Chapter 2

31 1 2
                                    

Aira's POV
Nandito kami ngayon sa Mall at pumunta sa Isang Cafe. Nagdedate kami. Daming nakatingin sa amin na mga costumers at sinasamaan ng tingin sa akin.

Pagdating kay Gabriel ay todong todo ang kilig. Tss. Pogi kasi niya talaga pero kinikindatan nalang ni Gabriel ang mga girls at lalo silang kinilig.

"Paranh busy ka ata sa kakakindat mo sa mga Girls dyan" inirapan ko siya at nagcross armed. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Sorry naman babe" kung makapag sorrg tuwang-tuwa naman. Hays. Manloloko ka talaga.

Nagorder na siya ng makakain namin pero patuloy talaga siya sa papakilig ng mga girls dito sa loob ng restaurant.

Hindi ko nang mapigilan kundi tumayo at umalis sa loob. Nakakairita na kasi eh. Hindi naman ako nagseselos eh, nakakainis kaya. Hindi marunong mahiya.

Andito ako sa may garden sa likod ng mall. Maganda dito dahil tahimik at walang masyadong tao. Umupo nalang ako sa may bench katabi ng mga gardens.

Iniisip ko na bakit hindi ko maalala ang mga taon kung paano ako naging masaya at maganda ang mga pinagsamahan.

Sabi kasi ni Ate naaksidente daw ako at ganun nalang daw ang nangyare sa akin. Baka nga daw kinakalimutan ko ang mga nakaraan ko eh dahil masasakit daw ang mga nangyare sa akin noon.

Naniwala naman ako eh pero parang iniisip ko sa tuwing kasama ko si Gabriel parang hindi si Gabriel ang nakakasama ko parang naranasan ko na to noon pa pero hindi ko lang maalala.

Siguro nga ginusto kong makalimutan ang mga nakaraan ko kaya nagkakaganito ako. Bakit kailangan ko pang kalimutan ang mga yun? Baka nga masakit ang mga past ko.

Nagulat naman ako nang may umupo sa tabi ko ang isang lalake. Nakatingin siya sa Fountain. Tinignan ko naman siya at bigla siyang nakatingin sa akin.

Ang gwapo naman niya pero parang kilala ko siya. Hay baka guni-guni ko lang ng utak ko to. Umiwas naman ako ng tingin at nakita ko si Gabriel na papunta sa kinauupuan ako.

"Babe" sigaw naman ni Gabriel patungo sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko at tumango sa akin. Tumayo na ako at tinignan ko ang lalake kanina.

Mukhang kilala ko siya. Wala ngalang ako matandaan sa aking nakaraan. Isa ba siya sa mga nakalimutan ko na masasakit na bagay noon?

Marcos' POV
Hay sa wakas nakarating na din ako dito sa Pilipinas. Namiss ko na ang meron dito. Wala na akong maisip na pupuntahan ngayon.

Nagpasya akong pumunta sa Mall para magpasyal doon. Sumakay na ako sa taxi. Tinawagan ko ang Aking Mommy. Kamusta na kaya siya?

[Hello?] Parang gusto kong umiyak kaso baka makita ako ng taxi driver. "Hi Mom its me Marcos" tuwang tuwa ako dahil nakausap ko na siya. Mahaba haba ang kuwentuhan namin ni Mom.

Nakarating na ako sa Mall at bumaba. Bago pa ako pumasok, naisipan kong pumunta sa likod ng Mall doon sa Garden.

Nililingon ko ang mga iba't-ibang bulaklak sa paligid at pati ang Fountain. Habang tinitignan ko ang mga ito at nahagip ng mata ko ang isang babae na nakaupo.

Parang kilala ko sya. Pumunta ako sa may bench kung saan nakaupo ang babae. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ang Fountain. Naramdaman kong tinitignan niya ako kaya nilingon ko siya.

Kilalang-kilala ko talaga siya. Hindi kaya si Aira ito? O baka magkapareho lang sila ng mukha. Nah, baka nga kapareho lang sila ng mukha.

Tinitigan ko siya nang biglang may lumapit na lalake sa babaeng katabi ko. "Babe" sigaw pa niya sa babae.

Boyfriend niya ata to eh. Kinuha ng lalake ang kamay ng babae at nagholding hands sila. Nang umalis na si Girl ay tinignan niya ako habang lumalakad siya.

Diana's POV
Nandito ako ngayon sa likod ng mall. Syempre nagtitingin sa mga iba't-ibang mga magagandang bulaklak.

Bago pa ako tumuloy sa lakad ay napatigil ako nang makita ko si Aira na nakaupo. Bago pa ako maglakad ay may tumabing lalake sa kanya.

Nagtago ako sa gilid ng pader at tinitigan ko ng maigi ang lalake.
Nanlaki ang mata ko nang malaman ko kung sinu ang lalakeng iyon.

Si Marcos Gamboa. Bakit siya nandito? Diba iniwan niya si Aira noon pa? Dahil ipinagpalit niya si Aira sa U.S?

Tinignan naman ni Aira si Marcos. Alam ko namang hindi niya maalala ito dahil may Amnesia siya. Nagtataka si Aira sa lalake.

Buti nalang dumating si Gabriel para sunduin si Aira. Habang magkahawak kamay sila ni Gabriel ay tinitignan niya si Marcos na nakatingin din sa kanya.

Kailangan kong kausapin si Marcos bago pa malaman ni Aira ang lahat. Alam kong masasaktan nanaman siya. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi makilala si Marcos.


~~~~~☆☆☆☆☆☆~~~~♡☆☆~~~
Naku, nakita na ni Aira si Marcos kaso wala ngalang siya maalala. Akala niya kasi kasama din yun sa paglimot niya sa masasakit na bagay noon sakanya.

Abangan ^^ ....

The Lost MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon