Chapter 25

18 1 0
                                    

Aira's POV
Nagising ako sa isang kwarto na walang kulay. Nakahiga na pala ako sa kama. Tatayo na sana ako nang makita ko ang kamay ko na nakatali sa may headboard ng kama. Nililingon ko ang bawat paligid sa loob.

Maya-maya ay narinig ko ang pinto na unti-unting bumubukas. Nilingon ko naman yun at nakita ko si Ate Diana na nakasuot ng isang red t-shirt at jeans lang pero maganda parin siya.

"Well,well,well... sa wakas nagawa ko narin ang plano ko para sayo Aya" nginisian niya ako at pumewang siya. Galit na galit ako sakanya. Pati pa naman sa kapatid niya ginawa niya ito.

"Wala kapa rin siguro naalala sa nakaraan mo noh? Puwes, ako na mismo ang magsasabi ng lahat" sumeryoso ang mukha niya at napaatras ng kaunti. "I want to tell you the truth that, this Gabriel" tinuro niya si Gabriel "ginamit ko siya para ligawan ka at mapasagot mo siya. Napaniwala din kita na siya ang unang boyfriend mo. Well now you know the truth."

Ano? So hindi siya ang unang boyfriend ko? At ano? Ginamit siya ni Ate para ligawan at mapasagot ko siya? Ang sakit ng naramdamam ko nang marinig ko ang lahat ng yun.

"H-hindi.. t-totoo yan!" Sigaw kong sabi. Bigla siya tumawa at lumapit sa akin. Hinila niya ang buhok ko at pinaharap sakanya. "Kahit kapatid pa kita, i don't care. Oo nagalit ako sa taong nag-iwan sayo noon at gusto ko siyang ipaghiganti noon pero ngayon ikaw nalang ang gagantihan ko."

Hindi ko siya maitindihan. May isang taong iniwan ako noon? Wala akong maitindihan sa mga sinasabi niya.

"H-hindi kita maitindihan. Anong may nag-iwan sa akin noon?" Nagtataka kong tanung. Binitawan na niya ang buhok ko at pumunta siya sa pintuan at binuksan niya iyon.

Bumungad sa akin ang mukha ni.. Marcus na puno ng pasa sa mukha. Hinawakan ng kasamahan ni Ate sa magkabilang kamay si Marcus papunta sa akin.

Inilapag siya sa sahig malapit sa kinahihigaan ko. Nararamdaman ko ang mga tulo ng aking mga luha sa pisngi ko. Kahit umiyak ako, bakit parang may galit ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya? Wala naman siyang ginawa sa akin eh.

Napansin kong gumagalaw siya at alam kong nararamdaman niya ang sakit ng mga pasa niya. "A..a..Aira" binanggit niya ang pangalan ko habang pinipilit niyang tumayo sa sahig.

"Naawa kana ngayon sakanya matapos ka niyang iwan noon? Ha?" Kumunot noo ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"
Nakita ko nakatayo si Marcus sa likod ni Diana kaya napalingon si Ate sakanya.

Marcus' POV
Nang makatayo na ako ay agad lumingon sa akin si Diana at gulat na gulat siya. Tinawag niya agad ang mga tauhan at hinawakan ako sa magkabilang braso.

Pero pumiglas naman ako agad. Hingal akong tumayo. Para bang tumakbo ako ng ilang metro. Tinignan ko naman si Aira na nakatali ang mga kamay niya. Tumutulo ang kanyang luha habang tinitignan niya ako.

Tinignan ko naman si Diana ng masama. "I should the one.. who will tell everything about her." Napalunok naman ako dahil hindi ko alam kung matatanggap ba ni Aira ang mga katotohanan. Maniniwala ba siya?

"Sure but in one condition Marcus" seryoso niyang sabi. Nagsmirked naman siya bigla. Lumapit naman siya sa akin at niyakap ang batok ko. She kissed me. Tinulak ko naman siya at agad naman siya napaatras. Pinunasan ko muna ang aking labi na hinalikan ng bruhang babaeng ito.

"You're so b*tch. A Nasty girl like you, no one will never fall in love in you." Magsasalita pa sana ako nang may humawak sa balikat ko. Pagkalingon ko ay si Gabriel.

Anong ginagawa niya dito? Kasama ba siya ni Diana? Tss.. I need to end this up.

"Diana still likes you Marcus.. Nung dumating kana dito sa pilipinas, hinahanap ka niya at gusto ka sana gantihan mula sa kapatid mo pero nung nakita ka niya ulit.. mahal kana niya agad pero ngayon si Aira na ang pinaparusahan niya dahil she knows you still love Aira" nakatingin lang ako kay Gabriel.

Sinisink-in ko lahat ng sinabi ni Gabriel. Nilingon ko naman si Aira. Nanonood lang siya sa amin at nakikinig sa mga pinag-uusapan namin.

"I.. I still.. love her.. I still love Aira"

Gabriel's POV
ang sakit marinig na ang taong gustong makamit ay yung taong nagmahal sakanya at sinaktan siya ay mahal parin siya.

Ayoko man siyang kunin ni Marcus pero wala akong magagawa dahil alam kong sa dulo ng utak ni Aira ay mahal parin niya si Marcus kahit wala siyang maalala.

Yinukom ko ang isa kong kamao at nakayuko lang. "Kahit mahal mo si Aira" tinignan ko naman si Aira at tinitignan niya ako. I smiled at her "Ayoko siyang nasasaktan dahil sa akin. Alam kong mahal ka niya kahit wala siyang maalala noon sa mga nakaraan niya"

Binalik ko na ang tingin kay Marcus. "I"ll let go of her for you Marcus" tinignan ko naman si Marcus papunta kay Aira. Lumuhod siya sa gilid ng kama ni Aira. Hinihimas-himas niya ang buhok nito. "If this things is end, i'll tell you everything and.. Don't push me away." He smiled at her.

Nakakunot noo lang si Aira sa sinabi ni Marcus. "A-anong pinagsasabi niyo? Hindi ko kayo maitindihan!!" Napasigaw si Aira at parang gusto nang kumuwala sa kanyang kinahihigaan niya.

Kinuha agad ng mga tauhan ni Diana si Marcus at nilabas. "Grabe ang drama niyo ah.. oras na Aira para patayin kita."

Tinutok niya ang baril kay Aira na maya-maya ay ipuputok na niya ito.


~~~~~~☆☆☆☆☆☆☆☆~~~~~~~~
Waaahh!! Ano na kayang mangyayare kay Aira? Tutuluyan ba siyang patayin ni Diana?

Hi guys!! Ngayon lang ulit nakapag update.. busy talaga as in SUPER busy talaga sa school haha kaya hindi makaupdate eh ^_^

Abangan ^^

The Lost MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon