Marcos' POV
Narinig kong nag alarm ang digital clock ko sa side. Inistop ko naman yun at bumangon. It's 6:30am na. Binilisan kong maligo at mag-ayos ng sarili ko.Tinawagan ko muna si Veronica para alam niya na pupunta ako. "Hello Veronica". [Sinu to?"] Oo nga pala bago pala ang no. Ko. "Its me Marcos, your friend before" . ["Marcos, long time no conversation tayo ah, bakit ka napatawag?] Huminga muna ako ng malalim at sinagot ang tanung niya.
"Gusto kita makausap tungkol sa bestfriend mo noon" naguguluhan na kasi ako eh. Narinig kong huminga siya ng malalim. ["Ok sige, itext ko nalang kung saan ang address"] nakahingan naman ako ng maluwag.
Bumaba na ako at sumakay sa kotse ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hanapin siya.
Matapos ang ilang oras ay nakarating na ako kung saan nakatira si Veronica.
Kumatok ako at agad naman binuksan ang pinto. Gulat na gulat siya pero nagbago iyon at malapad ang kanyang ngiti.
I miss her dahil kaming tatlo ni Aira, ako at si Veronica ay magbestfriend noon. I will not forget all our memories from our childhood until now.
"Marcos!" niyakap niya ako and i hug her back. "Musta kana Veron? Tagal natin hindi nagkita ah" bago siya magsalita ay pinatuloy muna niya ako sa loob.
Umupo naman kami. Magkaharap ang upo namin at sa gitna ang isang table. Bigla namang nagiba ang expresyon ng kanyang mukha.
"Si Aira? Naaksidente noon, nangyare yun dahil nasaktan siya sa ginawa mo, hindi niya mapigilan ang sakit na ginawa mo noon Marcos" hindi na ako nagsalita at nakinig sa lahat ng sasabihin niya.
"Bago pa ang aksidente noon, hinintay niya ang pagdating mo sa inyong Anniversary pero ilang oras siya naghintay sayo pero hindi ka dumating, nauna ako umalis nun dahil hinahanap na ako ng mga magulang ko pero ang totoo, gusto ko makita kung anong mangyayare sakanya sa paghintay na dumating ka. Alam kong ikaw ang tumawag sa cellphone niya at bakas sa mukha ang kanyang lungkot at sakit na nararamdaman." Parang naghinto ang mundo ko sa aking narinig. Pinakinggan ko nalang lahat ng sinabi niya.
"Pagatapos noon ay nagwala siya at binasag niya lahat ng nga gamit na nakapalibot sa kanya. Dali- dali siyang umalis at sumakay sa kotse. Sumakay narin ako sa kotse ko at sinundan siya. Pabilis ng pabilis ang kanyang takbo. Pagewang-gewang ang kanyang pagmamaneho hanggang sa makabangga siya sa isang puno sa gilid. Tinigil ko ang sasakyan ko at gusto ko siyang lapitan pero bago ko magawa yun ay dumating ang kanyang Ate at dinala sa kotse niya."
Kasalanan ko pala to, dahil sa akin kaya siya nagkakaganito. May tanung sa isipan ko.
"Pero paano nakasunod ang Ate ni Aira?""Yun nga ang pinagtataka ko kung paano siya nakasunod. Yun lang nalalaman ko at lumipat na sila sa bagong tirahan dahil ayaw ng ate niya na makita ka ulit."
Galit pala sa akin ang ate niya dahil iniwan ko si Aira para sa U.S.. Ginawa ko yun para hindi siya mahihirapan sa future naming dalawa.
Hindi ko lang akalain na ganito pala ang mangyayare at napahamak siya nang dahil sa akin.
"Maraming salamat Veron, malaki ang itinulong mo sa akin, kailangan ko nang umalis dahil may trabaho pa ako ngayon" tumayo na kami at lumabas na ako at saka nagpaalam.
Hindi ako makapaniwala na magagawa pala ni Aira yun para sa akin.
Aira's POV
Excited na ako sa trabaho ko dahil kagabi lang ako nag inquire at interview nalang ang kailangan.Sa Gamboa Company ako magtatrabaho. Kahit anong available na puwede para sa akin ay tatanggapin ko basta makaipon ako ng sahod ko.
Bumaba na ako sa hagdan at nakaready ang kakainin ko. 7:00am palang kaya kakain muna ako dahil before 8:00 ay nandoon na dapat ako.
"Hmmm.. sarap ng luto ni Ate" napangiti nalang ako sakanya. "Syempre naman ako pa" nagwinked siya at ngumiti.
Para syang lalake kung gumanon. Hahaha napapatawa nalang ako sa ganoong bagay. That's why i love my Ate so much.
Sabay na kami kumain at nagkukuwentuhan kami. "So, saan ka nga pala magtatrabaho?" "Sa Gamboa Company ate" napatigil sa kain si Ate nang marinig niya ang sinabi ko.
"Puwedeng pakiulit?" inulit ko naman ang sinabi ko. "Sa Gamboa Company" tumayo naman siya at sinuklay ang buhok niya.
"Bakit ate? Anong problema?" Humarap naman siya sa akin at huminga ng malalim. "Kasi....... Masaya ako dahil nakahanap ka ng trabaho mo" bigla siyang sumaya. Kanina lang parang galit siya tapos naging masaya. Baliw lang ata si Ate ngayon.
"Hays ate, sige alis na ako baka madami nang tao mamaya sa opisina" at niyakap ko siya. "Sige, mag-iingat ka ha?" Tumango nalang ako.
Agad akong umalis at nag-abang ng taxi. Pinara ko ang taxi at tumigil naman ito sa harapan ko.
Sinabi ko sa manomg kung saan ang pupuntahan ko.Habang nasa loob ng taxi, in-on ko ang mobile data dahil mag a-update ako sa Facebook.
Madaming nagiistatus ngayon. Puro pag-ibig ang topic. Hays, iniscroll ko pababa hanggang sa nahagip ng mata ko ang isa sa friend ko sa FB.
Marcos Gamboa
"I want to see her again, i really love her and i miss her so much. :(" ... sinu naman kaya tinutukoy niya? Hindi ko naman siya kilala eh. Bigla akong lumuha habang binasa iyon.Nagtataka ako bakit naluluha ako na walang dahilan? Ano bang meron sa taong to?
Inoff ko nalang ang mobile data ko at napansin kong malapit na ako sa Company na papasukan ko.
Here I am. This is my beginning. Magiging Lucky Days din ako dito.
~~~~~☆☆☆☆☆☆☆☆☆~~~~~~~
Magiging masaya nga ba si Aira sa papasukan niyang trabaho?
Abangan... ^^
BINABASA MO ANG
The Lost Memory
RomansaMinsan hindi na maalala ng taong mahal niya ang nakaraan sa kanila simula nang maaksidente pero kahit wala silang maalala na kahit ano ay nararamdaman nila ang sakit na hindi nila maitindihan. Naramdaman ang sakit dahil noon ay iniwan at nasaktan? r...