Chapter 8

4.4K 104 2
                                    

-CHAPTER 8-







"Kamusta naman kaya ang exam ko. Feeling ko bagsak ako sa ibang subject." Nakangusong sabi ni Muriel. Ako naman ay nakatingin sa labas. Nandoon ulit ang football team. Hindi sila nagpapractice at mukang meeting lang. Nakita kong niluwagan ni Lucas ang neck tie ng uniform niya.






Why do he looks so perfect? Matangkad siya, maganda ang katawan na para bang sa gym siya naka tira, magulo ang buhok niya pero bumagay iyon sa kaniya, yung ilong niyang ang sarap lagyan ng ruler kasi ang tangos, yung perpekto at mapungay niyang kulay dagat na mga mata, tsaka iyong lips niya... Nakaawang iyon ngayon habang pinapaypayan niya ang sarili niya. Napakagat ako sa labi ko nang maalala ang mga ginawa namin sa condo niya noong isang araw. Napalunok ako. Bakit ang intense niya?






"I have some serious news." Doon lang ako nagising sa pagpapantasya kay Lucas nang dumating si Talia at dala dala nanaman ang mahiwaga niyang notebook.





"Alam mo ba Xyra na ikaw ang main topic ngayon sa school. Hindi lang dito sa high school dept! Hanggang college department umabot ka teh!" Kumunot ang noo ko. No! Hindi pwede ito! Hindi pwede na pinaguusapan ako sa school. Malalagot ako nito kay Kuya. Kinabahan ako bigla. Lumapit ako kay Talia na ngayon ay iniharap sa'kin ang bakanteng upuan na kinuha niya at lumapit din.





"What's the news?" Mahinang tanong ko sa kaniya. Tumingin tingin pa siya sa paligid bago sumagot sa'kin.






"Rumored boyfriend mo daw si Lucas Demitri Ventura. Crazy right? Noong isang araw crush lang ang usap usapan sa inyo tapos ngayon boyfriend na."  Hindi makapaniwala si Talia. Si Muriel naman ay kumunot ang noo at tumingin sa'kin. Nagkibit balikat lang ako. Ayoko magsalita sa mga chismis baka mas lalo lang dumami ang idagdag nilang impormasyon.






Yayayain ko na sana sila Talia at Muriel mag lunch nang biglang nahagip ng mga mata ko si Lucas at ang dalawa pang lalaki na kasama niya na naglalakad sa hallway sa tapat ng room namin. Bakit sila napunta dito? Kinabahan ako. Pinagtitinginan silang tatlo. Tumigil si Lucas sa tapat ng pintuan ng room ko at pumasok. Napalunok ako. Nakatanggal ang neck tie niya at seryoso lang siyang nakapamulsa. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ang gwapo...parang bawat hakbang niya ay may rainbow na lumalabas sa likuran niya.





"Let's go." Malalim na sabi ni Lucas. Napanganga ako sa kaniya. Ano? Ano daw? Kumunot ang noo niya at lumapit pa sa'kin lalo. Yumuko siya para maitapat ang bibig niya sa tainga ko.






"I said... Let's go." Peke niya akong nginitian. Tinalikuran niya ako at lumabas na ulit ng room. Mabilis akong kinuha ang gamit ko at nagsorry kila Talia at Muriel. Sumunod ako kay Lucas na ngayon ay hinihintay ako sa dulo ng hallway. Napabagal ako sa paglalakad nang mapansin ko ang mga mata ng mga estudyante na sakin nakatingin.





"Don't look at them. Let's go." Hinila ako ni Lucas at nadaanan namin ang dalawa niyang kasama kanina. Tinanguan lang sila ni Lucas at ganon din ang ginawa nila tsaka umalis na.





"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Lucas nang mapansin kong papalabas na kami ng school. Hindi ako pwedeng lumabas dahil may klase pa ako!





"Lucas, hi-hindi ako pwede u-umalis." Nauutal na sabi ko sa kaniya at tumigil sa pagsunod sa kaniya. Nasa parking lot na kasi kami ng school.





"I said let's go, Xyra. Remember our deal? You're gonna do everything i want you to do." Seyoso niyang utas at hinawakan ang kamay ko. Nagpatianod na lang ako sa pag hila niya.





Wala na akong nagawa nang isakay na niya ako sa kotse niya. Kumakabog ang dibdib ko. San naman kaya ako dadalihin nitong lalaking to? Humalukipkip nanlang ako. Tumitingin tingin siya sa'kin at tinataasan ko naman siya ng kilay. Pag ako talaga bumagsak siya sisisihin ko. Napansin kong sobrang napapalayo na kami sa school. Hindi ko na kaya manahimik.





"Lucas lumalayo na tayo sa school! Pano na yung klase natin??" Hinampas ko pa ang braso niya. Naiinis na kasi ako.





"We're gonna eat lunch. That's what boyfriend and girlfriends do right?" Naginit ang pisngi ko. Ehh hindi naman ito ang tamang oras para don. May klase pa kaming dalawa. College siya at highschool senior ako! Pag hindi talaga ako nakagraduate nako. Malilintikan ako.





"Eh may klase pa tayo. Pwede naman sa ibang araw." Napakamot ako sa ulo ko. Ilang minuto na lang at tapos na ang lunch break. Tsk. Sumama pa kasi ako dapat minsan mag matigas din ako dito ehh.





"Xyra, you ranked top 2 sa lahat ng senior sa highschool department. Sa tingin mo ba pag umabsent ka sa iilang klase babagsak ka? Idagdag pa na Sy ang apelyido mo sa tingin mo ba ibabagsak ka ng school? Tss." Umiling iling siya. Napanguso na lang ako. Sabagay.. Pero never pa kasi ako umabsent o nalate man lang.






Habang tahimik kaming nasa byahe biglang nag ring ang phone niya napatingin ako sa kaniya. Para bang nairita siya nang tignan niya pa lang ang screen at napilitang sagutin ang tawag. Habang nagsasalita ay halata ko sa itsura niya na naiinis siya sa kausap niya. I wonder who it is. Bumuntong hininga na lang siya pagtapos niya kausapin ang kung sino man yun tumawag.





"Xyra can you check if there's a black paper bag on the back?" Kumunot naman ang noo ko at tinignan ang back seat ng kotse. May dalawa ngang black paper bag doon.





"Oo meron dalawa." Sagot ko sa kaniya. Tumango tango siya at biglang nag U turn. Napahawak ako sa upuan ko. Susmeh! Grabe naman ito mag drive!





"Dahan dahan naman! San ba kasi tayo pupunta?" Utas ko at napahawak sa dibdib ko. Kung isa samin ng mga kapatid ko ang ganito mag drive sigurado ako kukunin ni Mommy ang kotse nila.





"To my office. May kailangan lang akong asikasuhin." Napatingin ako sa kaniya. Office? Then it hit me.. Ventura.. Ventura.. VENTURA EMPIRE?! Oh shit... I think i'm doomed.

Everything You Want. [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon