Chapter 10

22 1 0
                                    

Marcos' POV
Nag-alarm ang clock ko. Patamad akong inoff ang clock ko. Nang tignan ko ang clock ay 7:00am na..

Bumangon ako bigla sa kama at nagmamadaling maligo at mag-ayos sa sarili. Nagluto naman ako ng de lata na nandito sa kabinet.

Muntik ko nang kalimutan i-off ang gasol. Lahat ng mga papers sa office ay nailagay ko na sa bag.
Patakbo ako papunta sa parking at pinaandar sa ang makina sa kotse ko. Tinignan ko naman ang wrist watch ko, its 7:30am na.

Baka naghihintay na si Dad pati ang... assistant ko nga pala nandun din. Walang iba kundi si Aira.

After 5 minutes ay nakarating na ako sa office. Binati naman ako ng mga ibang employado sa hallway. Hinahanap ko ang assistant ko.

Hays, bakit ba ako nag-aalala dun? Hindi naman niya ako kilala eh tsaka hindi naman niya ako close.

Dire-diretso lang ako naglakad hanggang sa makarating ako ng Meeting room. Sa glass palang ng pintuan ay nakikita ko ang mga officemate at ... si Aira?

Hindi ko alam na kasama pala siya sa meeting. Pumasok na ako diretso at bumati sa ilang mga empleyado.

Nakita ko naman si Aira na nagpipirma sa isang paper at umupo sa tabi ni Dad. Close sila? I can't believe. Umupo nalang ako at sinimulan na ang meeting.

Tumayo si Dad at tinignan kaming lahat. "Goodmorning to all of you, before we get started, i want you to meet first our new emplyee in my company, meet Aira Janella Manabat."

Bigla naman nagsitinginan ang iba pati narin si Dada at si Aira. Nagulat naman ako sa kanila at tinaas ang dalawa kong kamay na parang sinasabi na 'susuko na ako'.

"Mr Marcos, diba girlfriend mo siya?" tanung naman ni Federick ang CEO ni Dad. "I-uhhmmm... No, s-she's not my girlfriend, i-i don't even know her" umiwas naman ako ng tingin.

Napansin ko naman si Aira na puno ng pagtataka. "Uhmm Sr Villanueva, nagkakamali po kayo, hindi ko po siya boyfriend. Meron po akong boyfriend si Gabriel Torres."

Napatingin naman ako sakanya at nakangiti. Si Gabriel? Ang dati kong bestfriend? Naging sila na? How and when?

"Oh, sorry about that Aira. Pagpasensyahan mo na kami dahil nagtataka lang kami" pinaupo na ni Dad si Aira.

Habang nagmemeeting ay nakatingin si Aira sa akin pero umiwas naman ako ng tingin. Napansin kong nakafocus nalang siya sa pagdiscuss ni Dad.

After a minute ay natapos nadin ang meeting. Tinawag naman ako ni Dad at si Aira. Magkatabi kami ngayon habang kaharap si Dad.

Aira's POV
Pina-stay ako ni Mr Gamboa at tinawag si Marcos ba yun? Magkatabi kami ngayon at kaharap si Mr Gamboa.

"Tinawag ko kayo dito dahil this december ay may party tayo. Celebration for our christmas day. Lahat dapat ng empleyado ay imbitado" akala ko naman kung anong sasabihin eh.

Pero gusto ko ang party na sinasabi ni Mr Gamboa. First time ko lang magpunta sa party kahit sa opisina lang.

Nagkatinginan naman kami ni Marcos pero bigla siyang umiwas. "Ok dad, uhmm we'll have to go, meron pa kaming pupuntahan".

Oo nga pala,may pupuntahan pala kami ni Sr Marcos para kausapin ang kliyente dun sa Bulacan.

"Ok, i just said it in advance para mapaghandaan niyo" tumango nalang si Marcos at nagpaalam naman ako kay Mr Gamboa.

Tahimik lang kami naglalakad ng sabay ni Mr Marcos. Ang gwapo naman niya. Alam ko nagkita na kami sa Mall. Formal na formal nga siya pagdating sa Opisina eh.
"Uhmm Mr Marcos" panimula ko. Tuloy parin siya sa paglalakad. "A-ano po ba ang s-sinasabi nila kanina tungkol s-sa a-atin?". Bigla siyang tumigil sa paglalakad.

Lumingon naman siya sa akin. "You know what, stop asking me that, it waste my time. We have something to do now" nakapoker face lang siya at lumakad ulit.

Ganito ba talaga siya? Sa mall naman hindi eh. Sabagay boss ko naman siya at assistant lang ako.
Kaya kailangan sundin ko nalang siya sa lahat ng utos niya.

Sumakay na kami sa kotse niya at umalis na. Tahimik lang kami sa loob at walang kumikibo. Napaka seryoso niya talaga kahit gwapo.

"Why are you looking at me?" nakatitig na pala ako sa kanya na hindi ko namamalayan. Umiwas naman ako ng tingin. "H-ha? H-hindi ah" feeling ko nagiinit ang mukha ko.

Narinig kong tumawa siya ng konti. "You're blushing, its really cute". Waaaahhh!! Nagbablush ako? Huhuhu baka magalit sa akin ang boyfriend ko neto.

Tumingin nalang ako sa window at pinagmasdan ang mga lugar. Parang familiar ako sa daan na ito. Hindi ko lang matandaan. Lagi ko naman hindi matandaan eh. Tss.

Napatigil naman kami sa isang lugar na talagang alam ko. Wala lang talaga akong maalala.

~~~~~~~~~☆☆☆☆☆☆☆~~~~~~~
Saan kaya ang pinuntahan nila? Ito na ba ang araw para maalala niya?

Abangan ^^ ....

The Lost MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon