Aira's POV
Yes! Natanggap din ako sa trabaho. Makakapag ipon nadin kami ni Ate. Excited na akong sabihin kay ate na natanggap ako.Pumasok na ako sa loob ng makita ko sila Ate at.... Gabriel? Nanaguusap? Ano naman ang paguusapan nila?
Lumakad ako ng dahan dahan para hindi nila ako masita. Nang makalapit ako ay narinig ko ang usapan nila. "Hindi puwede makalapit si Aira sa lalakeng yun"sabi ni ate. "Hayaan muna natin siya na lumapit kay Marcos". parang nahinto ang pag ikot ng isipan ko nang marinig yung pangalang 'Marcos'.
Ano kinalaman ng Marcos nayun? At sinu ba yun? Habang nakikinig ako sa usapan, bigla silang napatingin silang dalawa sa akin. Putek nakita ako. Tss. -_-
"Kanina ka pa pala dyan?" sabi ni ate na may konting pag- tataka. Nakatingin din sa akin si Gabriel na nakapoker face.
"Oo ate, actually may gusto akong sabihin sayo eh kaso naisturbo ata ako sainyo, sige akyat na ako sa taas." tumalikod na ako at umakyat sa taas.
Nagtago lang ako sa may pader at pinapakinggan ang usapan nila.
"Muntikan nang malaman ni Aira kanina" -Gabriel
"Oo nga pero hindi parin akong papayag na ganun lang yun"-Ate
"Si Marcos.. Marcos Gamboa ay mayaman, siya ang may-ari ng Gamboa Company. Kaya niyang maghanap ng tauhan para ipatay ang mga gustong manira o manakit sa kanila."-Gabriel
Marcos? Gamboa? Siya pala ang may ari ng kompanya? Anong kinalaman ko dun kung ayaw nila ako ipalapit sa kanya? Kilala ko ba yun? Ang dami kong tanung pero wala akong makuha na sagot.
"Bakit ang laki kasi ng galit mo dun?"-Gabriel
"Kasi siya ang....." hindi naituloy ang sasabihin ni ate ng magring ang cellphone niya.
Umalis na ako sa kinatatayuan ko at pumasok sa kwarto. Meron ba akong dapat malaman? Sa lahat na ito? Siguro iniisip nila na hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ko ang lahat.
Inalog ko ang ulo ko para hindi ko na isipin yun. Nagbihis na ako at tumulala sa kesami ng kwarto.
Marcos' POV
Humiga muna ako sa couch dahil sa sobrang stress kanina sa pagiinterview ng mga gusto mag-apply.Biglang napunta ang isip ko kanina sa isa kong nainterview. Si Aira. Siya ba talaga ang nakausap ko kanina o nanaginip lang ako?
Ibang-iba ang naramdaman ko. Parang si Aira na dati pero nagbago siya ngayon. Baka magkapareho lang ng pangalan at apelyido. Marami na kasing ganun eh.
Iidlip na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Dad na may dalang white folder na long.
"Son, we have to talk, i know ypur stress but i need to talk to you" ano nanaman kaya pag-usapan namin?
"What's that all about?" Pumosisyon ako ng upo para makinig sa kanya at mukhang importante.
"I heard her name at nag-aapply siya ng trabaho dito sa opisina natin, bakit mo siya ginawang empleyado eh sainyong dalawa na ito ang kompanya" naguguluhan ako sa sinasabi ni Dad.
"What? Anong pinagsasabi mo dad?" halos nagkunot noo ako sa sinasabi niya. " Bigla niyang inabot sa akin ang white long na folder at saka ko binuksan.
"Si Aira? Ano meron sakanya?" huminga ng malalim si Dad. "Diba girlfriend mo siya? And you said before na ipapakasalan mo siya." Bigla nagsink-in sa akin yung sinabi ni Dad.
Naalala ko yung sinabi ko kay Aira noon na ipakakasalan ko siya pero hindi iyon nangyare.
Flashback
Nagpunta kami sa Luneta park para mamasyal at magpicnic hanggang umabot ng gabi.Masaya kaming nagpunta duon at kung ano-anong laro ang ginawa namin. Maya-maya ay napagod nadin kami sa kakalaro at pagpasyal.
Naupo kami sa isang tela na nilapag sa damuhan at pinapanood ang mga bituin sa taas na nagniningning.
"Alam mo Marcos, sobrang saya ko kasi nakilala kita. Ang tagal na din ng relasyon natin. Ngayon, lalong gumaganda ang relasyon natin. Sana nga ikaw na tagala ang pakakasalan ko at makasama ko habang buhay" ngumiti siya sa akin.
Hinalikan ko ang noo niya at isinandal sa balikat ko na nakapalupot ang kamay ko sa braso niya.
"Ako din Aira, sobrang saya ko dahil kahit anong away at tampuhan natin hindi mo parin ako iniwan kahit na ayaw sa akin ng tatay mo ang maging tayo. Sana mas lalo pa tayong tumagal at gusto narin kita ipakasal. I Love You" ngumiti ako sakanya at hinalikan sa labi.
"I Love you Too Marcos always and Forever".
Matapos ang dalawang linggo ay niyaya ko siyang magpakasal at umoo naman siya sa akin. Pinakita ko yun sa harap ng mga magulang namin at nagkasundo noon kaya hindi kami nahihirapan na pagsunduin sila.
End of Flashback"I... I remember that pero..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang pumasok ang assistant ni Dad.
"Mr Rudolfo, pinapatawag po kayo ni Mam Flora. Nasa office room niyo po siya" binalik naman ang tingin sa akin ni dad.
"We will continue our conversation about this tomorrow" tumango nalang ako bilang sagot ko.Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. Sumasakit ang ulo ko ngayon at humiga nalang ako sa couch saka natulog nalang.
I will find you Aira, I will find you.
~~~~~~~☆☆☆☆☆☆☆☆~~~~~~~
Mahahanap paba kaya ni Marcos si Aira? Paano kung siAira nga ang nainterviewhan niya?Abangan ^^
BINABASA MO ANG
The Lost Memory
RomanceMinsan hindi na maalala ng taong mahal niya ang nakaraan sa kanila simula nang maaksidente pero kahit wala silang maalala na kahit ano ay nararamdaman nila ang sakit na hindi nila maitindihan. Naramdaman ang sakit dahil noon ay iniwan at nasaktan? r...