Chapter 14

4K 99 1
                                    

-CHAPTER 14-






It's been... I don't know..almost 3 months? Since Xyra came with me to my place. Hindi na naulit yon huli. Nagkikita at naguusap naman kami dito sa school pero kapag niyayaya ko siya sa condo ko ay ayaw na niya. Minsan tinanong ko siya kung bakit at isa lang ang sagot niya. Wala lang daw. Kasalukuyan hinihintay ko siya ngayon matapos sa graduation practice nila. Tapos na din naman ang klase ko. Ilang linggo na lang at graduation na. I was just watching her doing her speech as a valedictorian. Her friends and family are so proud of her. Of course i am happy for her.





"Hinihintay mo si Sam?" Lumitaw si Ryan sa tabi ko na umiinom ng orange juice. Inabot niya pa sa'kin ang isa pang juice. Kinuha ko iyon at uminom.







"No i'm waiting for Xyra." Nabilaukan si Ryan. I don't know why i became friends with him. Gago pa naman ang isang to.





"Abaa.. Ikaw ha. Mahal mo talaga si Xyra noh? Tagal niyo na. 3 months?" Daldal niya pa. Tumango na lang ako at ininom ang juice. Nagpalakpakan ang mga estudyante nang matapos mag practice ng speech si Xyra. She gave me a wide smile and a thumbs up. I just smiled at her.





"You know Xyra loves you so much. Dati crush ko yan ehh. Pero nang malaman ni Ares sinuntok niya ko kaya nawala na yung pagka crush ko." Kwento ni Ryan. Tinignan ko siya ng masama.




"Oy oy easy lang. Pero ang gusto ko lang naman sabihin, mahal ka talaga ni Xyra. Pag pinakita na niya yung makulit niyang side sayo ibig sabihin importante ka sa kaniya. Ganyan naman ang magkakapatid na Sy." Dagdag pa ni Ryan. Hindi na lang ako kumibo. I still feel guilty about what happened. Pero i'll do anything for our company. My family comes first.





Maya maya pa ay nakikita ko na si Xyra na kasama sila Talia at Muriel papalapit sa'kin. Tumayo ako at tumakbo naman si Xyra sa'kin at niyakap ako. Inasar pa kami ng tatlo. Nagtawanan na lang kami. Sa malayo ay nakikita ko si Sam na nakatingin sa'kin ng masama. Nawala ang ngiti ko.






"Hoy Demitri! Libre mo kami." Sigaw ni Xyra sa'kin na siyang dahilan bakit napatawa ulit ako. Niyakap ko siya ulit ng mahigpit. Tapos nawala na si Samantha sa kung saan.





"Hoy Lalaine lagi ka na lang palibre! Pero tara na nga. I'm hungry too. Sunod na lang kayo sa'min i know a good place to eat." Sabi ko kila Ryan, Talia at Muriel. Two seater lang ang bago kong kotse kaya hindi ko sila pwede isabay.






"O'sige. Kay Ryan kami sasakay." Sabi ni Muriel at binigay niya kay Xyra ang  toga nito.





"Uy! Iba yun ah." Kumindat pa si Ryan kay Muriel at bunatukan niya naman ito. Nagtawanan ulit kami. I actually never enjoyed the highschool life like them. Sa Amsterdam ako nag highschool at doon si Janella lang ang kaibigan nang lahat. Me on the other hand is just a snob jock.





Kinuha ko ang bag ni Xyra at tinulungan siya sa bitbit niyang toga at folder. Pumunta kami sa kotse ko at pinagbuksan ko siya ng pinto. Nilagay ko na din sa space sa likod ang gamit niya tsaka sumakay. Pagkasakay ko ay nag play ang music na favorite ni Xyra patugtugin.





"I got these feelings for you
And I can't help myself no more
Can't fight these feelings for you
No, I can't help myself no more"





Napangiti ako dahil sumasayaw sayaw pa siya habang kumakanta. She's really jolly and active. Masiyahing tao na para bang walang problema sa buhay. Ilang linggo ko din inisip noon bakit siya matalmay pagtapos nang nangyari samin. Siguro ay napilitan lang talaga siya non kaya siya matamlay noong may nangyari samin. But i'm glad she's happy now.





"We're here." Sabi ko at pinark ang kotse sa parking lot ng isang korean BBQ restaurant. Sabay kaming lumabas ni Xyra at saktong nag park sa tabi ng kotse ko si Ryan. Inakbayan ko si Xyra at hinintay sila Ryan makababa.






"Ayy! Gusto ko dito!" Hiyaw ni Talia. Ganon din si Muriel. Natawa naman si Xyra sa kanila. Pumasok na kami at kumain sa loob. Habang kumakain kami ay napatingin si Xyra sa pinto ng restaurant nang may igreet ulit ang waitress. And there i saw Yckos Riu Sy with his girlfriend Primrose Yvette Evidente.





"Primrose! kuya!" Kumaway si Xyra sa kanila at lumapit naman sila sa'min.





"Kuya dito din kayo kakain?" Tanong niya sa kapatid niya na nakahawak ang kamay sa girlfriend niya. Pinanuod ko lang sila. Naka suit si Yckos samantalang ang girlfriend niya ay naka uniform pa din. Mukang galing sila sa office.





"Hindi, mag pipick up lang kami ng inorder ni Rose tapos aalis na din kami. May biglaang meeting kasi." Sagot niya kay Xyra. Ngumuso at tumango naman si Xyra. Niyakap niya ang girlfriend ng kuya niya at sinundan sila sa cashier.






"Lagi na talagang busy si Yckos. Alam ko malaki daw ang project na ginagawa nila ngayon sa Sy group. Ilang araw na nga siyang umaabsent dahil don." Bulong ni Talia samin. Napatingin ako sa kaniya.





"Ano kayang project yon? Naririnig ko na din sa balita ang secret project na yan ng Sy group. Mukang may pasabog nanaman sila ngayong taon. Last year inannounce na may 300 hotels and resorts na sila sa buong Asia pa lang." Si Muriel naman ang nagsalita. Last year natalo kami ng Sy group. Halos lahat ng area na tatayuan namin ng Ventura hotels ay nakuha nila. 140 hotels lang ang naitayo last year sa buong Asia samantalang ang Sy group ay 300. We're not even half. Napahigpit ako ng hawak sa chop sticks ko.





"Dalawa lang naman ang pasabog ng Sy group.." Mahinang sabi ni Ryan habang ngumunguya ng brisket. Napatingin kami lahat sa kaniya.







"Ang isa don ay ang pagiging COO ni Xyra, pagiging CEO president ni Yckos, at pagpapasa ng Auto company ng Sy kay Ares. Isa pa lang yon. Ihahandle na ng magkakapatid ang Sy group which some of the companies see it as a threat. " seryosong napatingin sa'kin si Ryan. Kumunot ang noo ko. Maliban kay Xyra wala nang nakakaalam na ako ang CEO ng Ventura Empire pero itong si Ryan parang may alam. Naputol ang pagtititigan namin ni Ryan nang bumalik na si Xyra sa table namin at umalis na ang kapatid niya. Naiba na ulit ang ekspresyon ni Ryan sa parang walang alam sa mundo. I think he knows something..

Everything You Want. [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon