Gabriel's POV
Ilan beses kong dinial ang numero ni Aira pero hindi niya sinasagot. Kinakabahan ako para sakanya.Ayoko siyang mamatay sa kamay ni Diana. Kung una ay pumayag ako sa plano niyang kidnapin ko si Aira at patayin para makuha niya ulit si Marcos ay hindi ko hahayaang gawin niya yun.
Sumakay ako sa kotse ko para pumunta sa kompanya na tinatrabahuan ni Aira. Nang makarating na ako ay nakita ko si Marcus kasama si Aira na palabas.
Kung tatanungin niyo kung kami paba ni Aira ay hindi ko alam ang sagot. Alam kong bigla bigla nalang ako nawawala sa tabi niya at si Marcus nalang ang nasa tabi niya.
Lumabas na ako ng kotse at bago pa sila makapasok ay tinawag ko si Aira "Aira" kinaway-kaway ko pa ang aking kamay. Niyakap ko siy at tinignan ang kanyang mukha.
"Gabriel?" Nagtatakang tanong niya. Napansin kong matalim na tinignan ako ni Marcus samantala ako ay nakatingin lang sa magandang mukha ni Aira.
"Sorry kung.. kung ngayon lang ako nagparamdam sayo." bigla naman siyang napangiti sa akin na para bang ok lang sa kanya.
May lungkot parin akong nararamdaman kahit papaano dahil sa nakikita ko ngayon ay para bang sila na ni Marcus kahit na hindi maalala ni Aira.
Nginitian ko na rin siya "Ano pala ginagawa mo dito?" nagbuntong hininga muna ako bago ako magsalita sakanya ng diretso. "Aira.. Kasi may sasabi---" naputol ang sasabihin ko nang may bumisina sa kasunod kong kotse. Pamilyar ang kotse nayun sa akin.
Bumaba ang isang lalakeng driver at pinagbuksan yung baba. Nagulat naman ako kung sinu ang bumaba. "Hi everyone" ngiting ngiti na sabi ni Diana.
Iba ang pakiramdam ko sa ngiti niya. Parang may binabalak siya na hindi maganda. Agad akong lumingon kay Aira pero nakatingin parin siya sa Ate Diana niya.
"So you've meet to each other Gabriel, Aira" nakangisi siya papunta sa direksyon namin. "Aira" napatingin naman siya sa akin at parang may gusto siyang marinig mula sa akin.
"Did i interupt you? If I am, you can tell me but if not, may i enjoy to your conversation?" Sabi niya habang nakangisi. Hinawakan niya sa balikat si Marcus at nilpit ang mukha niya sa tenga nito.
Nanlaki ang mata ni Marcus dahil hindi ko alam kung ano ang sinabi niya dito. Napatingin naman siya sa akin at ngumisi. I hate those smirk in her lips. Bumuntong huminga ako atsaka nagsalita. "What do you want Diana?"
Nilagay ko ang mga kamay ko sa magkabilang bulsa ng jeans ko. Lumapit naman siya sa akin at nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. "Malapit ko na magawa ang plano ko Gab, don't worry.. mapapasayo din si Aira" ngumiting nakalaloko siya sa akin.
The fuck.. Hindi niya puwede ituloy ang plano niyang yun. Ayokong mapahamak si Aira sa plano niya. Oo alam kong mahal ko si Aira pero kahit kailan hindi ako ang unang nagmahal sakanya at nagpasaya. Tama nga si Papa na may kailangan akong harapin ngayon. Ito ang protektahan ko si Aira at lalo na si Marcus kahit hate ko siya.
Aira's POV
Tawa ng tawa si Ate dahil sa kwinekwento niya sa amin. Ako naman ay ngumingiti nalang. Sila Marcus at Gabriel ay parang walang pakealam sa mga sinasabi ni Ate. May problema ata ang mga to.Siniko ko si Gabriel na nakatingin sa bintana. "Uy.. may problema ba Gab?" Tumingin siya sa akin at nginitian niya ako.
"Nothing. I'm just too tired" ginulo gulo niya ang buhok ko at saka ulit tumingin sa bintana.Napabuntong hininga naman ako. "May problema ba Aya?" Nagulat ako nang magsalita si Ate. Yinuko ko ang ulo ko at niyukom ko ang kamao ko sa dulo ng damit ko. "W-wala ate.." nginitian ko nalang siya.
BINABASA MO ANG
The Lost Memory
RomanceMinsan hindi na maalala ng taong mahal niya ang nakaraan sa kanila simula nang maaksidente pero kahit wala silang maalala na kahit ano ay nararamdaman nila ang sakit na hindi nila maitindihan. Naramdaman ang sakit dahil noon ay iniwan at nasaktan? r...