•CHAPTER 2•
"Hoy! Ano ba? Nakatulala ka nanaman jan!" Sigaw ni Muriel sa'kin. Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.
"Ano ka ba naman? Makasigaw ka jan." reklamo ko sakaniya. Well totoo naman na kanina pa ako nakatulala sa labas. Nasa 3rd floor kasi ang room namin at sa labas ay tanaw ko ang football field kung nasaan ang college football players. Nandoon si Lucas kaya hindi ko mapigilan na manood sa kaniya.
"Kaya naman pala tulala ka jan ehh. Nandoon pala si Mr. Ventura." Tukso ni Muriel. Naginit ang pisngi ko at napakagat sa lower lip ko. Naalala ko tuloy kahapon. Yung tingin niya sa'kin, yung pag ligtas niya sa'kin, tsaka yung pagpunas niya sa uniform ko at tuhod ko. Grabe talaga ang intense!
"Oh my god! Sino siya? Naku! Sabi ko na nga ba!" Naghysterical na si Muriel at hinila ako patayo sa upuan ko para lumapit pa sa bintana.
"Sino yan?" Tanong ko sa kaniya. May kasama si Lucas na babae. Mukang trainee sa cheerleading squad. Kulay brown at maiksi ang buhok, sexy siya at maputi. Kumunot ang noo ko. Pinupunasan niya ang pawis ni Lucas at tumatawa pa si Lucas sa pang aasar sa kanila ng iba pang football players.
"Samantha Calliero. 18 years old, senior siya section A. Laking amerika. This year lang siya bumalik ng pilipinas para maging heiress ng family company nila." Biglang sumulpot ang isa pa namin kaibigan na si Talia na nawala ng tatlong linggo.
"Parang parehas lang pala kayo Xyra. Kaya lang siya laking America ikaw hindi." Sabi naman ni Muriel. Ngumuso ako. Wala naman ako pakielam sa babaeng yon. Gusto ko lang malaman kung ano siya ni Lucas at bakit ganon sila kaclose.
"Alam mo ba kung may relasyon sila ni Lucas?" Tanong ko kay Talia. Ngumuso siya at inayos ang salamin niya tsaka tumingin sa maliit na notebook niya kung saan naglalaman lahat ng detalye ng bawat estudyante dito hindi lang mga highschool pati na din ang mga college. Medyo weird pero napaka helpful ng mga detalyeng nakukuha niya.
"Ayon sa source ko, may gusto lang si Samantha kay Lucas. Walang girlfriend si Lucas simula nang pumasok siya dito hanggang ngayon. Madaming nalilink sa kaniya dahil for the past few months na nandito siya, iba ibang mga babae ang nakikitang kasama niya sa labas ng school. Mga estudyante din dito pero pag dating dito hindi niya ito pinapansin na para bang hindi sila magkakilala-" tinaas ko na ang kamay ko para patigilin si Talia. Bumuntong hininga ako. Hindi nanaman siya titigil pag hindi mo pinatigil.
"Sabi ko na nga ba eh! Pasikretong playboy yan si Lucas. Naku talaga Xyra hindi mo pa talaga totoong kilala yan." Pinagkrus ni Muriel ang mga braso niya at sumandal sa desk ko. Umupo naman ako ulit dahil ayoko nang tignan si Lucas at ang Samantha na yon.
"Hindi naman sigurado kung may relasyon nga sila. Iyon lang ang importante sa ngayon." Sagot ko sa kanila at bumuntong hininga. Gusto kong alamin. Gusto kong tanungin si Lucas. Pero paano?
