-CHAPTER 19-
"Congratulations! That's the best Valedictorian speech i've ever heard. I'm happy for you Ms. Xyra Sy." Nakipag kamay ako sa president ng school at nagpasalamat. I sighed. Sa wakas! Tapos na! Graduate na ko ng highschool! I still can't believe this is happening. Nang magpaalam nang umalis at pupunta sa ibang estudyante Ng president ay tsaka na ako nakatakbo.
Nilibot ko ang mata ko at hinanap ang pamilya ko. Nakailang minuto pa akong paikot ikot nang makita ko si Kuya Yckos at Primrose na kumakaway sa'kin mula sa malayo. Kasama nila si mommy at daddy. Tinakbo ko ang distansya namin at niyakap ko silang lahat. Mommy even cried while i was hugging her. She's obviously happy for me. Pinatahan ko siya at natawa naman kaming lahat kay mommy. Nilapitan siya ni Daddy at pinunasan ang luha.
"Congratz. You're going to college next year. Hope you'll like it." Sabi ni Kuya na nakahawak kamay kay Primrose. Ngumiti ako sa kanila.
"I think i would like it.." I replied with a smile. Hinanap ko si Ares pero sabi ni Daddy ayaw niya sumama. Well expected ko na yon sa kaniya. Tila walang pakielam sa mundo ang taong yon. Hinanap ko ang mga kaibigan ko at sakto naman na dumating si Muriel at Talia para batiin ako. Niyakap ko sila.
"Sigurado na ba talaga yang pag alis mo Talia? Hindi na ba mapipigilan yan?" Nakangusong tanong ko kay Talia. Niyakap niya na lang ako. Aalis kasi siya papuntang Europe para doon mag college kasama ang Kuya niya.
"Ano ba yan naiiyak tuloy ako! Payakap na din nga!" Tumawa kami at yumakap na din si Muriel sa'min. After ng dramahan nagyaya si Daddy ng Lunch. Hindi na sumama si Talia at Muriel dahil may kaniya kaniya din silang celebration. I will really really miss them. Magkakaiba kasi kami ng university na papasukan.
Papaalis na sana ako kasama sila Mommy nang mag ring ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Lucas sa phone ko. Sabi na nga ba ehh. I excused myself sa mga kasama ko at sabi nila mauuna na sila sa sasakyan, then i answered his call. I even cleared my throat. Get into character Xyra. Ehem ehem.
"Hello?" Cold na bungad ko sa kaniya.
"Hello babe, nice speech. Congratulations i'm happy for you." Malambing na sabi niya. Napakagat ako sa labi ko. I knew it! Nandito siya! Nilibot ko ang mga mata ko pero di ko siya makita.
"Nasaan ka? Bakit hindi kita makita dito? Siguro magkasama kayo ni Samantha noh?" Kumunot ang noo ko at patuloy pa din siyang hinahanap.
"Jealous babe? Well look behind you.." Sinunod ko naman. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko sa di kalayuan si Samantha na yumayakap sa mga kaibigan niya at binabati din sila ng congratulations. Pero hindi siya ang gusto kong makita..
"Oh tapos.. Wala ka naman don." Mahinang sabi ko habang nakatingin pa rin sa maarteng si Samantha na tinanggal pa ang toga niya para ipakita ang dress niya.
"Exactly. Wala ako doon kasi nandito ako sa likod mo.." Mahinang sabi niya. Then i slowly turn around and there i saw him.. Smiling at me. He's Wearing a black coat and a white v neck shirt holding a beautiful bouquet of red roses. Tinakbo ko si Lucas at niyakap siya. Hinalikan niya naman ang ulo ko.
Sobrang masaya ako ngayon na nandito siya. Akala ko talaga di siya pupunta kasi nga may meeting daw sila at sobrang busy. But here he is! With me! Not with anyone else. Ako ang kasama niya ako na girlfriend niya. Matapos niya akong yakapin ay binigay niya sa'kin ang flowers. I thanked him and kissed his cheek. Wala akong pake kung may makakita samin as if naman di nila kami pinag chichismisan lagi.
"Akala ko ba busy ka at hindi ka makakapunta?" Tanong ko sa kaniya. He cupped my face and squeezed my cheeks napaaray ako.
"I wouldn't miss your valedictorian speech babe.. Tsaka, you're my top priority. Girlfriend kita." Ilang araw na siyang bolero ha. Bumabawi sa kasalanan.
"Sus! Baka si Samantha ang pinunta mo dito hindi ako. Ayun siya ohh kiss mo na ulit dali. Naghihintay na yan." Kunwaring pagtataray ko pero tinatago ko lang talaga yung kilig ko. Tinalikuran ko siya at naglakad na palayo. As expected sinundan niya ko.
"Babe naman. I told you i didn't kiss her. She kissed me. Ayoko lang siya itulak non kasi baka may makakita mapahiya pa. C'mon babe let me make it up to you. Tell me anything you want i'll do it." Napatigil ako sa paglalakad at ngumisi. Tumingin ako sa kaniya.
"Anything??" Tanong ko. I have a wicked idea.
"Yes. Anything for you." Ohhh this is good. Tumingin ako sa kaniya ng seryoso. Nakaisip ako ng isang magandang ideya.
"Samahan mo ko mamaya sa Graduation ball. Ikaw ang gusto kong date." Ngumisi siya at pinulupot ang mga braso niya sa baywang ko. Naku! Naglalambing pa.
"Easy. Syempre sino pa ba ang date mo mamaya ako lang naman. I'll pick you up at 8?" Ngumisi ako at tumango tango. Oh this is gonna be good! Humanda ka sa'kin Lucas.
"Lucas, Xyra. Hey." Napalingon kami ni Lucas sa likuran niya ag nakita ko si Samantha na nakangiti. What is she doing here?
"Hey. Sam. Congratulations." Seryosong sabi ni Lucas sa kaniya at binitawan ako. Kumunot ang noo ko.
"Thank you Lucas. Such an honor to get that from you. And Xyra congratz! what a speech bravah!" May kung ano sa ngiti ni Samantha. She's giving me the same smile noong nakita ko siya sa loob ng kotse sa tapat ng building namin.
"Thanks. Congratulations din sayo Samantha." Pinulupot ko ang kamay ko sa braso ni Lucas at nginitian siya ng peke. This guy is mine bitch.
"Punta kayo sa graduation ball mamaya ha? See you guys there." Kinindatan niya pa si Lucas bago tuluyan umalis. Poker face naman si Lucas. Nang makalayo si Samantha ay kumunot ang noo niya. Nakatingin lang ako sa kaniya.
"Why are you looking at me like that?" Tanong ni Lucas.
"I don't know... Something is wrong here.." Tinitigan ko pa siya. Umiling iling na lang siya.
BINABASA MO ANG
Everything You Want. [On Going]
Romanzi rosa / ChickLitI always get what i want. Gamit, Pera, Kaibigan etc. You name it i have it. Lahat nakukuha ko. Lahat naibibigay sa'kin. Pero bakit ang pagibig ko sa kaniya hindi niya masuklian. Hindi niya maibalik sa'kin ang pagmamahal na binibigay ko sa kaniya. I...