Aira's POV
Andito ako ngayon sa kwarto ko, nakatulala sa kesami. Paano kasi, hindi ko alam na makikipagsuntukan pala si Gab sa lalakeng yun.Para talagang pamilyar sa akin ang lalaking iyon eh. Siguro nakita ko na siya noon pa. Wala na talaga akong maalala kahit sa mga past things ko.
Wala naman binabanggit sa akin si Ate na kahit na ano. Nabanggit lang sa akin na na car accident ako 15 years ago. Meron daw akong dahilan kung ano eh pero hindin rin sinabi sa akin.
Ang weird ngalang ni ate kung bakit hindi niya sinasabi sa akin lahat ng mga nakaraan ko. Hays, dami ko nang iniisip tapos bored pa ako dito sa bahay.
Ano kaya puwedeng gawin bukas? Hindi naman pupunta si Gab dito dahil sa galit niya kanina sa Mall. Kung magtrabaho nalang kaya ako?
Tama, maghahanap ako ng trabaho para sa mga pangangailangan namin ni Ate. Dami din kasi kaming kailangan.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagsearch sa internet. Nakita ko ang news na "Apply now at the Gamboa Company....." puwede na to.
Pero Kailangan ko muna hanapin si Ate. Bumaba na ako sa hagdanan at hinahanap sa mga bawat parte ng bahay. Pumunta naman ako sa likod ng bahay baka sakaling nandun siya.
Tama nga ako, nandun nga siya. Binabad niya ang paa sa pool at umiinom ng wine. Tumabi naman ako sakanya at binabad ko rin ang paa ko sa tubig.
"Ate, may sasabihin ako sayo" tinigil naman niya ang pag-inom ng wine niya at saka ako tinignan. "Ano yun Aya?"
"Nakahanap ako ng trabaho" nung sinabi ko yun ay parang wala siyang ekspresyon. Baka galit si Ate. "Para saan naman yang kalokohan mo ha?"
"Ate hindi ako nakikipaglokohan, kaya gusto ko magtrabaho para sa pangangailangan natin at higit sa lahat para makatulong ako para hindi ako lagi nasa bahay".
Totoo naman kasi na lagi akong nasa bahay walang ginawa kundi kain,tulog, nood tv at Facebook. Kaya gusto ko makatulong kay ate.
Tumingin naman siya sa may pool. "Sige basta ayusin mo at dapat malaki ang isasahod sayo" natuwa naman ako sa sinabi ni Ate dahil pumayag siya.
Niyakap ko siya ng mahigpit. "Thank you Ate, I Love you talaga dahil pumayag ka" tumingin naman siya sa akin at nginitian ako.
Kahit na nagalit siya kanina sa akin, ngayon naman ay nakangito dahil alam ko na tutulungan ko siya.
I really love my Ate dahil siya nalang ang natitira sa buhay ko.
Marcos' POV
Nakahiga lang ako sa kama at naga-update sa Facebook ko. Dito ako sa condo nakatira mag-isa. Sa 1st floor.Ayoko kasi sa taas. Nakakapagod akyta baba paghindi gumagana ang elevator. Inopen ko ang Facebook. Matagal nadin ako hindi nakapag-update dahil sobrang busy.
Madami akong nakikita na nagpopost ng mga pictures at mga status nila na puro pag-ibig.
Clinick ko naman ang profile ko kung sinu ang mga nagpopost sa timeline ko. Halos madami pala ang nagbati sa akin sa mga nakaraan kong birthday.
Nahagip naman ng isa kong mata na nagbati sa akin. It was 6 years ago na. Aira Janella Manabat "Happy Birthday whoever you are and be happy always :)" . Hindi niya ako kilala?
Siguro kinalimutan na niya ako kaya ganyan nalang ang nasabi niya sa akin. Hiniwalayan ko siya 15 years ago dahil pumunta ako ng U.S para dun ako magcollage at magtrabaho.
Wala narin akong balita sakanya pero naalala ko parin si Veronica ang bestfriend namin ni Aira. Matagal ko narin siya hindi nakausap simula nung umalis ako.
Madami akong namiss dito sa Pilipinas. Pati sila Mom and Dad namiss ko narin. Debale magkikita naman kami bukas ni Dad. Si Mom naman busy sa business niya.
Hindi rin kami nakakapagbonding ng Family ko. Meron din akong kapatid na babae pero nasa Singapore siya ngayon.
Almost 18 years na siyang hindi umuuwi dito kahit pasko at bagong taon wala siya dito. Kahit nasa U.S ako noon ay ginawa ko paring umuwo dito sa Pilipinas kaso one time ngalang.
Si Aira kaya? Nasan na kaya siya? Hayst.. bakit bigla ko naisip yun? Paano kasi ang tanga tanga ko para hiwalayan siya noon. Ngayon kung kelan hindi ko na siya nakikita saka ko naman siya hinahanap.
Habang malalim ang iniisip ko, napansin ko ang phone ko na nagriring. Si Dad tumatawag sa akin. "Hello Dad?" "Son, tomorrow dapat maaga pumasok dahil may importante tayong pagmemeetingan ok?" Importante nanaman.
Hays, oh well, sundi ko nalang si Dad. "Ok Dad" saka ko na binaba ang tawag niya. Habang tinitignan ko ang cellphone ko ay biglang pumasok sa isip ko na bago ako pumunta sa opisina ay pupuntahan ko muna si Veronica.
Gusto ko kasing alamin ang lahat tungkol kay Aira noon. Tatawagan ko nalang siya bukas at para malaman ko na ang lahat.
~~~~~~~~~~☆☆☆☆☆☆☆~~~~~~
Hays.. salamat natapos din ang Chapter.. Gusto ni Aira na nagtrabho sa konpanya ng isang Gamboa. Ang hindi niya alam ay kay Marcos pala iyon. Ano kayang mangyayare sa susunod?Abangan ^^ ....
BINABASA MO ANG
The Lost Memory
RomanceMinsan hindi na maalala ng taong mahal niya ang nakaraan sa kanila simula nang maaksidente pero kahit wala silang maalala na kahit ano ay nararamdaman nila ang sakit na hindi nila maitindihan. Naramdaman ang sakit dahil noon ay iniwan at nasaktan? r...