Marcus' POV
Nagmamaneho na ako papunta sa Company ng Dad ko. Ako pa daw ang magiinterview sa mga gustong mag-apply ng trabaho.Medyo kinakabahan ako dahil madami sila. Second time ko na ang maginterview sa mga employees.
Nung nasa America kasi ako, enterpreneur lang ako dun at Civil Engineer ako dun kaya medyo malaki-laki ang sahod ko. Kaya nasanay ako dun mag-isa.
Nakarating na ako ngayon sa opisina. Bago pa ako bumaba ng kotse ko ay sinuot ko muna ang akimg shades para hindi nila ako mahalataan na ako nga ang anak ng may-ari ng company.
Kilala talaga ako ng mga media simula nung pinakilala ako ni Dad sa bisita niya na sikat noon. Isang beses lang nangyare yun kaya ngayon ayoko muna magpakita dahil makikita rin naman nila ako.
Bumaba na ako ng kotse at dala-dala ang bag ko. Pagkababa ko ay may nagsi tinginan na sa akin hanggang makapasok ako sa loob.
Ngayon lang ata sila nakakita ng gwapo eh hahahaha.. Lakas na ng hangin(-~-)
Pinindot ko na ang up button sa elevator. Habang hinihintay ang pagbaba ng elevator, may babae na nasa likod ko. Tinignan ko siya.
Teka? Si...... Aira to ah O.o
Aira's POV
Hays, tumakbo ako papunta sa kompanya. 7:40am na kasi eh tapos natraffic pa kanina. Ang malas naman.Buti na ngalang nakarating na ako agad. Medyo excited na kinakabahan dahil baka hindi naman ako tanggapin eh. Sayang lang ang pinagpunta ko.
Dumiretso na ako agad sa may elevator. Buti nalang may kasabay ako, siguro employee siya. Nakasuot ngalang siya na T-shirt na white with Long polo at nakatupi hanggang siko niya. At naka blue jeans. Tapos naka shades?
Baka siya ang boss ng opisina o kaya isa sa mga assistant. Naghihintay lang kami sa pagbaba ng elevator nang bigla siyang lumingon sa akin.
Nasa likuran ko kasi siya. Nakapoker Face ngalang siya nung tinignan niya ako pero bilang tumingin ulit sa pintuan ng elevator.
Maya-maya ay nabuksan na ang elevator at sabay kami pumasok. Pinindo niya ang button na 4. Pareho pala kami ng floor na pupuntahan eh.
"Ikaw?, anong floor mo?" narinig ko nalang nagsalita siya. Ako ba ang kausap niya?
"A-a ako ba kausap mo?" yun nalang ang tanung ko, malay mo kausap niya ang sarili niya o kaya multo. Huhuhu wag naman sana.
Tinignan naman niya ako at nakapoker face lang talaga. Hindi ata marunong ngumiti to eh. "Oo ikaw" ok ako pala kausap eh. Tss.
"Sa 4th floor din ako pupunta eh" bumalik na siya sa tingin ng pintuan at bumukas na ito. Huminga lang ako ng malalim at lumakad.
Hindi naman ganoon kadaming magi-inquire dito. Habang naglalakad ako papunta dun sa may mga nakaupo na iinterviewhin, maraming nakatingin sa akin na employees.
Marami din akong naririnig na bulong nila. Matalas kasi pandinig ko eh haha ^^..
"Diba siya yung girlfriend ni Sr Marcos?"
"Oo nga noh, parang hindi na niya kilala si Sr."
"Maganda parin naman ako sakanya kaya akin nalang si Sr Marcos."
"Matagal na kaya siyang kilala ni Mr Rudolfo Gamboa dito pero bakit siya magi-inquire eh silang dalawa ni sr Marcos ang may-ari neto"
Teka? Ako? May-ari ng kompanyang ito? At sinu? Si Marcos? Sinu namang marcos yun? At girlfriend ako ng anak ng may -ari neto?
Ang dami kong gustong itanung sa kanila kaso wala na akong oras. Kailangan ko munang mainterview.
Umupo na ako sa may mga nakaupo na iinterviewhin na. Sana matanggap nila ako para maka ipon kami ni ate at sabay tutuparin ang pangarap namin.
~~~~~~~~☆☆☆☆☆☆☆~~~~~~~~
Ang daming kasagutan na gusto niya malaman mula sa lahat ng mga nagbubulong na employee tungkol sa kanila ni Marcos.Abangan ang susunod guys ^^ .....
BINABASA MO ANG
The Lost Memory
RomanceMinsan hindi na maalala ng taong mahal niya ang nakaraan sa kanila simula nang maaksidente pero kahit wala silang maalala na kahit ano ay nararamdaman nila ang sakit na hindi nila maitindihan. Naramdaman ang sakit dahil noon ay iniwan at nasaktan? r...