Sa laro ng pag ibig hindi mo malalaman kung ilang beses ka ng natalo. Dahil hindi mo to mamalayan kapag nasaktan ka na ng higit pa sa inaasahan mo.
Ynna Zin Marchesa still accept the fact na kailan man ay hinding hindi na siya magugustuhan ng taong...
Siguro masayang mag dare? Kasi challenging ang gagawin eh. Mas ma eexcite ka. Yung tipong kinakabahan ka pero parang gusto mo na malaman yung idi-dare niya sayo. Yung mapapa isip ka kung gagawin mo ba o hindi. Yung mapapaisip ka kung mapapahiya ka ba sa gagawin mo oh, iisipin mo'ng isa lang to'ng laro.
Eh kung truth naman kaya? Kung sa truth naman ako papanig. Ok din naman. Sasagutin mo lang naman yung mga tanong nila---pero with a twist. Mahirap na nga yung tanong, papahirapan ka pa gamit ang pag pihit sa mga kamay mo na feeling mangiyak ngiyak ka na, at feeling mo mababali na yung mga daliri mo. Pero ganon naman palagi eh di ba?
Lagi ang tanong "Sino ang crush mo?" "Kanino ka nagagagwapuhan dito lang sa room ah" "Sinong crush mo? Dito lang sa room ah" "Sinong crush mo? A. Echeboreche B. Eklabu or C. Chenes" "Kanino ka na love at first sight?" Di ba? Yan yung mga common na tanong na lagi na lang natin naririnig. Pero paano naman kaya sa storyang to? Ano naman kaya ang ibibigay na twist?
Yung feeling na mapapaiyak ka talaga sa sobrang sakit. Yung mapapakilig ka sa sobrang tuwa. Yung tutulo tutulo yung luha mo ng walang dahilan. Yung ngingiti ka ng walang dahilan. Yung kukunot yung noo mo at magiging moody ka dahil sa sobrang selos. Yung matatawa ka kahit hindi naman nakakatawa yung joke niya. Yung kakausapin ka niya tapos hindi ka makatingin sa kanya. Yung sinabi mong iiwas ka pero di mo magawa. Yung lahat kaya mong gawin para lang sa kanya. Yung ganon? Siguro sa larong to, dito ko mararansan ang mga ganyang eksena.
Ok! May sagot na ko. Alam ko na kung anong pipiliin ko. The truth is, I'm falling for you, and I dare you to catch me. Sana pwede yan no? Pero syempre bawal. Sasabihan ka ng....madaya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.