•Chapter 1•
Xyra's Point of View
Nakatitig lang ako sa orasan dito sa classroom. Ilang minuto na lang at recess na. Hindi ko man gusto na matapos ang favorite subject ko, gusto ko naman pumunta ng field para makita siya. Sigurado ako na nandoon siya. Gusto ko na siya ulit makita! Excited na ko.
"3....2...1" pabulong na bilang ko at sakto pagtapos ay nagring ang bell. RECESS NA! Agad na nagpaalam ang teacher namin at lumabas na ng room. Nakaupo lang ako sa upuan ko at hinihintay lumabas ang mga kaklase ko para pumunta ng canteen.
"Xyra tara na! Special wednesday ngayon! May cake ulit sa cafeteria!" Excited na yaya sa'kin ng kaibigan kong si Muriel.
"Mauna ka na. Susunod na lang ako. Tatawagan ko muna si Kuya." Ngumuso at nagkibit balikat lang si Muriel at umalis na. Nakahinga ako ng maluwag. Nang wala na ang mga kaklase ko dito sa room ay kinuha ko ang bag ko at ipinatong iyon sa desk ko.
Kinuha ko ang brush ko ng buhok, powder, at lip tint. Mabilis kong inayos ang sarili ko at bago ako lumabas ng room ay nag spray din ako ng cologne. Inayos ko ang necktie ng uniform ko at lumabas na ng room. Madaming tumitingin sa'kin habang naglalakad ako sa hallway. Hindi naman sa pagyayabang, maganda kasi ako. Simula freshmen year hanggang ngayon na Senior na ko ay ako ang laging nananalo bilang student of the year. Binansagan na nga akong beauty and brains dahil lagi din akong top 1 sa studend grading.
Palapit na ako ng palapit sa field tsaka bumilis ang tibok ng puso ko. Napalunok ako. Nakita ko kaagad ang mga babaeng nakapila sa sign ups ng Cheering Squad. Sa gilid noon ay ang mga football players na nagiistretching. Nilibot ng mga mata ko isa isa ang mga football players. Hinahanap ko kasi siya. Wala siya doon. Lumapit ako ng tuluyan sa field at hinanap siya pero wala talaga siya. Hindi siguro pumasok? Napabuntong hininga na lang ako. Napayuko na lang ako habang paalis sa field nang biglang..
"ILAG!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko. Napatingin ako doon sa may sumigaw pero bago ko pa mahanap ang sumigaw ay may tumulak na sa'kin. Napadausdos ako sa sahig.
"Araaaayyy." Gusto kong umiyak! Ang sakit ng tuhod at palad ko. Ano bang nangyari?
"Miss are you alright? You almost got hit by-" tumingala ako sa kaniya at natahimik siya. Titig na titig ako sa kaniya at ganoon din siya sa'kin. Kulay blue ang mga mata niya na para bang kakulay ng langit pagtanghali.
"Um.. Miss you're bleeding. Come let me take you to the clinic." Napakagat ako sa lower lip ko at tumango. Siya nga. Si Lucas Demitri nasa harapan ko ngayon. Walang ni isang salita na lumabas sa labi ko.
Tinulungan niya akong makatayo. Lumuhod siya sa harapan ko para pagpagin ang palda ko at tuhod ko gamit ang panyo niya. Para akog estatwa na nakatayo lang at pinapanuod siya. Hindi ako makahinga! I need air! I need air! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Totoo ba to?
"OH MY GOD, Xyra! Anong nangyari sayo!?" Nabitawan ni Muriel ang hawak niyang sandwich at juice at mabilis na tumakbo sa direksyon ko. Bago pa ako makapagsalita ay may sumigaw pa ulit.
"VENTURA! Ano pa bang tinatayo tayo mo jan! hindi ka na mag tetraining!?" Sigaw ng isang coach sa field. Coach yata nila iyon sa football. Napatingin ako kay Lucas at halos mahulog ang puso ko nang makita kong nakatingin lang siya sa'kin.
"Here. Next time don't walk with your head down. Miss paki dala siya sa clinic." Inabot niya sa'kin ang panyo niya at ibinilin ako kay Muriel tsaka tumakbo na papuntang field. Speechless pa rin ako.
"Si Lucas Ventura yon ah? Eh teka nga anong nangyari sayo? Xyra? XYRA?!" Napatingin ako kay Muriel at doon lang bumalik ang katinuan ko. Nakahinga ako ng maluwag. Parang nakalimutan ko yata kanina na may sugat ako noong nandito pa si Lucas.
"Nahulog ako, Muriel!" Sagot ko sa kaibigan ko na naka kunot ang noo.
"Anong nahulog? Saan?" Tanong niya pa at tinignan ang mga sugat sa tuhod at palad ko.
"Kay Lucas Demitri Ventura!" Halos yakapin ko na ang panyo niya na may nakaburdang initials na L.D.V na kulay itim.
"Si Lucas? Sigurado ka? Eh napaka snob niyan? Tsaka balita ko palihim na babaero daw yan." Hindi makapaniwala na sabi ni Muriel sa'kin.
"Wala naman akong nakikita na kasama niyang babae eh." Tinitignan ko ngayon si Lucas sa malayo na kausap ang coach niya.
"Hay nako! Tara na nga at nang magamot na yan mga sugat mo. Tara sa clinic!" Hinila ako ni Muriel papuntang clinic nakatingin pa rin ako kay Lucas.
"Tumingin ka tumingin ka... Tumingin ka please?" Bulong ko sa sarili ko habang unti unting palayo sa field pero nakatingin pa rin ako kay Lucas. Maya maya pa ay...
"AAAHHH!!! Muriel!! Tumingin siya tumingin siyaa!" Niyugyog yugyog ko si Muriel pagkapasok namin sa elevator.
Tumingin si Lucas sa'kin. Ngumiti pa siya ng konti. Hindi siya madalas ngumiti! Alam ko yon hindi talaga siya ngumingiti lagi lang siyang poker face. Pero ngumiti siya sa'kin! Tinignan niya ko! Crush ko talaga siya! Wala akong pakielam kung Snob siya o kahit sabihin ng iba na palihin na babaero siya. Wala naman kasiguraduhan iyon eh? Wala naman patunay. Basta gusto ko siya. Gusto ko si Lucas Demitri.
![](https://img.wattpad.com/cover/38718684-288-k275480.jpg)
BINABASA MO ANG
Everything You Want. [On Going]
ChickLitI always get what i want. Gamit, Pera, Kaibigan etc. You name it i have it. Lahat nakukuha ko. Lahat naibibigay sa'kin. Pero bakit ang pagibig ko sa kaniya hindi niya masuklian. Hindi niya maibalik sa'kin ang pagmamahal na binibigay ko sa kaniya. I...