Hi to my friend GoldenMakne19 at si HiDdEnShRiNeMaIdEn ^^ ..Have a great reading guys!!Marcus POV
Napansin kong hindi siya nakasunod sa akin. Siguro isa siya sa mga iinterviewhin ko mamaya.Pagkapasok ko ay tamang-tama lang dahil kakasimula lang nila. "Good morning Son" bati sa akin ni Dad. Siya si Rudolfo Sanchez-Gamboa. Siya ang pangalawa sa pinakamayamang boss sa kompanya nya all over the Philippines.
Hinug ko si Dad. Hinarap naman niya ako sa mga iba pa niyang mga empleyado dito. "Everyone, i want you to meet my one and only Son, Marcus Angelo Louise Gamboa. Siya ang papalit sa akin at magpapatakbo ng kompanya ko." Tuwang-tuwa na sabi ni Dad.
Nagbow lang ako at ngumiti sa kanila. "Magandang umaga po sainyong lahat, i hope na magkakasundo din tayo" umupo na agad ako at sinimulan na ang meeting.
Aira's POV
Grabe ang tagal ah, parang hindi yata sila makakainterview sa mga nandito eh. Buti nalang may dala akong pagkain at tubig kung sakaling matagalan.Matapos ang ilang minuto ay lumabas yung babae na tatawagin ang pangalan. "Daniela Trinidad!" at tumayo na ang yung babae.
Halos madami nang natawag. Tatlo nalang kami ang nandito. "Ms Aira Janella Manabat!" habang sinasabi niya yun ay nagtataka siya. Bakit kaya?
Tumayo na ako at bago pa ako pumasok ay pinatigil muna niya ako. Tss. Problema neto.
Marcus' POV
Marami na akong nainterview na mga gustong mag-apply ng trabaho. May iba natanggap may iba hindi.Tinignan ko naman ang susunod na iinterviewhin ko. Nagulat ako sa nakita ko. Huminga ako ng malalim at saka ko siya pinatawag. Bago ko siya ipasok ay pinatigil ko muna.
Kinakabahan ako baka pag nakita niya ako, baka magalit lang siya. Matapos ang ilang minuto ay pinapasok ko na siya.
Nagkukunware akong binabasa ang mga information niya. Alam kong nakaupo na siya sa harapan ko. "Good Morning Sir" napakaganda ng boses niya, para bang anghel.
Tinignan ko naman siya na nakapoker face ang mukha ko. Yan, tama lang to para hindi halatang kinabahan ako.
Nakangiti lang siya sa akin na parang hindi niya ako kilala. Naalala ko ang sinabi ni Veronica sa akin.
"Naaksidente siya noon pero hindi ko alam kung nasaan na siya noon matapos ang insidente nayun" bago pa ako makalabas ay may dinagdag siya
"Baka wala na siyang maalala o kaya kinalimutan ka niya dahil isa ka sa masasakit na bagay sa nakaraan niya"
Alam kong masakit yung ginawa ko sakanyang pag-iwan. Sana mapatawad niya ako.Sinimulan ko na siyang interviewhin. "Aira Janella Manabat?" "Opo sir" nakangiti talaga siya. "Bakit nga ba gusto mo mag-apply dito?" Nakita kong huminga siya ng malalim.
"Kasi po gusto kong tulungan ang Ate Diana ko sa buhay para may ipambili kami ng mga kailangan namin lalo na't mahirap lang kami ngayon dahil kaming dalawa nalang ang natira sa bahay namin." Si Diana? Magkasama sila ngayon?
Hindi naman siya dati tumutuloy sa ate niya dahil magkaaway sila noon ah. "Ok" yun lang ang nasabi ko. Bago pa ako magsalita ay may nabasa ako sa info niya.
"I was in the accident 15 years ago..." so totoo pala yung sinabi ni Veronica sa akin. "Uhmm Aira, sabi mo dito sa Info na naaksidente ka in 15 years ago".
"Opo Sir, naCar accident po ako noon. Kwinento po sa akin ng ate ko. Hindi po sinabi ng ate ko kung bakit pero ang sabi niya may dahilan daw akong ginawa na hindi ko na matandaan."
So ibig-sabihin may Amnesia nga siya. Naiyukom ko ang kamao ko na pinatong ko sa hita ko. So si Diana pala ang nagtago ng mga nakaraan niya.
"Ok, so i will hire you as my Assistant, your salary will 5,000 pesos kung magagawa mo lahat ng pinagagawa ko" nakita ko ang pagkagulat niya at biglang ngumiti.
Tumayo siya "Thank you so much Sir Gamboa, thank you po talaga" nagshake hands kaming dalawa. Malambot ang kamay niya. Katulad parin noon.
"No problem Aira" nginitian ko naman siya saka siya lumabas.
Napaupo naman ako. Kaya ko siya ginawang assistant ko para makasama at makausap ko siya ng ilang araw.Sisimulan ko na ang ipaalala ang lahat ng nakaraan mo Aira Manabat.
~~~~~~~~☆☆☆☆☆☆☆☆~~~~~~
Waaah! Hindi siya narecognize ni Aira dahil hanggang ngayon ay suot parin ang shades niya. Sorry guys kung hindi nabanggit.
Ang importante ay makakasama na niya ulit si Aira at kaya na niyang ipaalala kay Aira ang lahat ng nakaraan niya.Abangan ^^ ....
BINABASA MO ANG
The Lost Memory
RomanceMinsan hindi na maalala ng taong mahal niya ang nakaraan sa kanila simula nang maaksidente pero kahit wala silang maalala na kahit ano ay nararamdaman nila ang sakit na hindi nila maitindihan. Naramdaman ang sakit dahil noon ay iniwan at nasaktan? r...