-CHAPTER 15-
"Anak? Napasa mo na ba iyong mga requirements mo?" Tanong ni Mommy sa'kin. Pinapanuod ko siya ngayon magluto. Sumasayaw sayaw pa siya habang may mahinang music na nanggagaling sa phone ko. Nakaugalian na daw niya yon. Naalala ko noon mga 10 years old pa lang ako sumasabay pa ako sa pag sayaw niya pagnagluluto ng breakfast. Tuwang tuwa naman si Daddy pag nahuhuli niya kaming ganon.
Ngumuso ako at pinanood si Mommy na nagiipit ng buhok niya. She's really pretty. Wala sa itsura niya ang edad niya. Ang swerte ni Daddy sa kaniya. I always adore their love for each other. Sila ang nagpatunay ng forever. Para silang teenagers minsan ni Daddy may pa bati bati pa ng monthsary. I love that kind of relationship. Ang sarap masubaybayan ang walang hanggang pagmamahalan nila. Kaya ako naniniwala ako na ganon din ang pagibig na mararanasan ko sa buhay ko. I believe in forever dahil iyon ang sabi ni Mommy sa'kin. Walang pasok ngayon kaya nandito lang ako sa bahay. Wala din naman akong planong umalis ngayon.
"Yes Mommy. Everything is done. Naghihintay na lang ako ng graduation." Sagot ko sa kaniya. Ngumiti siya sa'kin at tumabi sa inuupuan ko.
"You know we're really proud of you. Akalain mo iyon? Valedictorian ka. I'm not surprised though. Noong gumraduate ang Kuya Yckos mo Valedictorian din siya. I'm sure pagkagraduate ni Ares next year Valedictorian din. Sobrang tataas ng grades niya. Kulang nga lang siya sa participation." Niyakap ko si Mommy at ganun din siya sa'kin. I love my Mom and Dad. Feeling ko nga ako yung bunso kasi ako itong iniispoiled nila. Tulad ngayon, gusto ko ng adobo ni mommy for breakfast pumayag naman siya agad.
"Anak, may boyfriend ka na ba?" Biglang tanong ni Mommy. Bumilis ang tibok ng puso ko at nag flash kaagad ang mukha ni Lucas sa utak ko.
"Wa-wala mommy! Si Kuya Yckos lang ang lumalove life sa'min noh! Mommy naman eh." Sagot ko sa kaniya at tumawa siya. To be honest, hindi ko alam bakit hindi ko sinasabi sa kahit sino sa pamilya ko na mayroong Lucas Demitri Ventura sa buhay ko. Siguro dahil na din sa magkalaban ang Ventura at Sy? At natatakot akong ilayo nila ako sa kaniya sa di ko alam na dahilan? I just sighed.
"I noticed kasi anak na napaka masiyahin mo pero iba iyong saya mo nitong mga nakaraang buwan. Inspired ka at mas lalo ka pang nagpapaganda." Kinurot ni Mommy ang pisngi ko. Tumawa ako. Niyakap ko na lang ulit si Mommy.
"Wala akong boyfriend mommy. Nagdadalaga na kasi talaga ako. Kung meron man ipapakilala ko siya sa inyo sa tamang panahon." Kiniss ko si mommy sa pisngi at maya maya pa ay sumulpot na si Daddy at nakiyakap din sa'min.
"Good morning to the two beautiful ladies of my life." Aniya at hinalikan ni Daddy si Mommy. Ang sweet sweet talaga nila. Relationship goals.
"Goodmorning dad." Humalik ako sa pisngi ni Dad at nagsiupuan na kami sa hapagkainan. Inihanda na ng mga maid namin ang niluto ni mommy.
"How's my valedictorian number 2?" Tanong ni Daddy. Tumawa ako at umiling iling na lang. Nagsimula na kaming kumain pero natigil ako nang mapansin kong wala ang dalawang kapatid ko.
"Dad nasan sila Ares at Kuya Yckos?" Napatingin kaming dalawa ni Mommy kay Daddy. Mukhang kahit si mommy ay di alam bakit wala sila. Ilang araw na silang hindi sumasabay samin kumain sa umaga ganon din sa dinner.
