-CHAPTER 33-
"Anak bakit nandito ka? Akala ko ba may meeting ka sa Baguio?" Tanong ni Mommy sa'kin nang makita niya akong pinapanood siyang magluto ng tanghalian.
"Kaya naman ni Kuya yon. Gusto ko muna mag stay dito sa bahay kasama niyo." Sagot ko kay Mommy at nilapitan siya. Niyakap ko siya galing likuran. Naiiyak nanaman ako. Thinking about not seeing my mom everyday kills me.
"Ang lambing naman ni Ate oh." Narinig ko ang boses ni Dad at lumapit din siya sa'min. Kasama niya si Ares at mukang kakabalik lang nila galing sa opisina ni Ares.
"Oh tamang tama kumain na tayo. Masarap tong niluto ko." Umupo na kami sa hapagkainan habang ang mga katulong naman ang nag ayos.
Kumain kami ng sabay sabay nagkakatawanan pa dahil sa mga kwento ni Daddy na throwback sa kanila ni Mommy. Nakatinging lang ako kay Mommy habang nakangiti siya at tatawa tawa sa kwento ni Dad. Mukang wala siyang sakit pero alam kong meron dahil may halong lungkot ang mga kislap ng mata niya. Ilang gabi na akong iyak ng iyak dahil hindi ko talaga matanggap na may sakit si Mommy. I don't want to lose her. She's my life.
"Pero ang nakakainis talaga eh iyong una kami nagkakilala ng Daddy niyo." Sabat ni Mommy. I'll never get tired of this story. Kahit paulit ulit pa nilang ikwento. Paulit ulit lang din akong matatawa.
"Nag gigym ako noon, syempre nagpapaganda ako. Tapos nagtatakbo lang muna ako sa trendmil, etong daddy niyo ginulat ako!" Masiglang kwento ni Mommy. Natawa kami at niyakap naman siya ni Daddy.
"Ay babe, hindi kita ginulat nilapitan lang kita." Malabing na sabi ni Daddy. Napangiti ako sa kanilang dalawa. I will always admire their love for each other.
"Ay Nickolas! Ginulat mo ako. Oh tapos ito ang nangyari. Pinapaalis ba naman ako doon sa iisang trendmil na gamit ko. There are ten other trendmils there! Your Dad wants the one i'm using." Umiling iling si Mommy at natatawa sa memorya ng kwentong iyon sa kanila.
"Badtrip ako noon Babe. Tapos favorite spot ko pa yung pinuwestuhan mo." Nagkatawanan kami pati si Ares ay napapangiti sa kanila.
Nagkwento pa sila hanggang sa dumating na si kuya Yckos. Tumambay lang kaming lahat sa kwarto nila mommy at daddy. Nagsiksikan kami sa kama nila at nanuod ng movie. Nagkulitan at nag kwentuhan. Simpleng family bonding. Ang saya saya namin lahat. Sana hindi namin sinayang ang oras na hindi ito lagi ginagawa. I sighed. I don't want to show them that i'm sad but it's hard for me to hide it. Masakit ehh. Whenever i look at my mom and know that she's leaving us makes me wanna cry my heart out.
"Ang prinsesa ko, Kanina ka la nakatitig sa'kin. May dumi ba ang mukha ko?" Tanong ni Mommy sa'kin nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya. Ngumiti ako at umiling iling.
"You're just really really beautiful Mommy. Mana ako sayo diba?" Tumango tango naman si Mommy at niyakap ako. Humiga lang ako sa tabi ni Mommy at niyakap siya tulad ng ginagawa ko noong bata pa ako.
Naiiyak ako. Sobrang sakit talaga. Hindi ko na napigilan ang iyak ko at napagahulgol na ako. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko kay Mommy at ganon din siya sa'kin. Parang alam na niya kung bakit ako ganito. Hinaplos haplos ni kuya ang likod ko si Ares naman at inabutan kami ng tubig. Ininom namin iyon ni mommy at kumalma kaming dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/38718684-288-k275480.jpg)
BINABASA MO ANG
Everything You Want. [On Going]
ChickLitI always get what i want. Gamit, Pera, Kaibigan etc. You name it i have it. Lahat nakukuha ko. Lahat naibibigay sa'kin. Pero bakit ang pagibig ko sa kaniya hindi niya masuklian. Hindi niya maibalik sa'kin ang pagmamahal na binibigay ko sa kaniya. I...