Aira's POV
Naglalakad kami ni Gabriel sa Mall. Marami nga kaming pinambili eh tapos nanood kami sa sinehan ng Shake Rattle and Roll XVI.Nakakatawa nga eh sige siya sigaw hahaha at bigla siyang yumakap. Mukhang nabalutan ako ng saya ngayon pero hindi ko makakalimutan ang lalake kanina sa may Garden.
"Oh babe, ang lalim naman ng iniisip mo? May problema ba?" napansin pala ako ni Gabriel. Paano ko ba sisimulan to?
"Eh kasi... yung lalake... kanina... parang kilala ko" naiilang na sabi ko. "Oh yun lang naman pala eh, bakit hindi mo sinabi sa akin?" nakakacurious ha? Bakit ganun siya?
"Pero Gab, hindi ko alam kung anong pangalan niya" yumuko nalang ako baka bigla siyang sumigaw. Naramdaman ko na tumigil si Gab sa paglalakad kaya napatigil din ako.
Inangat niya ang mukha ko nang hawakan niya ang magkabila kong pisngi. Dinikit niya ang noo ko sa noo niya. "You know, kahit maraming lalake na lumapit sayo, hinding hindi ako papayag dahil mahal kita" saka niya hinalikan ang noo ko ag naglakad ulit.
Nakakashock kaya yun tapos naraming tao sa paligid mo. Debale, nakakakilig naman eh hahaha..
Habang naglalakad kami, biglang nahagip ng mata ko yung lalake kanina sa Garden. Nandun siya sa may shoe store.
Gusto ko siyang puntahan at sundin yung lalakeng yun. Nasa CR pa kasi si Gab baka magalit.
Maya-maya ay hindi na ako mapakali kaya pumunta na ako dun.Hinanap ko siya sa loob pero hindi ko siya makita. Maya-maya ay nakita ko siya palabas kaya agad ko siyang sinundan.
"Oy! Psst!" yun nalang ang sinabi ko kasi hindi ko siya kilala. Patakbo ang ginawa ko para malapitan siya. Hinawakan ko ang balikat niya at lumingon sa akin.
Ang gwapo niyang tao tapos nakasuot siya ng reading glasses. He's wearing a blue Polo and Dark Blue Jeans.
Parang napako ako sa kinatatayuan ko eh dahil sa gwapo niyang mukha. Nakatingin siya sa akin at parang nagtataka. "Umm miss, may problema ba?" Grabe pati boses nakaka inlove. Putek. May bf na nga ako napapainlove pa hays..
"Aah... kasi..." paputol kong sabi. Itutuloy ko sana ang sasabihin ko nang biglang sinuntok ni Gab yung lalake.
Malakas ang pagkasuntok kaya natumba. Maraming taong nagkakatinginan na parang may pelikula. Hinawakan ko si Gab sa likod niya para umawat kaso hindi parin mapatigil.
Biglang nagsidatingan ang mga Body Guards at buti nalang inawat na ang dalawa. "Langya ka, nilalandi mo ang girlfriend, hoy ikaw, nakita kita sa garden at nilapitan mo siya tapos ngayon magpapachancing ka sakanya kahit may boyfriend na siya? Gag* ka subukan mo ulit patulan si Aira kundi malakas na sapak ang abot mo" lakas ng boses niya at galit na galit talaga siya.
Nakita ko naman sa mukha nang lalake ang pagkagulat. Anong kinagulat niya? Kilala ba niya ako. Bumitaw yung lalake sa mga guwardya sa nakahawak sa balikat niya.
"Teka pare, ako malandi? Eh yung gf mo ang lumapit sa akin tapos sasabihin mong nilandi ko siya at nagpachancing? Eh mas gag* ka pala eh. Yung kanina sa Garden? Hindi ko ginawa para landiin at pachancing, umupo lang ako sa tabi niya. Sa susunod hindi ko na titignan o kausapin pa yang gf mo dahil hindi ko naman siya kilala".
