Aira's POV
Hinila ko si Marcus palabas ng Mcdo dahil gusto ko magpakasaya. Actually, hindi talaga yun ang rason. May iba pang kahulugan.Imbes na tuloy-tuloy ang lakad namin ay agad siyang huminto at pati kamay ko ay nahila. Tinignan ko naman siya.
Nakikita ko sa mga mata niya na puno ng pagtataka. Lumapit naman ako sakanya. "Diba dapar ako ang hihila sayo? Nabaliktad ata tayo" ngumisi siya sa akin.
"Fine, basta dahil mo ako sa lugar na magpapakasaya sa akin" tinignan ko naman siya at nakangiti na para bang may ibang binabalak.
This time, hinawakan na niya ang kamay ko at hinila papunta sa parking Area. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok.
Mabilis din siya umikot sa papunta sa Driver seat niya. Pinaandar agad. Tahimik lang kami sa biyahe.
Maya-maya ay inabutan naman niya ako ng isang polo candy. Alam kong hindi ko gusto ang candy nayan dahil matamis at mint siya pero wala akong nagawa kundi kunin nalang yun.
Kinakain ko ang candy habang tumitingin sa window. Napansin ko na parang nasa province kami dahil sa mga kalesa na nakikita ko. "Nasan tayo ngayon?" tanung ko pero hindi niya ako sinasagot.
Maya-maya ay nagstop siya sa golid ng kalsada. Tumingin naman ako sakanya pero nakatingin siya sa daanan at hawak-hawak ang manibela.
Nang ilingon ko ang mukha ko sa window ay nakita ko ang isang Park. May mga magagandang mga kulay ng mga bulaklak sa di kalayuan dito. Namangha ako sa mga nakikita ko.
Pinagbuksan naman ako ni Marcus ng pinto at inilahad ang kamay para alalayan ako bubamaba. Pagkakababa ko ay agad naman akong natuwa sa mga nakita ko kahit nasa labas palang kami.
Pagkapasok palang namin, agad akong nakaramdam ng pakirot sa aking puso. Bakit? Maganda naman ang mga ito eh. Lumapit ako sa isang kulay blue na bulaklak at mabango siya.
Pinitas naman ni Marcus yun at binigay sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko nung ibigay yun ni Marcus sa akin. Ngumiti siya akin na para bang nakakamelt ang mga ngiti niya.
"Tara." Hinawakan naman niya ang kamay ko at saka lumakad. Pinagmamasdan ko ang mga bulaklak dito. Napakaganda ng mga kulay at halos mabusog ang mga mata ko sa mga kulay at uri ng mga bulaklak dito.
Habang naglalakad kami, biglang sumakit ang ulo ko. Hinawakan ko ang free hand ko sa noo ko. Sumasakit parin ito kaya napabitaw ako sa hawak ni Marcus.
Nagflash sa akin ang isang memorya. Nakita ko ang isang senaryo. Kung saan kami ngayon ni Marcus ay yun din ang nagflash sa akin.
Pumasok kami sa park na maraming mga iba't-ibang kulay at uri ng mga bulaklak. Magkawahak kami ng kamay ng lalake.
Pinitas niya ang asul na bulaklak at sinabit sa likod ng tenga ko. "You're so beautiful Aira, that's why i like you" ngumiti siya sa akin.
"Ikaw talaga nambobola ka eh, I love you -------oa" halos hindi ko maklaro ang mukha niya sa liwanag at hindi mabuo ang buong pangalan niya matapos ang salitang 'I Love you'
Nawala naman ang sakit ng ulo ko nang matapos ang nagflash sa akin na memorya. Dinilat ko naman ang mata ko at nakita ko ang bagkas ng pag-aalala ni Marcus sa akin.
"Are you ok? Masakit paba ang ulo mo?" Hinawakan niya ang ulo ko. Umiling naman ako. Hinawakan ko ang tenga ko na baka may bulaklak sa na nakasabit pero wala naman.
Sumakay na kami sa kotse at umuwi. Medyo nabitin din ako kanina dun sa park. Hindi ko tuloy napagmasdan ang mga bulaklak dun.
"Wag kang sumimangot dyan, pupunta naman tayo ulit dun eh pero magpahinga ka muna" nagulat ako nang magsalita siya. Napansin niya siguro na nakasimangot ako.
Ano kayang ibig-sabihin nun? Bumabalik naba ang alaala ko?
Marcus' POV
Nag-aalala na ako kay Aira dahil ngayon ko lang siya nakita na sumakit ang ulo niya ng matindi. Hindi ko man alam kung bakit.Napansin ko kanina na nung nawala ang sakit ng ulo niya, hinawakan pa niya ang likod ng tenga niya. Alam ko kung anong ibig-sabihin nun sa kanya.
Nung naging kami, nilagyan ko siya ng bulaklak sa likod ng tenga niya at maganda siyang tignan na parang anghel at kung ngumiti ay halos bumibilis ang aking tibok ng puso.
Siguro bumalik ang kanyang alaala pero bakit hindi niya pa ako nakikilala? O baka nagkukunware lang siya?
Alam kong nabitin siya sa pagpapasyal dun kanina sa park kaya sinabi ko nalang na wag mag-alala dahil babalik pa naman kami.
Nang makarating na kami sa opisina, bumaba na kami. Sabay narin kami pumasok sa elevator at tahimik lang. Hindi ko alam kung ano iniisip niya.
"Hindi ko alam kung anong nangyayare Sr Marcus" nagulat ako dahil bigla siya nagsalita. Nakayuko lang siya at malungkot. "What are you saying Aira?" Bago pa man siya magsalita ay bumukas na ang elevator door.
Nauna na siyang lumabas pero agad ko naman hinila ang kamay niya kaya napaharap siya sa akin. Umiling siya bigla at nginitian ako katulad noon. "W-wala ho sir, sige po mauna na po ako" hinayaan ko nalang siyang mauna sa opisina at ako nanatiling nakatayo habang pinapanood ang hakbang niya hanggang makapasok siya sa opisina ko.
Hindi ko alam kung anong nangyayare sakanya ngayon. Minsan nagiiba ang mood niya. Meron ba siyang hindi sinasabi sa akin na kailangan ko malaman?
Kung ano man yun, kailangan kong malaman para matulungan ko siyang ibalik sa dati niyang alaala.
~~~~~~♡♡♡♡♡♡♡~~~~~~~~~~
Hi guys! Pasensya na kung matagal akong nag-aupdate kasi pumasyal pa kami sa Mall .. char! Ko hahaha ^^
Anyway, pagnatapos itong story ko, iedit ko lang ang ibang mga words dito para maitindihan niya ..Abangan ^^
BINABASA MO ANG
The Lost Memory
RomanceMinsan hindi na maalala ng taong mahal niya ang nakaraan sa kanila simula nang maaksidente pero kahit wala silang maalala na kahit ano ay nararamdaman nila ang sakit na hindi nila maitindihan. Naramdaman ang sakit dahil noon ay iniwan at nasaktan? r...