Aira's POV
Nagsusulat na ako para sa mga appointments ni Sr Marcus para sa ibang araw. Habang sinusulat ko ang mga appointments ay biglang pumasok sa isip ko ang kanina sa park.Hindi ko alam kung anong meron kung bakit bigla nalang nagflash sa akin yun. Yung lalake, hindi ko siya makilala dahil sa liwanag.
Pero mukhang masaya siya noon na kasama niya ako. Biglang tumibok ang puso ko. Yung boses nung lalake parang si Sr Marcus.
Teka? Si sr? Umiling nalang ako dahil impossible siya yun. Fiancee siya ni Ate tsaka impossible na kilala ko na noon si Marcus. Nawala ang pinag-iisip ko nang pumasok si Sr Marcus.
Dire-diretso lang siya sa pagpunta ng kanyang desk at kinuha ang isang envelope na brown. Pinirmahan niya yun at nagbasa ng mini book. Its a novel.
Habang nagbabasa siya bigla siya tumingin sa akin at ako naman ay agad ibinalik ang tingin sa papel. Ibang klase talaga ang titig niya. Napansin ko naman na ibinalik na niya ang tingin sa libro.
Mag alas-otso na ng gabi hindi parin ako umuuwi. Baka hinihintay na ako ni Ate sa bahay. Itetext ko nalang siya na pauwi na ako.
To: Ate Diana
Ate, pauwi na ako. Na palate ako kasi madami akong ginagawa. :)Hinihintay ko ang text ni Ate nang lumapit si Sr Marcus sa akin. "You'll stay here muna, kailangan ko ng kasama. I'm not Afraid to be alone. I just need you kapag hindi ko na kaya"
Hindi ma sink-in sa utak ko ang sinasabi niya pero tumango nalang ako at saka itext si Ate para hindi siya mag-alala.
To: Ate Diana
Ate, hindi pa muna ako uuwi. Magstay pa daw muna ako sa opisina kasi kailangan pa ako ni Sir sa trabaho niya. :) goodnight na ate. (Send)Nakaupo lang ako sa sarili kong upuan at isinandal ang ulo ko sa ulunan ko. Makalipas ang ilang minuto, inaatake na ako ng antok kaya bigla ako napapikit na wala sa oras.
Marcus' POV
Pinastay ko lang si Aira dito dahil ayoko na kasama siya ng Ate at baka kung ano pang sabihin sakanya tungkol sa amin kahit hindi ko siya Fianceè.Napansin kong nakatulog na si Aira. Mag 9:00 na ng gabi. Napansin kong nakakunot-noo siya habang natutulog. Lumapit ako sakanya at dinala ang upuan na nasa gilid niya para tumabi ako sakanya.
Parang anghel siya kung matulog kaso nakakunot-noo ngalang siya at pinapawasan ang noo niya. Hinahaplos ko ang buhok niya habang natutulog siya.
Hindi ko mapigilan tignan ang kanyang magandang mukha. Ang cheeks niya ay tumaba ng kunti, manipis lang ng kaunti ang eyebugs niya, at yung manipis at malambot niyang labi ang namanghaan ko.
Kung naalala niyo na hinalikan ko siya nung nasa beach kami at hinalikan ko siya. Wala parin naman nagbago. Hahalikan ko na sana siya nang bigla siyang nagising at nagulat siya.
"S-sir Marcus?" utal niyang sabi. Nagsmirked lang ako sakanya at nakita ko ang pagkapula ng magkabila niyang pisngi.
Napatawa ako sakanya at lumayo ng kaunti. "Bakit ka tumatawa dyan? Wala naman nakakatawa"
Tumigil ako sa pagkakatawa "Why are you blushing?"Napahawak siya sa magkabilang pisngi niya kung talagang namumula siya. Tatawa na sana ako nang tumayo siya at dinabog ang kanyang kamay sa table niya.