Bigla kong naalala ang panyo niya. Tama! Ibabalik ko iyon at susubukan kong mapalapit sa kaniya. Tama! Iyon nga ang gagawin ko! Maya maya ay dumating na ang teacher namin kaya nagbalikan na sa mga upuan nila si Talia at Muriel. Habang naglelecture ang teacher namin ay pinipigilan ko ang sarili ko tumingin sa labas at tignan ulit si Lucas pero dahil baliw ako tumingin nanaman ako at nanlalaki ang mga mata ko. Nakaakbay si Lucas kay Samantha at tawa sila ng tawa. Napakagat ako sa labi ko. Kailangan ko na talaga mapalapit sa kaniya! Nilabas ko ang panyo niya sa bulsa ko. Nilabahan ko talaga to ng mabuti. Nagpaturo pa ko kay Mama pano maglaba ng panyo. Hindi naman kasi ako naglalaba. Si Mama lang. Minsan kasama niya maglaba ang mga katulong namin. Kahit naman na may katulong kami kumikilos pa rin si Mama sa bahay. She's the best mother on earth!
"Alright class that's it for today. You may take your lunch." Aba? Ang aga yata? Nagkatinginan kami ni Muriel at Talia nagkibit balikat na lang sila at tumayo siya papunta ulit sa'kin.
"Talia sabihin mo nga sa'kin lahat ng nalalaman mo kay Lucas." Sabi ko kay Talia pagkaupo niya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Hindi talaga ako nagtatanong kay Talia ng tungkol kay Lucas kasi nahihiya ako. Ang creepy naman kasi pero ngayon kailangan ko talaga siya makilala.
"Lucas Demitri Ventura. 20 years old. Eldest son of the president of Ventura Empires. May kapatid siyang babae, Janella Marie Ventura, 17 years old. Junior siya dito at nasa special section siya dahil sa angkin talino. Lucas is the game master sa Football. Sa ilang buwan niyang varsity ng football madami nang game na naipanalo dahil sa kaniya. Ang kinakain niya sa canteen pag lunch ay tuna sandwich at orange juice lang at wala nang iba." I made a mental note na gawan siya ng lunch pag naging malapit na ko sa kaniya. Ang main goal ko ngayon ay ang mapalapit sa kaniya.
"Pano mo naman nalaman na tuna sandwich lang ang kinakain niya pag lunch time?" Kunot noo na tanong ni Muriel kay Talia. Nagkibit balikat lang si Talia. Hindi niya talaga sinasabi sa kahit kanino kung pano niya nakukuha ang mga detalyeng ito.
"Ano pa ano pa? Tungkol sa love life niya may girlfriend ba siya?" Tanong ko kay Talia. Inayos niya ulit ang salamin niya.
"Like i've said before, wala siyang girlfriend. Madami ang nalilink sa kaniya dahil sa may nakakakita sa kaniya na kasama ang mga ito sa labas ng school. Nagdadate kumbaga. Iba iba sa bawat date. Hindi nauulit. At pagdating dito sa school hindi sila nagpapansinan." Sagot naman ni Talia sa'kin. Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ganon? Madami siyang kadate tapos wala siyang girlfriend? Ok lang makipagdate kung ganun kasi wala naman siyang girlfriend pero bakit iba iba?
"Ilan na so far ang mga nakadate niya?" Tanong ko pa kay Talia. Ngumuso siya at nilipat ang page ng notebook niya.
"15 girls from our school and 7 girls from other schools." Nanlaki ang mga mata ko. Napaupo si Muriel sa isa pang bakanteng upuan at inilapit iyon sa'min.
"Seryoso ka ba jan?" Tanong ni Muriel kay Talia. Tumango naman si Talia. Napabuntong hininga ako. Paano kung totoo ang sinasabi ni Muriel na babaero nga si Lucas? Ano nang gagawin ko?
BINABASA MO ANG
Everything You Want. [On Going]
ChickLitI always get what i want. Gamit, Pera, Kaibigan etc. You name it i have it. Lahat nakukuha ko. Lahat naibibigay sa'kin. Pero bakit ang pagibig ko sa kaniya hindi niya masuklian. Hindi niya maibalik sa'kin ang pagmamahal na binibigay ko sa kaniya. I...