Chapter 10

4.4K 107 4
                                    

-CHAPTER 10-








"Ano ba kasing ginagawa mo jan? Bakit ka pa sumama? Ayan tuloy kung ano ano sinasabi sayo ng mga tao dito." Sabi ni Muriel habang kaface time ko siya sa phone ko.







"Eh bigla na lang kasi ako hinila ni Lucas palabas. Eh biglang may emergency kaya napunta kami dito. Dapat kakain lang kami." Sabi ko kay Muriel. Nagkatinginan sila ni Talia at tinignan ako ng seryoso.







"Absent ka tuloy ng dalawang subject. Mukang mamaya pa yata ang balik niyo. Tsaka nakita mo ba iyong comments sa post ni Samantha?" Tanong ni Talia sa'kin. Kumunot ang noo ko. Hindi naman ako nadaan sa profile ni Samantha kaya di ko alam ang sinasabi nila.







"Ano bang post yon? Hindi ko nakita." Sagot ko kay Talia. Napaface palm naman si Muriel at nag groan pa siya sa inis. Ano ba nangyayari kasi?






"Ang nalakalagay sa post ni Sam sa Facebook niya ay Get your own man, bitch. Tapos ang daming comments tungkol sayo puro bashers." Sabi pa ni Talia. Kinakabahan ako. This is the only thing i'm worried about right now. Kung kelan naman nagiging ok ang relasyon namin ni Lucas eh sumusulpot na ang problemang to.






"I Don't even know kung may relasyon sila para magsalita siya ng ganon. She have no rights." Napairap si Muriel. Bumuntong hininga na lang ako. Nagtitiwala na lang ako sa ngayon sa gagawin ni Lucas mamaya pagbalik namin sa school.






"Babalik kami ng school mamaya. Ako na bahala. Wag niyo na lang pansinin yung mga yon kasi lalaki lang ang problema." Bilin ko sa mga kaibigan ko. Tumango lang sila at nagmadaling nagpaalam dahil dumating na ang teacher sa isang subject. Binalik ko na lang ulit sa bag ko ang phone ko at bumuntong hininga.






Nagiisip na ko ng ipapaliwanag ko sa mga kapatid ko at magulang ko. Hindi malabo na malaman nila ang nangyari ngayon. Mom will ask me a bunch of questions na ayokong sagutin, Dad will punish Kuya Yckos for sure.. kasi siya ang panganay baka sabihin hindi niya ako inaasikaso. But he doesnt need to do that. I'm not a little kid anymore. Kumunot ang noo ko nang may pumasok sa opisina. Isang babaeng naka black pencil skirt, red sexy blouse at may salamin. Kulay pula din ang buhok niya at nakakulot ito. May dala dala siyang tray na may juice.






"Juice po miss. Pinadala ni Sir Lucas." Sabi niya pa. Nginitian ko siya at nagpasalamat. Ngumiti siya sa'kin. Ay.. Ang ganda niya.. Ang ganda ganda niya..





"Umm may i ask you something?" Tanong ko sa kaniya nang talikuran niya ko para lumabas na ulit. Humarap ulit siya sa'kin at ngumiti.





"Matagal pa kaya ang meeting niya?" Tanong ko sa babae. Napaisip siya saglit at ngumiti ulit sa'kin.





"I think he'll be here in 10 minutes. I've been Sir Lucas's assistant for i don't know how long now and ayaw ni Sir ng matagal na meeting. He wants his meetings to be straight to the point wala nang paligoy ligoy." Sagot niya sa'kin. Ahh assistant pala siya ni Lucas. Napakaganda niya naman para maging assistant lang. Ngumiti siya sa'kin.






"Ganon ba. Kailangan pa kasi namin bumalik sa school." Napayuko ako at uminom na lang ng juice. Kailangan before kuya Yckos knows that i'm not in school ay makabalik na ko kundi malaking gulo ito.






"Well ma'am i'm sure saglit na lang po si sir." Ngumiti siya ulit sa'kin. Napakabait niya naman tapos ang ganda pa at sexy. Ang swerte naman ni Lucas sa assistant niya.






"What's your name?" I asked.





"Anastasia Freeman, but please call me Ana." Ngumiti siya ulit sa'kin. Ang ganda niya. Sobrang ganda niya hindi ko na magawang magselos kasi alam kong talo ako kung magkaron sila ng thingy ni Lucas. But i really appreciate her beauty. Kakaiba ang ganda niya parang iyong girlfriend lang ni Kuya Yckos na si Primrose.





"Nice to meet you.. I'm-"



"Xyra Lalaine Sy, Sir Lucas's Girlfriend." Hindi na niya ako pinatapos. Napanganga ako. Kilala niya ako at alam niya ang girlfriend boyfriend thing namin ni Lucas? Aba.. Magaling na assistant ito.






"I know you miss Xyra. Besides, you're the only daughter of the Nickolas and Megan Sy of the Sy group of companies right?" Dahan dahan na lang akong napatango. Grabe ang dami niyang alam? Saglit pa kaming nagkwentuhan nang biglang pumasok si Lucas. Mukang pagod siya na ewan. Pero ang gwapo niya pa din.





"Ana, can you please do what Dad says then just call me afterwards?" Lumapit si Lucas sa'min dalawa at tumayo naman si Ana.






"Yes sir i will. Are you ready to leave sir? Your car, uniform and other needs are ready sir." Report pa ni Ana. Medyo naiimpressed na ko sa kaniya. Parang pinanganak na talaga siyang maging assistant. She's good with her work.





"Yes, we'll leave in a minute. Magpapalit lang akong uniform. Umm. Xyra are you alright?" Binalingan ako ni Lucas at kinuha na ang paper bag na dala ni Ana.





"Oo.. Ok lang ako." Tanong ni Lucas sa kaniya. I know i have to talk to him about the bashers more pero may tiwala ako sa gagawin niya pagkabalik namin sa school.






"Ok wait for me in the car, magpapalit lang ako. Ana, please guide her back to my car." Utos ni Lucas sa assistant niya at dumiretso na sa restroom dito sa office niya.






Gaya ng utos ni Lucas, inihatid na nga ako ni Ana sa kotse ni Lucas. Pumasok na ako at hinintay na lang si Lucas dumating. Bumuntong hinga ako. Sy ako at Ventura siya. Diba mali yon? Pero hindi naman pumapatol sila Dad sa mga ganitong business issues. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi naman siguro big deal ang mga apelyido namin. Maya maya ay dumating na si Lucas. Naka uniform na ulit siya. ang gwapo pa rin.






"Ok let's go back. Lumalaki na ang haters population mo which is not good." Sabi niya pa na nagpakaba tuloy sa'kin. Huminga na lang ako ng malalim. Kaya ko to!






"Pano na Lucas? Anong gagawin natin? May plano ka ba?" Nagaalalang tanong ko. Ngumisi siya nang nakakalokong ngisi at...







"I'll tell everyone that you are mine and it will work like a magic. Iyon ang gustong marinig ng tao then we're gonna give it to them. Kailangan natin makipag laro sa apoy minsan, Xyra." Seryosong sabi niya habang on the way kami pabalik sa school. Ewan ko paano pero nawala na ang kaba ko. Lalo na nang hawakan niya ulit ang kamay ko.







"Just follow my lead..." He said and we both enter the school. This is it, ready for battle Xyra..

Everything You Want. [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon