Aira's POV
Tahimik kami sa biyahe. Walang gusto kung sinu ang kumausap. Nagulat naman ako sa pagbigla niyang paghinto sa gilid ng kalsad.Nakita ko naman na mahigpit niyang hinawakan ang manibela ng kotse at galit ang kanyang ekspresyon neto.
Hahawakan ko na sana siya nang biglang inalis niya ito. Natama pa ang kamay ko sa manibela. Gustong umiyak dahil sa sakit na natama ang kamay ko dun.
"I-i.." hindi niya matuloy ang sinabi saka niya ako niyakap ng mahigpit na para bang ayaw niya akong pakawalan. I hug him back at hinahaplos ang likod niya.
Naramdaman ko naman ang basa sa balikat ko. Kumuwala ako sa yakap at tinignan siya ng diretso. "Bakit ka po umiiyak Sir?" pinunasan naman niya ang kanyang luha sa pisngi.
"Because.... The girl I love before is just watching over me when i talk to Diana and she hasn't do anything to stop me from Diana" nagulat naman ako sa sinabi niya.
Ako ba tinutukoy ni Marcus? Ganun kasi yung ginawa ko, nakatayo at pinapanood lang na kausapin niya si Diana. Impossible naman ata yun eh.
"Ano pong ibig-sabihin niyo Sir?" Tumingin naman siya sa akin ng diretso at ang sincere ng kanyang mukha. "Ibig niyo po bang sabihin ay nandun siya kanina habang kausap niyo po ang Ate ko?" bigla naman siyang umiwas ng tingin.
"O-oo.. And she's just standing whitout any action" naramdaman ko ang lungkot sa sinabi niya. Kung andun nga siya, bakit hindi ko siya nakita kanina?
"Baka po ayaw niyang makigulo sainyo kaya hindi nalang siya lumapit para pigilan ka niya" nginitian ko nalang siya. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"Please.. stay by my side Aira" naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Hindi ko siya maitindihan kung ano sinabi niyang yun.
"Ha?" hinigpitan niya lalo ang kamay ko. "Wag mo akong iwan, gusto ko lagi kang nasa tabi ko dahil... pag may kailangan ako, nandyan ka lang palagi."
Naitindihan ko na ngayon ang sinasabi niya kaya ngumiti ako sakanya "Opo Sr Marcus ay este Marcus, hinding-hindi ko po kayo iiwan kahit anong mangyare" nginitian naman din niya ako saka bumalik ulit sa pagbibiyahe.
Marcus' POV
Nandito na kami sa kompanya nang madatnan ko ang maraming mga empleyado na nagtitinginan sa amin ni Aira.Parang ngayon lang nila kami nakikita dito sa opisina.
Nang makaabot na kami sa opisina ni Dad ay lumabas ang assistant nita at tinitignan niya kami ng parang may hindi magandang nangyare.
Pagbukas ko ng pintuan ay agad naman akong nagulat sa nakita ko. Anong ginagawa ni Diana dito?
They still continue to talk something that i don't know nang mapalingon si Dad sa akin kasunod si Diana.
Ngumiti si Diana sa akin na parang meron siyang sinabi kay Dad na hindi ko alam. Ganun din si Dad na ngumiti sakanya.
"Son, atlast you came" sabi ni dad at tumayo siya ito para yakapin ako. Nagtataka ako kung bakit ang sobrang saya niya.
Napatingin naman ako sa gawi ni Diana at nakatitig lang ito at walang ekspresyon. Tumingin naman ako kay Aira na nakatingin sa Ate niya na wala ding ekspresyon.
Naramdaman kong kumuwala na si Dad sa pagkayakap niya sa akin. Hinila ko naman ang kamay ni Aira papalapit sa akin.
Hinigpitan ko yun na ang kahulugan na 'wag kang masyadong magalit'. Mukha na kasi siyang galit. Nakikita ko sa mga mata niya.
"Son, Meron akong sasabihin sayo.." bago pa man maituloy ang sasabihin ni Dad ay nagsalita si Diana.
"I'm your Fiance Marcus, hindi mo pa sinabi sa Dad mo ang lahat noon" napanganga ako sa sinabi niya.
Pati si Aira ay parang nalaglag ang panga niya sa sinabi ng kanyang ate. Lumapit naman si Aira sakanyang at niyakap.
"Hindi mo manlang sinabi sa akin ate na boyfriend mo pala si Sr Marcus".
Biglang kumirot ang aking puso nung sinabi niya yun sa ate niya. Tuwang-tuwa naman si Diana at ginantihan naman niya ng yakap itong kapatid niya.
Lumapit sa akin si Dad at hinawakan ang balikat ko "son, we have to talk but first, you have to take Diana Home" napatingin naman ako sa gawi ni Diana na kausap niya si Aira.
Pinatawag ni Dad si Diana upang pauwiin siya. Nang makapasok na kami sa loob ng kotse ay huminga muna ako ng malalim "What was that all about Diana?"
Tumingin ng naman si Diana sa akin at ngumisi. "Ginawa ko yun dahil.. i still love you Marcus. Hindi ko alam na magkikita pa tayo after 15 years" hinawakan naman niya ang kamay ko na nakakapit sa manibela.
Inalis ko naman kaagad yun at tinignan siya ng matalim na agad nawala ang kanyang lungkot. "I know you did that because you saw us na magkasama. I know, you know na i still love her. Alam kong naaksidente siya kaya nawala ang alaala niya nang dahil sa akin"
Huminga naman ako ng malalim at saka ulit nagsalita "kahit na nakipagbreak-up ako sakanya, i still love her. Nagawa ko yun dahil sa trabaho ko at nagawa ko yun dahil baka hindi ko na siya makausap ng maayos lalo na't busy ako sa trabaho ko dun"
Naramdaman kong tutulo na ang luha ko "Pero kahit kailan hindi ko siya inalis sa puso't damdamin ko dahil mahal na mahal ko siya. Kaya ngayong wala na siyang maala, gagawa ako ng paraan para bumalik iyon at hihingi ako ng patawad sa kanya, sa pag-iwan ko sakanya"
At lumabas na ang luha ko pero agad ko namang pinunasan. Gagawin ko talaga ang lahat para lang maibalik ang lahat ng alaala niya at mapatawad niya ako.
"I'm sorry Diana.. kahit anong mangyare ay mamahalin ko parin siya kahit na hindi na niya ako maalala. Gagawin ko abg lahat para maibalik lang ang alaala niya noon"
Lumingon naman siya sa sa kalsada at tumango. Pinaandar ko na agad ang kotse para maiuwi na niya.
Kahit anong gawin mo diana, hinding-hindi magbabago ang nararamdaman ko para kay Aira.
~~~~~~☆☆☆☆☆☆☆☆~~~~~~~
Hindi talaga susuko si Marcus para kay Aira. Handa niyang gawin ang lahat para maibalik ang dating alaala neto.Abangan ^^
BINABASA MO ANG
The Lost Memory
RomanceMinsan hindi na maalala ng taong mahal niya ang nakaraan sa kanila simula nang maaksidente pero kahit wala silang maalala na kahit ano ay nararamdaman nila ang sakit na hindi nila maitindihan. Naramdaman ang sakit dahil noon ay iniwan at nasaktan? r...