Epilogue

17 1 1
                                    

Sorry guys kung mag-iisang taon ko nang hindi na-update ang story na to dahil sobrang focus talaga ako masyado sa school works ko. Lahat po ng mga typo errors ko ay babaguhin ko nalang sa susunod upang yung ibang readers ay makabasa ng maayos Please vote, like and comment anything on my story. Thanks :)) Love you guys.... And just play the music up there..

~~~~~~~~~
Ngayon.. Oras na upang mailibing na ang taong pinakamamahal ni Marcus, walang iba kundi si Aira. Lahat ng mga imbitado sa paglibing ni Aira ay dumalo. Mga kamag-anak, kaibigan, Mga tito at tita at sa mga nakakakilala sakanya.

Nasa simbahan silang lahat ngayon at nasa harapan ng altar ang kabaong ni Aira. Nakaupo lang si Marcus sa upuan habang nakatitig ito sa kabaong ng kanyang mahal. Naka shades ito kaya hindi nila makikita na umiiyak siya.

Malungkot na malungkot si Marcus dahil hindi niyang akalain na mawawala ito sa tabi niya. Naka suot sila ngayong lahat na puti. Ayaw ni Marcus na itim.

Habang nakaupo parin siya, lumapit si Gabriel sakanya at may inabot na kulay yellow na sobre. Tinanggap naman agad ni Marcus iyon. "Basahin mo yan baka makatulong sayo yan sa pag-alis ng sakit na nararamdaman mo dyan sa puso mo" sabay alis niya. Hindi na niya nilingon si Gabriel at hinyaan nalang niya itong umalis.

Hindi niya muna binuksan ang sobre. Nagsimula na ang misa at napansin niyang kaunti lang ang dumalo sa libing ng kanyang minamahal. Sabi niya sa isip niya "Hindi na mahalaga kung kaunti lang ang dumalo basta mailibing ka lang ng maayos"

Niyukom naman niya ang kanyang kamay ng mahigpit.

Matapos ang misa, binuhat na ng mga service ng st peter ang kabaong ni Aira saka sumunod ang iba. Nang makalabas na ng simabahan, ang mga dumalo ay sarili ng sumakay sa kanilang sasakyan habang si Marcus ay nakisakay sa sasakyan kung saan kasama niya ang kabaong ni Aira.

~~~~~

Matapos ang pagpaspas sa kabaong ni Aira, nagpa-iwan si Marcus at nanatili itong tumayo at nakatingin sa pinaglibingan ng kanyang minamahal.

"Bakit ikaw... bakit... ikaw pa ang nawala.. dapat ako nalang dahil marami ka pang kailangang malaman sa sarili mo... Gusto kitang makasama mula noon hanggang ngayon. Wala narin naman akong magagawa dahil masaya kana sa langi. Kung nasaan ka man ngayon, hinding-hindi kita makakalimutan at ikaw lang ang mamahalin mo habang buhay" ngumiti nalang ito at saka umalis na walang lungkot sakanyang labi.

'Good Bye Aira, I miss you and I Love You so much' ...


The End

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lost MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon