Aira's POV
Nakatutok na sa akin ang baril na hawak ni Diana. Pumikit nalang ako at kumalma at hinihintay na may tumama sa aking ulo. Maya-maya ay wala akong naramdaman na sakit. Nang ibuka ko na ang mata ko, nakita kong nagulat at namutla si Ate Diana habang nakatayo. Binitawan niya ang baril at umatras. Tumulo ang luha niya. Tinignan ko kung sino ang nasa sahig. Bigla namang tumulo ang luha ko. Napasigaw ko ang pangalan niya "Marcus!!" Naramdaman kong lumuluwag ang tali sa kamay ko kaya hinila ko agad.
Nang mahila ko na, nakawala na ako at saka tumakbo papunta sakanya.Inalog ko ang mukha niya upang magising pero hindi na siya makagalaw. Natamaan siya sa dibdib. Habang umiiyak ako, may kumuha ng baril at natamaan ako sa likuran ng dibdib ko. Napaluhod ako at maya-maya ay napahiga ako sa tabi ni Marcus.
Sinusubukan kong abutin ang kamay niya nang biglang magdilim ang paningin ko.
Katapusan ko na ba to? Ito naba ang huli kong buhay? Wala manlang makakwento sa aking nakaraan dahil ngayong waLa na ako.
Gabriel's POV
Nakita ko kung paano binaril ni Diana si Aira. Habang hawak ako ng mga tauhan, sinipa ko ang nasa kaliwa ko at sa kanan naman ay inikot ko ang kamay saka tadyak sa tyan. Mabilis kong inagaw ang hawak na baril ni Diana at itinutok sakanya. Nagulat naman siya sa ginawa ko "Kaya mo akong barilin? Matapos ang magagandang ginawa ko sayo para lang makuha mo si Aira tapos ngayon babarilin mo lang ako?" Nanginginig Kong hinawakan ang baril pero hindi ko ito binaba.
Nakangiti ito at pawis na pawis ang kanyang mukha. "Kahit ginawa mo yun sa akin, hindi ko parin tatanggapin ang ginawa mo sa kapatid mo." Puputukin ko sana nang may marinig akong tunog ng pulis. Binaba ko na ang barilin nang subuking agawin ni Diana ang baril na hawak ko.
Pumutok ang baril, dinilat ko ang mata ko at nakita ko na tinamaan siya sa may tagiliran. Umatras siya at napa-upo. Pumasok naman bigla ang mga pulis. Kinarga nila si Diana. Lumapit sa akin ang commander nila at sinaludo ako. "Salamat sa pakikipagcooperate mo sa amin. Kami na ang bahala kay Ms Diana." Nakipagshake hnds kami saka umalis.
Dumating nadin ang ambulansya upang dalhin sila Aira at Miguel sa hospital. Sana ligtas sila.
Marcu's POV
Wala akong makita sa ngayon, puro puti lang ang nakikita ko at mausok. Nasa langit naba ako? Sana naman hindi pa kasi ayoko pang mamatay. Naglakad-lakad ako hanggang sa may nakita akong isang magandang lugar.
Habang naglalakad ako, may nahagip ang mata ko na isang babae na nakatayo malayo sa ilog. Yung damit niya ay sumasabay sa hangin pati ang buhok niya. Puti ang kulay ng damit niya.
Papalapit ako ng papalapit sakanya hanggang sa hawakan ko ang kanyang balikat.
Napalingon naman siya sa akin. Ang ganda talaga ng itsura niya hanggang ngayon. Malaki na talaga ang pinagbago niya. Nginitian niya ako. Hinawakan niya ang kabilang braso ko "Nagkita muli tayo Marcus, akala ko nakalimutan mo na ako" sabi niya na may halong saya at lungkot ang tono ng boses niya.
Hinawakan ko naman ang kamay niya sa kabila "Oo naman Aira, kahit iniwan kita at sinaktan noon, hindi parin kita nakakalimutan hanggang ngayon" napangiti naman siya ng bahagya sa akin.
"Alam kong.. gusto mo pa ako makasama hanggang sa huli Marcus,.. pero.. Huli na ang lahat" nakita ko ang kanyng mata na may tumulo na luha.
"Wala man akong maalala mula sayo Marcus nung nabubuhay pa ako pero nararamdaman ko na ang iyong puso ay para sa akin parin dahil alam kong mahal mo parin ako. Malungkot man pero hindi kita makakalimutan, lagi kitang babantayan at poprotektahan kahit anumang mangyare..." lumapit siya sa akin at hinagod ang mukha ko gamit ang isang daliri.
