-CHAPTER 18-
"I'm sorry but i have to be with her. She needs me..." Nagising ako sa boses na yon na naririnig ko galing sa kung saan. Kinusot ko ang mga mata ko at dahan dahang umupo. Malambot, malamig, presko... Yan ang nararamdaman ko. Walang hang over na sinasabi ni Muriel...
Teka?! Napatingin ako sa paligid. Hindi ito ang kwarto ko. Hindi pamilyar ang lugar na to sa'kin. Eh nasaan ako? Alam kong hotel to pero saan? Paano ako napunta dito? Last thing i remember kasama ko si Muriel sa bar. Naglalasing kami, first time kong uminom tapos umikot ang paningin ko then iyon na..pagtapos non eto na ko. Tinignan ko ang sarili ko. Nakasuot ako ng white botton down shirt at underwear ko lang ang nasa iloob non! Shit! May nagpalit sa'kin ng damit?! Kumabog ng mabilis ang puso ko. Shit ano bang nangyayari?
"Yeah i'll call you back later. Ok.. Bye." Nakita ko si Lucas na papasok ng kwarto. Naka sweat pants lang siya at shirtless. Magulo ang buhok niya at mukang bagong gising lang din. Napalunok ako. Siya? Bakit siya?
"Gising ka na pala." Aniya. Kasing lamig pa ng yelo ang boses niya. Kinabahan pa ako lalo pero hindi ko pinahalata.
"Oo.. Paano ako napunta dito?" Matigas na tanong ko sa kaniya. Akala niya hindi ko alam ang nangyari kahapon. Manloloko siya!
"You were wasted in a shitty bar with your so called friend ni hindi ka man lang kayang ibaba sa mesa o tawagan ang mga kapatid mo." Masungit niyang sabi sa'kin at umirap pa. Nilapag niya ang phone niya sa sofa di kalayuan sa kama kung nasaan ako at lumapit sa'kin. Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ako nagpatalo.
"What are you doing in thag bar? Why are you drinking?" Umupo siya sa dulo ng kama at seryosong nagtanon sa'kin. Huminga ako ng malalim at nagseryoso din.
"Kung sinagot mo siguro ang text o tawag ko sayo kahapon, baka ngayon hindi ka nagtatanong niyan." Matigas na sagot ko sa kaniya. Nagkatitigan kami. Inirapan ko siya at kahit hilo hilo pa ako ay tumayo na ko at pumasok sa cr. Iniwan ko siya don. Hindi ko matiis tignan ang mukha kiya. Nagfaflashback sa utak ko ang halikan nila ni Samantha.
Tinignan ko ang buong katawan ko sa malaking salamin dito sa loob ng banyo. Pinalitan niya ko ng damit, wala na din ang mga sulat sulat ng balpen na nilagay ni Muriel sa braso ko dahil lasing na din siya sinulat sulatan niya ko. Siguro ay pinunasan ako ni Lucas. Nang bumaba ang tingin ko sa paa ko nakita ko ang maliliit na band aid don. Mapula ang paa ko at may paltos. Bigla kong naalala ang ginawa kong pang sayaw sayaw sa mesa ng vip lounge. Ginamot niya ako?...PERO HINDI! Manloloko pa rin siya... I don't know why he's here helping me.
Umiling iling na lang ako at naligo. Habang naliligo ako ay naririnig ko si Lucas sa labas na may kausap. Bigla nanaman akong parang binibiyak. Dapat nagagalit ako ehh pero... Ugh! Hindi ko maipaliwanag! Naiinis ako sa sarili ko. Kailangan ko ng explanation. Kailangan ko malaman bakit niya ginawa yon. Girlfriend niya ko karapatan ko magtanong at karapatan ko din makatanggap ng explanation. I have to be strong. Pagtapos ko maligo inayos ko ang sarili ko. I did my morning routine. Sinuot ko ang bath robe at lumabas na ng banyo. Wala na si Lucas sa kwarto. Nakahinga ako ng maluwag. May nakita akong damit na naka lagay sa kama. Siguro para sa'kin ang mga yon. Well.. Sino pa ba? Wala naman si Samantha dito. Nagbihis na lang ako at inayos ko muli ang sarili ko. Matapos non ay lumabas na ko ng kwarto. Namangha ako sa laki ng hotel room na to. Presidential suite i guess? Nagpunta ako ng kusina at doon nakita ko si Lucas na nagluluto. I cleared my throat para mapansin niyang nandito ako. AKO at hindi si Samantha.
"Lucas we need to talk." Sabi ko sa kaniya. Kahit na kinakabahan ako kailangan ko maging matapang. SY ako!
"I know. Kailangan talaga natin mag usap." Sagot niya pabalik sa'kin. Nakatitig nanaman ang blue niyang mata sa'kin. Napalunok ako pero hindi ko inalis ang pagiging matigas ko.
"I saw you yesterday, with Samantha." Halos maibuga niya ang kapeng iniinom niya. Psh! Manloloko! Babaero! Gutom sa puke!
"What? Saan mo kami nakita?" Kunot noo niyang tanong sa'kin. I smirked. I got you now liar.
"Sa tapat ng building ng Ventura. You both were kissing. Sinakay mo pa siya sa kotse mo. Ano Lucas? Care to explain?" Pagtataray ko sa kaniya. Tinitigan niya pa ko saglit bago bumuntong hininga at sumagot.
"The truth is, gusto siya ni Dad para sa'kin. Samantha's father is one of our stock holders. May sarili silang kumpanya and my father wants our companies to merge. I didn't kissed her yesterday she kissed me. Ayoko lang ipakita sa tao na lumalayo ako sa kaniya dahil my father has his eyes all over me. Madaming pwedeng mag sumbong. You can ask Samantha about it if you want. She doesn't like me. Parehas lang kaming trapped dito." Mahinahong sagot niya at uminom ulit ng kape. Tinignan ko lang siya. Hindi ako pwede kaagad mag tiwala pero hindi ko din siya papakawalan. Sasakalin ko siya hanggang siya mismo ang sumuko at umamin sa'kin.
"Babe stop looking at me like that. You're scaring me." Kunot noo niyang sabi sa'kin. Oh you should be scared Ventura. Binigyan ko lang siya ng pekeng ngiti at ininom din ang kapeng tinimpla niya para sa'kin.
Humanda ka Ventura. Papaduguin kita. Mamili ka ng lolokohin mo. Mahal kita pero kailangan patas tayo. Sasakalin talaga kita hanggang sa ikaw na mismo ang magsabi sakin ng totoo. At pag napatunayan kong may relasyon kayo ni Samantha, malalaman niyo na SY Ang kinalaban niyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/38718684-288-k275480.jpg)
BINABASA MO ANG
Everything You Want. [On Going]
ChickLitI always get what i want. Gamit, Pera, Kaibigan etc. You name it i have it. Lahat nakukuha ko. Lahat naibibigay sa'kin. Pero bakit ang pagibig ko sa kaniya hindi niya masuklian. Hindi niya maibalik sa'kin ang pagmamahal na binibigay ko sa kaniya. I...