Umalis na agad siya na may pasa sakanyang gilid ng labi. Grabe, matapang pa talaga siya. Mukhang kilala ko talaga siya eh hindi ko ngalang maalala.
Pinabitawan ko sa guard yung hawak nila sa braso ni Gab. Umalis na agad si Gab na hindi manlang ako tinawag. Sinundan ko nalang siya pero bigla siyang tumigil.
"Puwede ba Aira, wag ka munang sumunod? I want to be alone" sabi niya at agad siyang naglakad.
Nakatayo lang ako mag-isa habang tinitignan siyang naglalakad.
Marcos' POV
Masakit ang pagkasuntok sa akin ng lalake kaya nagkaroon ako ng pasa sa gilid ng labi ko.Habang nag-aaway kami ng lalake kanina, may nasabi siyang pangalan na Aira. Si Aira ba yung girlfriend niya? Baka kapareho lang ng pangalan yun.
Parang kakaiba yung babae nayun eh. Sa pagtingin ko sakanya parang si Aira talaga ang nakikita ko.
Hays, baka isip-isip ko lang yun. Lumakad na ako palabas ng mall. Huminga muna ako ng malalim dahil sa aking iniisip. Uupo nalang ako sa gilid ng hagdan at bago pa ako makaupo ay nakita kong may umiiyak na babae.
Hinawakan ko ang balikat niya at napalingon sa akin. Waaahhh!! Siya nanaman.
"Ikaw?" Sabay naming dalawa. Pinunas niya ang mukha niya gamit ang likod ng kamay niya.
Tumayo siya at hinila ako papunta sa likod ng mall. Habang hinihila niya ako ay parang kilala ko ang hawak niya.
Tumigil naman siya bigla. "Sorry ha? Alam kong kasalanan ko yung kanina eh, kung hindi kita nilapitan hindi sana nangyare sayo yun" tumulo ang luha niya habang sinasabi niya yun.
"Hindi mo kailangan magsorry, alam kong kasalanan ko yun eh" napahawak ako sa batok ko. "Anyway,i have to go now" at umalis na ako ng tuluyan.
She's so weird you know. Bahala na. I don't really care about her from now on.
Diana's POV
Nakita ko nakipagsuntukan si Gabriel kay Marcos. Kitang-kita ang galit nila sa isa't-isa. Actually, sumunod lang ako sa kanila. Alam ko kasi na ito ang mangyayare kaya agad kong sinundan ang dalawa.Pinigilang magalit ni Gabriel kay Aira dahil baka hiwalayan siya nito. Habang papalakad na si Gabriel ay agad ko siyang inunahan sa daan.
Nang makapunta na siya sa may CR ay hinarangan ko siya. "Diana?" pagtataka niya. "Yes, i want to talk to you" sa gilid kami ng hagdanan nagusap.
"Gusto kong palayuin mo yung lalakeng iyo kay Aira" nagtataka parin siya. "Hindi ko na kailangan ng paliwanag ko lahat dahil yun lang naman ang kailangan ko ang mapalayo sa lalakeng iyon" niyukom ko ang kamao ko. "S-sige kung yun ang gusto mo" tumayo naman siya pero pinigilan ko "Gabriel, pagnagawa mo yun, siguraduhin mong hinding hindi siya makakalapit muli pa kay Aira".
Ngumisi lang siya sa akin at umalis ng tuluyan. Hindi ko puwede ilapit kay Aira si Marcos dahil alam kong masasaktan siya at maibalik ang kanyang alaala.
~~~~☆☆☆☆☆~~~'☆☆☆☆☆~~
Oh my, yung ate ni Aira pinapalayo siya kay Marcos para lang hindi niya maalala ang lahat ng kanyang nakaraan.
Sana matigilan na niya to. Abangan guys!! ^^
BINABASA MO ANG
The Lost Memory
RomanceMinsan hindi na maalala ng taong mahal niya ang nakaraan sa kanila simula nang maaksidente pero kahit wala silang maalala na kahit ano ay nararamdaman nila ang sakit na hindi nila maitindihan. Naramdaman ang sakit dahil noon ay iniwan at nasaktan? r...