"Nickolas, hindi kaya masyado nang nahihirapan ang dalawa sa paghahandle ng business natin? Nagaaral pa sila. Hindi ba pwede na pagtapos na lang nila magaral?" Mahinahon na tanong ni Mommy. Hinahawakan ni Daddy ang kamay niya ang ngumiti.
"Megan honey, They are the ones who asked me na ngayon na ilipat sa kanila ang pamamahala ng kumpanya. I know Yckos and Ares can handle it. Ngayon pa nga lang mas tumataas na ang stats ng kumpanya dahil kay Yckos. He's not even the CEO yet at practice pa lang yan. Si Ares naman tamang tama sa kaniya ang Sy Auto, mahilig siya sa sasakyan at motor. Malay natin someday makapag labas siya ng sarili niyang car model." Proud na proud si Dad sa mga kapatid ko. Wala naman silang ibang ginawa kundi lumago ng lumago na siyang kinatutuwa ko. Kahit ako ay proud sa kanila. At a very young age napapatakbo na nila ang kumpanya.
"After graduation si Xyra naman ang uupo bilang COO. I trust our kids Megan, i know they can do well with their work, ito rin ang kagustuhan nila." Dagdag ni Dad. Ngumiti ako at ganun din si Mommy. I'm very excited to be the COO. Gusto ko rin na maging proud sila sa'kin.
Pagtapos kumain ay parang nagiba ang timpla ng mukha ni Mommy. Sumakit ang ulo niya at bumilis ang kanyang pag hinga. Umakyat na lang sila ni Daddy sa kwarto nila. Wala naman sinasabi si Daddy sa'kin. Siguro daw ay dahil iyon sa maagang pag gising ni Mommy kaya kailangan niya ulit matulog. Hindi ko na lang pinansin. Umakyat na din ako sa kwarto ko at tinignan ko ang phone ko. Walang ni Call or text si Lucas ngayon ah. Usually pag ganitong oras tumatawag na siya para mag goodmorning.
Kesa mag hintay, Naligo na lang ako at nagbihis ng simple wine red Channel dress ko at black stilletos. I put a little make yup and let my straigh hair flow to my back. Pupunta ako kay kuya. Then maybe visit my little brother. Tumawag ako ng isa sa mga driver namin at dumating naman kaagad. Pinagbuksan ako ng pinto sa sasakyan ng driver namin at nagpasalamat naman ako. Habang nasa byahe ay wala pa rin paramdam si Lucas. Siguro ay busy din. CEO life ugh. Habang nakatingin ako sa bintana ay biglang nag ring ang phone ko. Then i saw that i recieved a text from my friends and Ryan.
RYAN:
Goodmorning Princess, i think i saw the usuall Sy family car on the road. Pupunta ka din sa main building?Nagreply ako kaagad kay Ryan. I think he's somewhere near.
Me:
Yes :) i'm on my way there. Boring sa bahay eh. Meet you there?Hindi na ko nakatanggap ng text mula kay Ryan pagdating ko ng main building kaya hinintay ko na lang siya sa labas. And i'm right. Nag park si Ryan sa tabi ng kotse namin at dala niya ngayon ang Ducati niya. Tinanggal niya ang helmet at hinalikan ako sa pisngi. Bago pa niya ako niyaya na akong pumasok sa building ay nakapansin ako ng isang itim sa sasakyan na nagbaba ng salamin and there i saw Samantha with a smug smirk on her face tsaka pinaharurot ang kotse niya paalis. Bigla ay kinabahan ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/38718684-288-k275480.jpg)
BINABASA MO ANG
Everything You Want. [On Going]
ChickLitI always get what i want. Gamit, Pera, Kaibigan etc. You name it i have it. Lahat nakukuha ko. Lahat naibibigay sa'kin. Pero bakit ang pagibig ko sa kaniya hindi niya masuklian. Hindi niya maibalik sa'kin ang pagmamahal na binibigay ko sa kaniya. I...