Galit ata to o.o .. Nakayuko lang siya at nakayukom ang kanyang kamao na para bang handa siya manuntok na wala sa oras. Lumapit naman siya papunta sa akin. Inangat naman nya ang tingin sa akin at... naiiyak siya?
Bigla siyang yumakap sa akin ng mahigpit. Ramdam ko ang basa sa damit ko dahil sa luha niya. I hug her back. Hinaplos ko ang ulo niya at hinalikan iyon.
Kumuwala na siya sa yakap at tinignan niya ako ng diretso. "Impossibleng ikaw ang nakita ko sa mga mata ko" hindi ko maitindihan ang sinabi niya kaya napakunot-noo nalang ako sakanya.
"What do you mean?" Nayuko nalang siya at pinisil ang kamay niya. Napaupo nalang siya sa sahig at lumakas ang iyak niya. Napaluhod naman ako at hinawakan ang pisngi niya na may luha na agad kong pinunasan.
Aira's POV
hindi ko maitindihan ang sarili ko ngayon. Lagi nalang ako nakaramdam ng sakit sa tuwing nakikita ko si Marcus lagi nalang sumisikip ang dibdib ko.Hinahawakan niya ang pisngi namay luha pero agad naman niyang pinunasan iyon. "Hindi ko man maitindihan ang ibig mong sabihin pero alam kung nasasaktan ka ngayon sa mga nakikita mo"
Lalo naman akong napaluha sa sinabi niya. Hindi ko rin maitindihan pero sa lahat ng mga lumalabas sa memorya ko parang may ibig-sabihin ang lahat ng yun.
Napayakap nalang ako kay Marcus at nilabas ko ang lahat ng aking sama ng loob gamit lang ang pag-iyak ko. Naramdaman ko namang hinalikan ang ulo ko.
Matapos ang ilang oras ay napatigil naman ako sa pag-iyak dahil wala ng mailabas na luha pa. Nakaramdam ako ng antok kaya habang papikit na ako ay nakita ko si Marcus na nakatingin sa akin hanggang sa naramdaman kong nakatulog na ako.
Tumatakbo ako papunta sa isang lalake na nakatalikod. Naka suot siya ng leather Jacket at naka dark blue jeans. Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa pulsahan. Lumingon siya sa akin pero hindi ko makita ang mata niya sa liwanag.
Niyakap ko siya pero hindi niya ako niyakap pabalik. "I want to break up with you Aira" parang nadurog ang puso ko sa sinabi niya. Nagsisiunahan na ang pagtulo ng mga luha ko. Bakit niya ako iniwan?
"I want to break up with you because i have to go in the U.S" niyakap ko siya ng mahigpit ngunit inaalis niya ang kamay ko saka naglakad patalikod.
Bakit niya ako iniwan? Nagkulang ba ako sakanya? Sana sinama nalang niya ako. Ayoko na wala siya sa tabi ko. Mahal na mahal ko siya pero ngayong iniwan niya ako, hinding-hindi ko maalis ang galit at sakit sakanya.
Napabangon nalang ako bigla sa hinihigaan ko. Paano ako nakarating sa couch? Ang alam ko naka luhod ako sa sahig kanina. Nakita ko ang isang tasa ng kape at may damit na nakapatong at may sticky note pa ito.
Good Morning. Just drink your coffee and change your clothes. We will go somewhere :)
Saan naman kaya kami pupunta ni Sir Marcus?
~~~~~♡♡♡♡♡♡♡♡~~~~~~~~~
Hey Guys!! Masarap matulog ngayon (~_~) pero pinipilit kong mag-update para mabasa ang susunod na pangyayare ^^..Abangan ^^
BINABASA MO ANG
The Lost Memory
RomanceMinsan hindi na maalala ng taong mahal niya ang nakaraan sa kanila simula nang maaksidente pero kahit wala silang maalala na kahit ano ay nararamdaman nila ang sakit na hindi nila maitindihan. Naramdaman ang sakit dahil noon ay iniwan at nasaktan? r...