-CHAPTER 34-
Nakatitig lang ako sa wall clock habang nakaupo dito sa labas ng emergency room. It's been so long i lost count. Basta Ilang linggo, ilang araw at ilang oras kong binuhos ang sarili ko kasama si Mommy. Now is the day that i'm scared of. Nawalan ng malay si Mommy kaninang umaga. Dad said she was crying of pain. Kagabi ang saya saya pa namin. She was talking about how delicious my cooking is, how stupid kuya Yckos is for making Primrose cry, and How Ares is no where to be found everytime she looks for him. Natanggal ang pagtitig ko sa orasan nang hawakan ni Dad ang kamay ko. Si Kuya Yckos naman ay palakad lakad lang at hindi mapakali. Para akong kandilang unti unting namamatay habang tumatagal na hindi lumalabas ang doctor sa ER.
"Dad. Ate, kuya.." Narinig ko ang boses ni Ares na hinihingal pa. Walang lakas akong napatingin sa kaniya. Duguan ang tshirt na suot niya at pawis na pawis siya. Agad siyang dinaluhan ni Dad at Kuya para tanungin anong nangyari sa kaniya. He doesn't seem hurt. Wala akong lakas na tanungin din siya so i just let it slide.
Ilang minuto pa ang lumipas bago lumabas ang doctor. He got that apologetic look on his face. Kumabog ang puso ko. Nilapitan siya agad ni Kuya at Dad. Dahan dahan naman akong lumapit sa kanila. Gumagalaw ang mga labi nila pero wala akong naririnig. Parang slow motion lahat ng nasa paligid ko. Lutang ang isip ko. Napatingin ako sa dalawang nurse na lumabas sa ER. They were holding my mom's necklase and ring. They talked to me pero walang lumabas sa bibig ko.
"Anak po kayo ni Mrs. Sy? This is her belongings po." Sabi ng nurse sa'kin. Tango lang ang naisagot ko at inabot nila sa'kin ang wedding ring ni mommy at kwintas niya na binigay sankaniya ni Dad noong unang anniversary daw nila. Tears roll down my face. Magsasalita na sana ako nang may lumapit pang nurse samin at sinabing...
"Time of death, 7:39pm.."
Bumagsak ang mundo ko. Nabasag lahat ng mababasag sa emosyon ko. All i can do is cry. I cried and ran away from all of them. Hindi ko kaya. I cant... My mom.. Her smile, her warm touch, her voice... She's gone. She's ....gone.
BEEEEPPP!!!!
Napatigil ako sa pagtakbo sa narinig kong malakas na busina. "HOY! MISS TANGA KA BA! GUSTO MO BA MAMATAY!" Sigaw ng lalaking naka motor sa'kin nang daanan niya ko. Mabilis ang paghinga ko. Hingal na hingal ako. Sunod sunod na busina ang narinig ko at sobrang tuliro ako i don't know what to do. I'm in the middle of the road crying like a baby until someone carried me and i felt safe and comfortable. Napatingala ako sa lalaking iyon na ngayon ay buhat buhat ako. Nagsasalita siya pero hindi pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi niya. I just cried and cried until everything went black.
-----
"Yeah she's with me.." Napatingin ako sa kama ko at nandoon pa rin si Xyra. She's still sleeping. It's been two months since i last saw her. Sobrang payat niya ngayon. She looks so stressed and tired
"Ganon ba. Sige sabihin ko na lang kay Ares. He was looking for her." Ryan replied on the other line. I sighed.
"Sige pakisabi na rin condolence." I said and then hang up. Ibinulsa ko ulit ang phone ko at umupo sa gilid ng kama.
Sobrang miss na miss ko si Xyra. Simula nang malaman niya ang kondisyon ni tita Megan ay hindi na siya umalis sa tabi nito. She didnt go to work, all the pressure is in Yckos but he doesnt seem to mind. Napansin kong tumulo ang luha ni Xyra habang natutulog. She's in pain. Kahit natutulog siya ay umiiyak pa rin siya. I can't imagine the pain of losing your mother. If only i could take away the pain. I kissed her forehead and wiped her tears away.
Pumunta ako sa mini bar ko at kumuha ng bote ng alak. Uminom ako ng uminom. Kinuha ko ang envelope sa table at binuksan iyon. It's the yearly report of the Venture Empire. Pabagsak pa rin ang kumpanya. Tinungga ko ang hawak kong alak at pinunit punit ang report papers na iyon. Fuck it fuck it! Masyado na akong nagpapabaya. I don't want to disappoint my father. He put hus trust on me. Ever since i've been living the life of being a good Son. Gusto ko maging masaya si Dad at si Mom para sa'kin. They gave me their full trust and i don't want to waste it. Pero ngayon na isang taon nang pabagsak ang kumpanya how can i fix this?
"Lucas.." Napalingon ako kay Xyra na nakatayo sa may pinto at maga ang mata. She looks so vulnerable. Parang isang pitik ko lang ay mababasag siya.
"My mom. She's gone.." Every.Word. Is full of pain and sorrow. Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Umiyak ulit siya at niyakap rin ako. I kissed her forehead and hug her even more tighter. She needs me. My company needs me too. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. But right now.. I choose her.
I'm scared of what i might choose later after this pero i'm glad i choose her first. She needs me, i need her because without her baka baliw na ko ngayon. I love her. Now my mind is stuck between my love for Xyra and my love for my family. I want to be there for Xyra because she really needs me but i also want to focus on fixing things with Ventura Empire. I don't want to disappoint my parents. I love them more than my life. Isang tao lang ako at hindi ko ito kayang pagsabayin lalo na at nitong mga nakaraang linggo ay kinakausap ako ni Sam. I don't want anyone in trouble. Bumuntong hininga na lang ako at hinalikan ang ulo ni Xyra habang pinapatahan ko siya.
Only if i can take her pain away, she can just smile at me and i'll be able to fix everything in a snap. Xyra gives me strength. Without her i'm nothing.
![](https://img.wattpad.com/cover/38718684-288-k275480.jpg)
BINABASA MO ANG
Everything You Want. [On Going]
Chick-LitI always get what i want. Gamit, Pera, Kaibigan etc. You name it i have it. Lahat nakukuha ko. Lahat naibibigay sa'kin. Pero bakit ang pagibig ko sa kaniya hindi niya masuklian. Hindi niya maibalik sa'kin ang pagmamahal na binibigay ko sa kaniya. I...