"I..Love You Marcus, to infinity and beyond" sabi niya at hinalikan ako sa labi.
Masyado man maiksi ang oras ng pagsasama namin pero atleast nakasama ko parin siya at nakausap siya ngayon.
Matapos niya akong halikan, nginitian niya ako sabay hawak sa aking mga pisngi. "Hanggang dito nalang tayo.. Alam kong hindi pa natatapos ang love story natin pero hindi ko yun makakalimutan at hihintayin kita dito" at niyakap ako.
Niyakap ko rin siya. Ang tagal ko siyang gustong makayakap. Ngayon lang ulit ako sumaya ng ganito kahit alam kong wala na siya sa tabi ko. "Mahal na mahal na kita Aira. Mahal na...Mahal kita" at tumulo na ang luha ko habang yakap-yakap siya.
Humiwalay na kami sa pagyayakapan at tanging paghawak nalang ng kamaynamin ang nanatili. "Paalam Marcus, I Love you always and Forever" at binitawan niya ang kamay ko. Sa muli, ngumiti siya sa akin at sabay talikod at naglakad na papunta sa isang lugar kung saan magigjng masaya na siya.
Bigla namang pumuti ang paningin ko. Bumalik naba ako? Ginawa ba niya yun para mabuhay ako?
Sana paggising ko ay mawala ang sakit na nararamdaman ko. Magiging okay ang lahat..
Gabriel's POV
Napahilamos ako sa aking mukha dahil hindi ko alam kung nakasurvive naba si Aira at Marcus. Naka-upo parin ako sa upuan. Kasama ko ang magulang ni Marcus at ang kaibigan ni Aira na si
Maya-maya ay lumabas na ang doctor. "Kayo po ba ang pamilya ni Marcus?" At lumapit ang Mommy ni Marcus "Opo, kami po. Kamusta po siya doc?" Tinanggal ng doktor ang face mask niya at sabi "Ligtas po ang inyong anak Mrs Gamboa" huminga ng malalim ang Mommy niya at niyakap ang asawa niya.
Sumingit naman ako sa kanilang pag-uusap. "Doc, Si Aira po, kamusta po siya?" Napayuko ang ulo niya "She's.. Dead on Arrival. Hindi na niyang kinaya ang kanyang buhay kanina. I'm sorry, excuse me" sabay alis ng doctor.Napa-upo naman ako sa sahig. Ang nararamdaman ko ngayon ay masakit at parang manhid. Akala ko ba gusto pa niyang malaman ang lahat tungkol sa nakaraan niya.
Hinagod nila ang likod ko at saka niyakap habang umiiyak ako.
Ang sakit sakit. Siguro kailangan ko naring tanggapin iyon at mag move-on.~~~~~~~
Dumiretso naman ako sa kwarto ni Marcus. Sa ngayon ay nagpapahinga na siya kasama ang kanyang mga magulang. Masaya nilang nagsalo-salo dahil ligtas siya pero sa mga mata niya ay may lungkot parin.Oo, alam na niya na wala na si Aira. Masakit para sakanya ang mawala ang taong mahalaga sakanya pero tinanggap niya iyon ng buong-buo dahil wala na siyang mababalikan.
"Gab, buti bumalik ka ulit at ...ano yang hawak mo?" Nakita niya ang hawak-hawak kong envelope. Tumabi ako sakanya at saka binigay ang envelope.
"Para sayo yan. Pinabibigay ni Aira sayo nung nabubuhay pa siya." Binuklat niya na ito at isa-isa niyang kinuha ang laman sa loob. Una niyang kinuha ang isang box na maliit na kulay blue.
Binuksan niya ito at nagulat. Binasa niya ang nakalagay sa pendant 'MarcAira Forever'. Napatulo ang luha niya. "Hindi parin niya talaga ito tinapon kahit na.. umalis ako" mahal na mahal nga talaga nila ang isa't-isa.
Nagkuha naman ulit siya sa envelope at this time isang orange envelope naman ito. Pinunit niya ang dulo nito at kinuha ang papel sa loob. Binasa niya ito.
Abangan ^^ .... (Coming up next ...Epilogue)
BINABASA MO ANG
The Lost Memory
RomanceMinsan hindi na maalala ng taong mahal niya ang nakaraan sa kanila simula nang maaksidente pero kahit wala silang maalala na kahit ano ay nararamdaman nila ang sakit na hindi nila maitindihan. Naramdaman ang sakit dahil noon ay iniwan at nasaktan? r...