-CHAPTER 3-
Isang linggo din ang hinintay ko bago kumilos. Ayoko naman kasi bara barang kilos lang. I want it to be perfect para wala nang ulit. Nakatingin lang ako ngayon sa panyo niya at handa nang umalis ng bahay. Walang pasok ngayon dahil sabado pero may activities ang mga kasali sa clubs at sports. Wala akong sinalihan na club o sports kaya wala akong dahilan pumunta ng school pero sasama ako kila Muriel at Talia. Nasa cheering squad kasi sila at ang pagkakaalam ko ang cheering at football club ay parehas sa field nag tetraining. Balak ko na ngayon na ibalik kay Lucas ang panyo. Huminga ako ng malalim bago kunin ang panyo niya. Nilagay ko iyon sa isang maliit na paper bag at nilagay sa bag ko.
"Xy anak? Andito na ang mga kaibigan mo." Kumatok si Mommy sa kwarto ko at binuksan ko naman ito agad. I smiled at her.
"Aba? Ang ganda ng dalaga ko ah? Ayos na ayos ka yata?" Tanong ni Mommy sa'kin habang pababa kami sa hagdan at papunta sa living room. Napangiti ako at yumakap sa braso niya. Kinikilig ako pero pinipigilan ko!
"Nagdadalaga na kasi ako Ma, kaya natututo na po akong mag ayos." I replied and kissed her cheek as we reach the living room.
"Naku! Baby ka pa rin namin ng Daddy mo. O siya! Magiingat kayo. Tumawag ka na lang sa driver o sa kuya Yckos mo pag magpapasundo ka na." Bilin ni Mommy. Tumango naman ako at humalik ulit sa pisngi niya.
"Bye po tita Megan!" Paalam ni Muriel at Talia kay Mommy. Nakangiting kumaway maman si Mommy sa'min.
"Ano ba yan wala daw si Ares jan." nakangusong sabi ni Talia nang pagbuksan kami ng driver namin at makasakay kami sa kotse. Napairap naman si Muriel.
"Lagi ka na lang Ares ng Ares? Crush mo ba yon?" Tanong ni Muriel kay Talia. Umiling iling naman ang kaibigan ko.
"Ano ka ba! Sa lahat ng estudyante sa school natin siya na lang ang hindi ko alam ang detalye. Masyado siyang mysterious nahihirapan ako." Iritadong sagot ni Talia. Natawa na lang ako.
Pasalamat ako at hindi ganon kamysterious si Lucas. Aminado nga si Talia na nahirapan din siya kunin ang detalye ni Lucas pero dahil sa sikat siya agad nang makapasok siya sa university ay madali niya itong nakuha. Ilang minuto ay nakarating kami sa school. Gaya ng inaasahan ko ay madami pa din estudyante. Yung iba pumunta lang para manood ng mga practice ng ibat ibang sports. Sumunod lang ako kila Talia at Muriel. Hindi ko alam kung bakit pinagtitinginan kami. Ano bang meron?
"Xyra Lalaine!" Sigaw sa kung saan at napatingin ako sa direksyon na iyon. Nakita ko si Ares at Ryan na parehas naka uniform.
"Bakit kayo nakauniform?" Tanong ko sa kanila pagka lapit namin.
"Detention kami eh. Ito kasing kapatid mo. May practice pa naman kami sa basketball ngayon. Lagot ako kay coach." Sagot ni Ryan sa'kin. Tumango tango naman ako. Sasagot sana ako pero may narinig kami sigawan sa field kaya nagpaalam na kami sa kanila para makita kung anong nangyayari.
Mabilis kaming nakarating doon at nakita agad namin ang mga estudyanteng nakapalibot sa field. Nakipagsiksikan kaming tatlo para makapasok. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga football players na pawis na pawis at walang pantaas na damit. My eyes automatically locked at him- Lucas. He's laughing while his eyes are ready to kill. Hindi ko alam ang larong football pero ang alam ko ay naka puntos siya. Nagsigawan ang lahat. He's really good.
"XYRA!" Nagulat ako ng sigawan ako ni Muriel. Napanguso ako.
"Makatitig naman to nakalimutan mo na na may ibang tao sa paligid mo. Tara na doon ka na muna samin para hindi tayo nakikisiksik dito." Hinila niya ako palayo at bumalik ang tingin ko kay Lucas. Nag iimagine lang ba ako o totoong nakatingin siya sa'kin? Sinusundan niya ako ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita. Bumilis ang tibok ng puso ko. Grabe ang intense.
Fence lang ang pagitan ng football field at field kung saan nagpapractice sila Murie at Talia ng cheering squad. Kaya nakakanood pa rin ako ng football practice. Pawis at nakahubad pa rin sila. Lahat sila ay magaganda ang katawan pero nangingibabaw si Lucas sa lahat. He's taller, manlier and iba ang mukha niya sa kanila. His eyes are dark blue. Parang kulay ng dagat pag malalim na. His hair is light brown. Parang blonde na pero may brown tapos magulo, laging magulo actually. Nag ring ang bell at natapos ang practice game nila. Napaharap siya sa direksyon ko at nakita ko ang buong katawan niya. Para siyang alaga sa gym. Alam ko kung ano ang magandang katawan at hindi. Si kuya Yckos at Ares parehas magaganda ang katawan dahil nag gigym sila. Si Lucas...speechless ako. Napakagat labi na lang ako habang binibilang ko sa isip ko ang abs niya.. Kumpleto! 6 sizzling hot abs! May V line pa!
Nang ibalik ko ang tingin ko sa mukha niya ay nakangisi na siya at diretso ang tingin sa'kin. Sa gulat ko ay napatalikod ako. Omg omg! Did he saw me checking him out? Nakakahiya! Ininom ko na lang ang juice ko para makalma ako. Nakakahiya sobra! Tumayo ako at pilit na hindi tumitingin sa lugar kung nasan siya. Nakakahiya talaga! Mabilis akong naglakad sa hallway papuntang restroom. Pagkaharap ko sa salamin ay kitang kita ko ang pamumula ng pisngi ko. Huminga ako nang malalim. Narinig kong bumukas ang pinto ng restroom pero hindi ko nanpinansin. Nagfocus na lang ako sa paghuhugas ng kamay ko. Sana hindi niya nakita...
"You were checking me out.." Nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko ang boses na yon. Alam ko siya yon. Alam na alam ko! Sinundan niya ko dito?! Girls restroom to ah?
Narinig kong palapit siya sa'kin at bago pa ko makaharap sa kaniya ay hinila na niya ako papasok sa isang cubicle and next thing i know i closed my eyes and kissing him back.. NAGHAHALIKAN KAMI!
BINABASA MO ANG
Everything You Want. [On Going]
Chick-LitI always get what i want. Gamit, Pera, Kaibigan etc. You name it i have it. Lahat nakukuha ko. Lahat naibibigay sa'kin. Pero bakit ang pagibig ko sa kaniya hindi niya masuklian. Hindi niya maibalik sa'kin ang pagmamahal na binibigay ko sa kaniya. I...