasi niya tapos yayain pa ang babaeng hindi naman kagandahan. Gosh >///< tumango naman ako bilang sagot ko.

kinuha ko narin ang kamay niya at sabay kaming pumunta sa gitna at sumayaw kasama ang iba. Pinatong ko naman ang kamay ko sa balikat niya at siya naman ay nakahawak sa bewang ko.

Sobrang saya ko na nakasayaw ko siya. Nang matapos ang program ay nagsi-uwian na ang lahat. Nakita ko naman si Marcos na nakatayo na paran bang may may hinihintay sya.

Nagtago ako sa likod ng pader at tinitignan kung ano ang gagawin niya. Maya-maya ay nakita ko ang isang babae na nakagown na violet at blonde na buhok.

Nagyakapan silang dalawa at hinalikan nito ni Marcos sa pisngi. "Happy Valentines Day Love" sabi ng babae at nginitian. Binigyan naman ng white roses at tinanggap iyon.

Nang tinignan ko ng mabuti ang babae ay nagulat ako at parang nawasak ang puso ko. Si Aira. Ang babaeng yun.

Hindi ako makapaniwala na siya ang girlfriend niya. Masakit sa damdamin ko dahil yung kapatid ko pa ang naging girlfriend niya.

Tumakbo agad ako palabas sa gym. Mag-isa ako ngayon sa labas at umiiyak. Galit na galit ako sa kanilang dalawa.

After 3 years ay tinanggap si Marcos ang Tatay ko na pakasalan si Aira sakanya. Ganun din sa Pamilya ni Marcos. After 4 years ay naaksidente si Aira dahil hiniwalayan siya ni Marcos para sa ibang bansa.

Noon ay galit ako kila Aira at Marcos, ngayon naman ay kay Marcos dahil sa ginawa sa aking kapatid.

End of Flashback

Ipaghihiganti ko si Aira kay Marcos sa ginawa niyang pag-iwan sa kapatid ko para sa trabaho sa ibang bansa.

Marcos' POV
Nandito na kami ngayon sa isang Cafe kung saan kakausapin ko ang kliyente ko. Mukhang nabitin si Aira sa kinain niyang cottonCandy kanina.

Nakita ko siyang nagpout na parang gusto pa niyang kumain ulit ng cotton candy."Hey, mamaya bibili tayo ulit nun, wag ka nang malungkot diyan".

Ginulo-gulo ko ang buhok niya pero inalis niya ang kamay ko. "Wag na, ayoko nang bumalik dun." Nagpout nanaman siya.

Ang cute niya talagang tignan parang bata. Hahahaha \^^/
Pinagbuksan ko ng pinto si Aira para bumaba.

Habang naglalakad kami, napansin kong may sumusunod sa amin. Nilingon-lingon ko naman ang paligid pero wala. "Oh Bakit Marcos?" napalingon nalang ako kay Aira.

"Ha? A-ahh wala ah, tara na" saka ko siya hinila papunta sa loob ng cafe. Nakita ko kaagad ang kliyente ko na nakaupo malapit sa window glass.

Umupo na kami at bumati muna kami sa isa't-isa. Lalake ang kliyente ko kaya ako nalang ang kakausap sakanya.

Aira's POV
Kausap na ngayon ni Sr Marcos yung kliyente niya. Nagulat ako nung una ko siyang makita. Bigla niya kasi akong sinabihan na 'cute' daw ako. Tss.

Kahit kailan wala naman akong narinig na word nayun sa ibang tao lalo na kila Ate at Gabriel eh. Medyo madaming pinag-uusapan ang dalawa kaya umiinom nalang ako ng frappe na inorder niya sa akin.

Nang matapos ko inumin ang frappe ay nahagip ng mata ko yung babae sa kanan sa dulo nakaupo. Tinitignan niya ata ko. Umiwas naman ako ng tingin.

Nagpaalam muna ako kay Marcos na magccr lang ako. "Marcos, magcCR lang ako ha? Babalik naman ako agad" nagtataka naman si Marcos sa akin.

"Bakit? Anong gagawin mo?" Ako naman ang nagtataka. "Malamang, magpee ako" narinig ko namang tumatawa yung kliyente ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Ok, make sure na bumalik ka dahil pagkatapos neto ay may pupuntahan pa tayo" "Ok boss" kinuha ko na ang bag ko saka ako dumiretso sa comfort room.

Tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Kinuha ko muna ang suklay sa bag ko. Bago pa ako makasuklay ay nakita ko sa salamin na may babae na nasa likuran ko.

Nakasuot siya ng Cap at tinitignan ako. Lumingon naman ako sakanya. Nakayuko lang siya pero unti-unti niyang inangat ang ulo niya. Nanlaki ang mata ko.

But h-how? How did she get here?

.........


~~~~~~~~~☆☆☆☆☆☆☆~~~~~~~
Sinu kaya ang nakita ni Aira?

Abangan ^^ .....

The Lost MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon