Chapter 21

4.2K 98 9
                                    

-CHAPTER 21-







Lahat ng tao nakatingin samin ni Lucas as we hold hands and walk through the red carpet. Lahat ng estudyante saamin dalawa ang tingin. Hindi ako sanay na ganito pero masaya ako na mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Pakiramdam ko proud pa siya na ako ang kasama niya. We smile widely as the photographer of the Graduation Ball asked us to pose for a picture. Lucas's hand trailed on my waist and pulled me closer. Bumilis ulit ang tibok ng puso ko. Matapos non ay pumunta na kami sa table kung saan nandoon ang pangalan ko. Nandoon din sina Muriel at Talia kasama ang mga date nila.







"I'm not surprised na si Lucas ang kasama mo ngayon." Sabi ni Muriel. Pero may kung ano sa boses niya. Umiling iling na lang si Lucas. Nagkibit balikat si Muriel at nagfocus na lang sa program. I wonder what's up with them . Simula noong gabing naglasing ako ganito na si Muriel kay Lucas.






"Goodevening graduates! Congratulations to everyone. I am glad to see you all here hopefully this isn't the last time..." Masiglang nagsalita ang emcee. Si Lucas naman ay tahimik na nakatuon doon at nakahawak muli sa kamay ko. Napakalambing niya at lahat ng iniisip kong gawin niya ginagawa niya na agad bago ko pa sabihin. Kaya pano ko naman siya paghihigpitan kung ganito.






"We are going to announce the King and Queen of the night before the last performance tonight so fill up your voting sheets on your table please..." Anunsyo pa ng emcee. Nakita ko ang mga pangalan namin lahat doon at nakuha ng pansin ko ang isang pangalan doon. Samantha Calliero.






Nakita kong bumoboto ang mga kaibigan ko pati na rin si Lucas. Ako naman ay binoto na lang si Muriel at ang date niya. Matapos non ay nilibot ko ang mga mata ko sa buong hall. Wala dito si Samantha. Where is she... Something really is off.. May hindi ako magandang kutob. Siya ang nagpapunta samin dito kanina tapos siya itong wala? That's weird.






"Now we start the dance! Here is our guest singer for tonight, Kelvin Erald James." Matapos ng emcee ay tumugtog na ang slow music at konting palakpakan dahil sa artistang singer na kumakanta sa harapan.






"Ay gusto ko tong kantang to! Ang smooth and sweet. Tara tara sayaw tayo." Aya ni Talia. Hinila na siya ang date niya sa dance floor ganon din ang ginawa ni Muriel. Naiwan kami ni Lucas sa table na nanonood sa smooth na pagkanta ng singer sa stage.






You're in my arms, and all the world is calm.
The music playing on for only two.
So close, together.
And when I'm with you
So close, to feeling alive.






"Talia is right. Thing song is smooth and sweet..." Mahinahong sabi ni Lucas at tumingin sa'kin. Maya maya ay tumayo siya at naglahad ng kamay.






"Can i have this dance?" He smiled. Napangiti rin ako. How can i resist? Tinanggap ko ang kamay niya at nagpunta na din kami sa dance floor. Tumutok pa ang spot light sa'min dalawa. All i could do is smile.






Nakapatong ang kamay ko sa balikat niya at nakahawak naman sa kamay niya ang isa ko pang kamay. Siya naman ay nilagay ang kamay sa baywang ko. Para kaming iyong nasa fairytale at grand ball na doon mag mimeet ang prinsipe at prinsesa. I'm looking straight into his dark blue eyes as the lights reflects to it. I lost my words wala akong masabi. He really makes my heart go crazy.





A life goes by,
Romantic dreams must die.
So I bid my goodbye
And never knew.
So close, was waiting,
Waiting here with you.
And now, forever, I know
All that I wanted
to hold you so close.





Niyakap niya ako habang mabagal kaming sumasabay sa tugtog at kanta na naririnig namin. Sana hindi na matapos to. "I love you..." I whispered. Huminga siya ng malalim at hinaplos ang mukha ko. "I love you too." Sagot niya na sobrang nagpasaya sa'kin. Lahat ng worries sa dibdib ko nawala. I gave him a genuine smile and he slowly lowered his head and i closed my eyes. Not a moment late i felt his warm lips on mine. I kissed him back slowly and gently. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ang sarap sa pakiramdam.





We're so close to reaching
that famous happy end,
And almost believing,
this one's not pretend.
Let's go on dreaming
for we know we are...
so close, so close
and still so far...






After out sweet warm kiss he gave me the most genuine smile. Sa tagal namin dalawa ay ngayon ko lang nakita ang ngiti niyang iyon. Parang... Parang... In love talaga siya sa'kin. Yung ngiting umiibig? Nang matapos ang kanta ay bumalik na kami sa upuan namin. Hindi mapaghiwalay ang mga kamay namin. Naging masaya ang graduation ball. Ilang kanta pa ang kinanta ni Kevin Erald James. Iyong iba pa nga nagpapicture pa. He's a handsome man. Sikat talaga siya sa showbiz industry.






Nagtatawanan at nagkukwentuhan kaming lahat nang biglang mag ring ang phone ni Lucas. He excused himself at lumabas siya ng hall para sagutin ang tawag. Hinayaan ko na lang. Sigurado akong importante iyon kaya hindi niya mapalipas. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa mga kaibigan ko. Pero ayan nanaman si Muriel. Sa bawat salita niya parang may gusto siyang ipahiwatig na hindi ko magets.






"Nako! Mahirap yang mga phone calls na ganyan ehh. Iyong tatawagan mo tapos may maririnig kang ibang babae sa background. Shit lang!" Sabi niya at ininom ang wine niya sabay iling iling. Napalunok ako. Iba talaga kutob ko sa pag gaganito ni Muriel.






"Excuse me lang. Rest room lang ako." Paalam ko kay Muriel at Talia pati na din sa mgadate nila. Tumayo ako para lumabas hindi para mag restroom. I suddenly felt the urge of looking for Lucas.





Lumabas ako sa hall at nagpunta sa parking lot. Wala siya doon kaya nagpunta ako sa gym na katabi lang ng parking lot. Wala din siya doon. Where could he be? Nagaalala na ako pero hindi ko alam bakit. Naglakad lang ako ng nag lakad nang makita ko siyang tumatakbo papunta sa kung saan. Kumunot ang noo ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Sinundan ko ang direksyon niya at natunton ko ang fire exit.





"Luca-" bigla kong tinakpan ang bibig ko at nagtago nang makita kong hindi siya nagiisa. Nandoon si.. Nandoon si..







"Samantha..."

Everything You Want. [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon