-CHAPTER 29-
"Blake Cerio Valedicto, kapatid siya ni Talia. Hindi lang nga nababanggit ni Talia dahil ayaw niya sa kuya niya. They grew up seperately. Si Blake sa US si Talia naman dito sa pilipinas." Kwento ni Ryan sa'kin. I want to know that Blake guy more. Madami na akong alam sa kaniya dahil sa lihim na pag papaimbestiga ko sa kaniya sa mga tao ko. But i need more details.
"Ok thats good but i need more." Sagot ko kay Ryan. Napakamot siya sa ulo niya. That isnt the best he can do. Kilala ko si Ryan. I need dirty stuff from that Blake guy. Gusto ko malaman ang baho niya.
"Tang ina naman Pre? Ano pa bang kailangan mo malaman? Eh mas kilala mo na nga yata tong Blake na to kesa kay Xyra." Reklamo ni Ryan at umupo sa silya sa tapat ng desk ko.
"Kailangan ko malaman ang baho niya. I need more details Ryan." Napatayo ako at naglakad papalabas ng opisina ko. Sinundan lang ako ni Ryan papasok sa elevator. Pinindot ko ang basement parking. Naisip kong puntahan ulit si Xyra.
"Kung kailangan mo ng mas malalim na detalye gamitin mo yung mga tao mo. May kapangyarihan ka may pera ka madami kang kayang gawin." Utas ni Ryan. Tama siya madami akong kayang gawin pero hindi lahat ay kaya ko.
Nang makarating kami sa parking lot ay nilabas ni Ryan ang sigarilyo niya at inalok ako. Kumuha naman ako ng isa. I took off my coat and went to my car. Hinagis ko sa loob ng kotse ko ang coat at sinindihan ang sigarilyo. Hinintay ko lang si Ryan na kunin ang motor niya. Sa bawat buga ko ng usok galing sa sigarilyo ay buntong hininga ko rin. I'm stressed, i'm tired and i'm also pissed because of my sister. She's been here for a week now and wala siyang ginawa kundi umalis ng umalis. Buong akala ko ay namimiss niya si Mom. Si Dad naman ay pauwi din.
Nang makarating si Ryan sakay ng motor niya ay sumakay na din ako ng kotse ko. I drove fast and Ryan is just on my back riding his black Ducati. Ilang stop light ang nilagpasan ko. I wont be surprised kung maya maya may pulis na mangharang sa'kin but i was surprised nang bigla akong mapatigil nang muntik ko na mabangga ang isang kotseng itim. I was shocked and catching my breath. Buti na lang at sakto ang pag break ko at hindi ko iyon na bangga. Nang makakalma na ako ay bumaba ako ng kotse ko at dinaluhan ang lalaking nakauniporme na tinitignan ang paligid ng sasakyan. May takot sa mukha niya at may tinatawagan.
"Ano pa bang ginagawa mo jan? Hindi naman kita nabangga. Muntik lang. Itabi mo na ang kotse mo at nakaharang ka sa daan!" Bulyaw ko sa lalaki. Mas lalo naman siyang natakot. Nako mapapatay ko itong lalaking to pag hindi ko naabutan si Xyra sa opisina niya!
"Hi-hindi po ser kase iyong boss ko ho-.." Bago pa matapos ng tulirong driver ang pagsasalita niya ay biglang bumukas ng pinto ng kotseng itim at lumabas si Xyra doon na galit ang ekspresyo. I was dumbfounded. Did i almost crashed her car?! Fuck! Lahat ng pag aalala at kaba naramdaman ko. Shit!
"Teka teka, Excuse me Mr. Ventura? Ikaw na nga itong muntik kami mabangga at muntik akong...." Galit siya at dirediretso ang pagsasalita pero nakatingin lang ako sa kaniya na parang slow motion ang paligid ko at wala akong naririnig. I just missed her. Kelan ko ba siya ulit pinuntahan sa kanila? 2 weeks? almost 3 weeks? Nakita ko pa iyong baog niyang manliligaw non.
Kesa sa makinig ako sa inis at iritado niyang sermon sa'kin i just grabbed her hand and pulled her to me and hugged her. Sobrang daming busina ang naririnig ko may mga sigaw pa ng mga galit na driver sa kung saan. But i dont care. I just hugged my girl tight. Hindi ko na pinansin ang paligid ko. Hindi rin naman gumagalaw si Xyra which i am glad. If she tries to push me away i swear it's gonna hurt like hell.
"LUCAS! May media sa paligid! Alis na dali!" Sigaw ni Ryan na nakaharang sa harapan namin ni Xyra. Tama siya may iilang camera man nga na nasa loob ng isang kotse. Napamura ako at hinila na lang si Xyra papasok ng kotse ko tsaka pinaharurot paalis.
Sa sobrang bilis ng kotse ko ay mahigpit na napahawak si Xyra sa braso ko. "BA-BAGALAN MO PLEASE!" Sigaw niya at nakapikit pa sa takot. Tumingin ako sa likuran ng kotse ko at nakita kong ok na. Binagalan ko ang pag dadrive at sakto naman na hindi ako masyadong napalayo sa tamang daan papunta sa underground bar ko kaya doon na lang ako dumiretso. Nang mag park ako sa garage parking ng bar ko ay parehas pa kami ni Xyra na naghahabol ng hininga. Ilang segundo pa bago siya magsalita.
"What were you thinking?! Gusto mo na bang mamatay Lucas? Isasama mo pa ko? Grabe naman yan! Kung gusto mo magpakamatay wag mo kong idamay. Magisa ka!" Galit na sigaw ulit ni Xyra at padabog na lumabas ng kotse ko. Napabuntong hininga na lang ako at lumabas din para sundan siya. Mabilis na siyang naglalakad papalabas ng garage. Wala na mang ibang tao dito kundi kaming dalawa lang.
Nang maabutan ko siya ay hinila ko ang kamay niya para mapalapit sa'kin. Now both of her hands are on my chest and i wrapped my arms around her small waist. Mabilis ang pag hinga niya at tinitigan ko lang siya sa mata. Not a minute later kumalma na din siya and then my chance is here, hinalikan ko siya. Slow and gentle kiss. Ninanamnam ang bawat hagod ng labi, dinadama ang init, at sinusulit ang bawat pagsagot sa mariin kong yakap sa kaniya. She's not pushing me away, she's kissing me back. She even wrapped her arms around my neck and pulled me closer to deepen the kiss. God! I missed this. I missed her.
"Lucas..." She murmured my name after we stopped kissing to catch our breaths.
"Be mine again please. I would do everything to win you back, Xyra please i know i'm not worth it, i know there's so many better guys than me but please, i'm begging you... Give me a chance to prove my love for you.." Pakiramdam ko buong mundo ko, buong pagkatao ko pati na din ang kaluluwa ko ay ibinuhos ko sa mga salitang iyon. Nakatingin lang ako sa mga mata niya at naghihintay sa sagot niya... And then she replied..
"Just in time... Finally. Ikaw lang naman ang hihihintay ko.." After those words she gave me the most beautiful smile and i cant believe the wonderful feeling i am feeling right now. Hinalikan ko siya muli at ganun din siya. I won't waste this chance, she's all i need.
BINABASA MO ANG
Everything You Want. [On Going]
ChickLitI always get what i want. Gamit, Pera, Kaibigan etc. You name it i have it. Lahat nakukuha ko. Lahat naibibigay sa'kin. Pero bakit ang pagibig ko sa kaniya hindi niya masuklian. Hindi niya maibalik sa'kin ang pagmamahal na binibigay ko sa kaniya. I...